Chapter Twenty Two

233K 7.6K 2.8K
                                    


Chapter Twenty-two

AISCELLE.

I woke up with a swollen eyes.

Siguro halos ilang minuto rin ako sa harap ng salamin sa banyo ng kwarto ko at naka-titig lang. Maga talaga ang mata ko. Nanliliit. Hindi naman ako singkit pero ngayon nag mistulan akong singkit.

Iniisip ko kung gaano kaya katagal bago bumalik sa normal ang hugis ng mata ko? Sana after breakfast dahil may meeting pa ako mamaya at ayokong pumasok ng may namamagang mata.

Ang tagal kong umiyak kagabi pagka uwi ko after namin magusap ni Jasper. Iyak ako nang iyak ng walang tigil. Mixed emotions. Masaya, malungkot, nasasaktan. Ewan. Hindi ko na nga alam kung ano pa ang iniiyak ko kagabi. Hindi ko na alam ang pinaka dahilan.

Pero nakakatuwa dahil kahit namamaga ang mata ko, gumising ako ng parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

Oo malungkot ako dahil hindi na sigurado si Jasper sa feelings niya sa akin. Malungkot ako dahil maaring katiting na lang yung pagmamahal niya na natitira para sa akin.

But at the same time, masaya ako kasi wala na yung guilt na dala dala ko sa mahabang panahon. Simula nang umamin ako sa kanya, simula ng makahingi ako sa kanya ng tawad sa tamang paraan, naging okay na rin ako.

Alam kong pwede na akong makapag start over.

Matapos akong makaligo at makapag bihis (hindi pa rin bumabalik sa normal ang mata ko), bumaba na ako para mag breakfast. At nakita ko ang isang eksena na madalang ko lang makita.

Si mommy ang nag hahain. At mukhang siya rin ang nagluto ng breakfast.

You see, my mom is a career woman. Madalang ko lang siyang makitang magluto. Laging mga maids. Siguro ang daming bagay ang hindi niya nagawa para sa amin bilang isang magulang.

But still, siya ang tinuturing kong idol.

Yes she's strict. Yes, ang hirap niyang i-please. Pero isang bagay na hinahangaan ko sa kanya, lagi niyang alam kung ano ang gusto niyang gawin. Lagi siyang may goal. At lagi siyang naka-stick sa goal na yun.

Samantalang ako?

Madalas hindi ko alam kung ano ang gusto kong mangyari.

"Hi mom," bati ko.

Napaangat ang tingin niya sa akin.

"I prepared breakfast," nakangiti niyang sabi.

Naupo ako at tinignan siya.

"Wala po si Yaya Mela?"

"Biglaang leave. Her daughter's sick kaya pinayagan ko na. Eh I though dito rin mag b-breakfast si Ice kaya naparami ang luto ko. Kaso ang aga umalis."

Tumango ako, "how about Erin?"

"She's with her mom."

Hindi na ako nag react.

Nandito pala ang mom ni Erin sa Manila ngayon. May himala.

Mom and Erin's relationship is neutral. Hindi sila close. Halos hindi sila nagpapansinan. Kung sabagay, paano mo nga ba mapapansin ang anak ng kabit ng asawa mo?

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon