Chapter Fifty

234K 7.3K 1.7K
                                    

Chapter Fifty

AISCELLE.


"Hi Ms. Aiscelle!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Jean, yung production assistan na nakangiti habang palapit sa akin.

"Uy! Hi!"

"Buti po naka-bisita kayo sa set! Mag t-take na si direk maya maya. Nuod po kayo?"

"Yep! Gusto ko rin makita kung paano i-s-shoot. Yung mga artista pala? Si Stan?"

"Ah, si Jasper po okay na siya. Naka stand by na. Si Leigh nandoon po sa tent niya kasama si Sir Stan."

Medyo natigilan ako.

Lagi na lang magkasama yung dalawa.

New bff? Bagong Taylor Swift niya?

"Oh, I see."

"Puntahan po natin?"

"Ah no, no. Mag iikot-ikot muna siguro ako."

"Crowd control please! Mag e-establishing shot ako!" sigaw nung director.

"Ay wait lang po Ms. Aiscelle ah? Need na po ata ako doon."

"Sige. Go ahead."

Naiwan akong nakatayo doon. Napatingin ako sa tent na tinuro ni Jean. Nagdadalawang isip kung papasukin ko na ba sila doon or what.

Hindi ko alam kung ba't ako nag a-alangan. Bakit ba? I'm a co-producer of this mini series. Tapos simpleng pag-pasok sa tent kung saan nandoon si Stan at si Leigh eh kinakabahan akong puntahan?

Bakit ba? Kaibigan ko naman si Stan at artista ko si Leigh.

Napa-hinga ako nang malalim.

Buti pa siya may time na makipag chikahan kay Leigh samantalang hindi magawang sagutin ang text ko.

Pumasok na lang ako sa loob ng bahay kung saan sila nag se-set up.

Maganda yung bahay na nakuha nila, infairness. Spacious, malaki. Maayos din ang ventilation. Hindi mainit kahit na ang daming staffs sa loob.

"Ms. Aiscelle!" tawag sa akin ni Andy, yung associate producer namin. "Ano! Musta po? Ganda ng location 'no?"

"Ganda ah! Galing mong humanap."

"Ako pa ba?"

"Ay wait, saan ang restroom dito?"

"Ay doon miss! Malaki bathroom nila diyan."

"Ay sige. Mag re-retouch muna ako," natatawa-tawa kong sabi.

"Sure! Dapat laging maganda. Pogi pa naman nung co-producer mo."

Napailing na lang ako.

Lahat na lang sila, crush si Stan.

Sa pre-prod meeting pa nga lang daw nila, ang usapan kung sino ang mas gwapo. Kung si Stan ba o si Jasper. Kaya naman ngayon na nag s-shoot na, ang g-ganda ng mood ng mga babaeng staffs.

Naglakad ako papunta sa bathroom na tinuro ni Andy. Nakita ko naman na lumabas doon si Jasper.

"Hey, Jasper."

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon