Chapter Forty

214K 8K 3.8K
                                    


Chapter Forty

AISCELLE.


"Aiscelle, be on time," sabi sa akin ni Stan mula sa kabilang linya.

"Ito na nagbibihis na ako!" sigaw ko habang nakatingin ako sa cabinet ko at namimili ng damit.

"Baka mamaya niyan magpa kulot ka pa ng buhok ah," pangaasar niya.

"Shut up," inangat ko yung pink na dress ko. Pwede kaya 'to tapos papatungan ko na lang ng blazers?

"Ay wag ka rin palang mag susuot ng mga revealing clothes. Malamig sa office ko."

"I know. I've been into your office! At ba't naman ako magsusuot? Isa pa I already check my wardrobes. Wala akong sexy na damit. Kainis!"

Kinuha ko yung puti. Parang much better yung puti. Pero parang ang plain.

"So naghanap ka talaga ng sexy na damit?"

Humarap ako sa phone ko na naka loud speaker na nasa ibabaw ng table ko at nag pamewang ako.

"Of course! Sometimes a lady needs to flaunt her skin."

Narinig ko ang pagtawa ni Stan mula sa kabilang linya at naiimagine ko ang mukha niya ngayon na ang saya saya.

"Wow. You're going to flaunt your skin during a meeting?"

Naupo ako sa kama at napakagat sa lower lip ko.

"Jasper will be there."

Katahimikan.

Alam kong ayaw na ni Stan na ipursue ko ang nararamdaman ko for Jasper. Alam kong naiinis siya sa akin dahil tingin niya, katangahan ang gagawin kong pag tanggi sa offer ng mom ko.

Well, I haven't told my mom yet. Pero hindi ko talaga kayang umalis ngayon.

Alam ko ang tanga ng desisyon ko. Pero ngayon ko lang naramdaman na talagang gusto kong bumalik si Jasper sa akin. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.

Bakit ko pa aaksayahin ang pagkakataon ko?

I will bring him back.

No matter what.

"Stan, thank you ha?"

"For what?"

"Kasi kahit kaliwa't kanan na ang naglalabasang issues kay Jasper at medyo sira ang pangalan niya ngayon sa mga tao, siya pa rin yung kinuha mo. I know you're doing this for me. Thank you, Stan."

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Stan.

"It's okay. Sabi nung writer si Jasper ang pinakabagay sa role so I think I'm doing the right thing here."

"Thank you talaga! 'Di bale, tutulungan kitang mapasagot yung writer na type mo."

Tumawa siya nang mahina.

"Wag na. Basta wag ka lang ma-l-late sa meeting."

"Yes sir! Bibilisan ko na po!"

"Bye Aiscelle."

"Bye!"

He ended the call at tumingin ako ulit sa mga damit ko.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon