Chapter Sixty Four

243K 7.7K 2K
                                    


Chapter Sixty Four

AISCELLE.

"The subscriber cannot be reached. Please try again later."

I angrily pressed the end button at inis kong ibinalik sa bag ko ang phone ko.

Feeling ko nung past life ko, napaka swerte kong tao. O di kaya naman may ginawa akong kasamaan noon. Kasi ngayon, grabe akong minamalas. Lalo na sa lovelife!

Napatingin ako sa bintana ng café ni Kite at kita ko ang lakas ng ulan. Sa labas. My goodness. Wala pa naman akong dalang sasakyan ngayon dahil coding. Nagpahatid lang ako dito sa set kanina. Magpapasundo na sana ako kaso sabi ni mommy baha na ang daraanan kaya stuck din sila sa bahay.

I tried contacting Ice pero cannot be reached ang phone niya.

Si Jasper? Kaso umalis sila kanina ni Nica. Yung mukha niya kanina parang ready na siyang tigilan ang pagpapaka torpe niya. And true that, nakita ko sa status nila na sila na.

Nakakatawa kasi I've been preparing myself for this. Yung tipong pag dumating ang time na maging sila, alam kong sobrang masasaktan ako. Sobra akong mawawasak.

Pero ngayon, masaya ako para sa kanila. May halong inggit, yes, I admit that. Pero masaya ako.

Napalingon ako bahagya kung saan nandoon si Stan at yung ex niya. Nakaupo silang dalawa sa other side ng room at umiinom ng kape. Pareho ring nagpapatila ng ulan.

Dahil medyo tago ang pwesto ko at for sure hindi nila ako nakikita, libreng libre ko silang natititigan.

Sweet nilang dalawa ha? Si ate girl may pahampas-hampas pa sa kamay ni Stan habang tumatawa. Che. Alam ko na yang mga ganyang style. Flirting 101. Napagdaanan ko na rin yan. Wag ako! Naku ang landi mo! Nakakainis ka. Kagatin sana kayong dalawa ng langgam diyan hanggang sa maging isa na kayong malaking pantal! I hate you both! Malalandi! Magsama kayo!

At ikaw Stan, pag ikaw iiyak iyak na naman after niyan, naku. Di kita e-entertain. Bahala ka umiyak diyan bwiset.

Pero siya ang karamay mo nung umiiyak ka kay Jasper. Siya ang nasa tabi mo nung panahon na nasasaktan ka...

LECHE TIGILAN MO AKO, KONSENSYA. WALA AKONG PANAHON NA PAKINGGAN KA.

"Aiscelle..."

Natauhan ako bigla nang may tumawag sa pangalan ko. At ayun, yung lalaking kanina lang eh tinititigan ko, nasa harapan ko na ngayon.

Bigla siyang naupo sa tapat ko.

"Hey. Ang lalim ng iniisip mo," sabi niya.

Iniisip kita, shit ka.

"Ah, iniisip ko lang yung about doon sa pag-aaral ko ng fashin design," sabi ko.

"Oo nga pala, next year na lipad mo papuntang States.."

Iniwas ko agad ang tingin ko.

Gustong gusto ko na talagang pumunta sa States. Gustong gusto ko nang lumayo sa kanilang lahat.

"Lakas ng ulan. Di ba coding ka? Paano yan, may dala ka bang sasakyan?"

Hindi ako umimik.

Kahit ang pagiging coding ko tuwing lunes natatandaan niya. Nakakainis ka, Stan. Why are you like that?

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon