Chapter Twenty Seven

251K 7.8K 2K
                                    


Chapter Twenty Seven

AISCELLE.


"What the fuck happened to you?!" gulat na gulat na tanong ko kay Stan nang makita ko ang itsura niya.

May usapan kami ngayong dalawa na magkikita kami sa coffee shop. I'm expecting to see his handsome face na ayos na ayos pero hindi ko akalaing makikita ko siya na may pasa sa ilalim ng mata. He also look dishelved.

"May nakasuntukan ka ba?" tanong ko then I occupy the seat in front of him.

He gave me a curt nod. Napabuntong hininga ako.

"Uso ba suntukan ngayon? Kahit ang kakambal ko may nakasuntukan kahapon."

Nabauntong hininga rin si Stan.

"Yung kakambal mo eh si Ice Monasterio? Yung vocalist ng EndMira?"

"Uhm.. o-oo. Bakit?"

"Then unfortunately, ako ang nakasuntukan ng kakambal mo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"W-wait, ikaw?! Ikaw yun?! Ikaw yung epal na ex ni Timi na nakasuntukan ni Ice?!"

Napangiti si Stan ng malawak pero agad din siyang napahawak sa pasa niya dahil mukhang nabanat yung pasa niya.

"Epal talaga ang description sa akin ng kakambal mo?" he asked me amusedly

"Uhmmm..."

"Well, yep! That's me. I'm Timi's epal ex."

"Holy shit!"

He chuckled, "wI didn't know that Aiscelle Monasterio can curse like that."

"Sorry, I'm just shocked. Timi's your ex? Don't tell me she's the girl your talking about. Yung babaeng pinerahan ka lang?"

"Oh. No, no. Hindi si Timi yun. She's different."

Tumango ako. "Okay, okay. Good. At least I know just in case magkabalikan ulit sila ni Ice."

"Hmm.. is he really serious with Timi?"

"Si Ice? Of course! Kilala ko ang kapatid ko at hindi siya player, Stan."

"Then why did he broke her heart in the first place?"

Natigilan ako bigla sa tanong ni Stan.

"I..cannot answer that."

He heaves a deep sigh.

"Bakit kayo nagsuntukan ni Ice?" tanong ko.

"Because I don't want Timi to go back to Ice. I'm scared na baka saktan lang niya ulit si Timi."

Tinignan ko si Stan. He look genuinely concerned with Timi. Alam ko ang dahilan ni Ice at alam ko ang intensyon niya kay Timi pero hindi ko makuhang mainis kay Stan because I understand him. Halata sa kanya na mahalaga para sa kanya si Timi at ayaw niya lang itong masaktan.

"W-wait, do you still love her?"

Inangat ni Stan ang tingin niya sa akin.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon