Chapter Forty Five

221K 6.8K 2.9K
                                    


Chapter Forty Five

NICA.


Lumulutang ang isip ko.

Gusto ko na talagang mag mura at ibato ang laptop ko. Hindi ko alam kung paano ko pagaganahin ang utak ko.

Change the ending.

Anak ng pating!

Dati nung nag aaral ako, pag may ipinapa-revise sa script na ipinapasa ko para sa mga short films namin, ang dali kong nagagawan ng paraan. Pero bakit ngayon hindi?

Outline na nga lang 'tong gagawin ko at hindi script. Outline lang. At wow, episode one pa lang 'tong isinusulat ko ayaw na agad gumana ng utak ko.

What more kung sa last episode na nga?

Sabi nila change the ending. Hindi naman pwedeng yung ending lang ang palitan ko. Dapat palitan ko rin yung ibang mga scenes na nagpapakita na mahal na talaga ni lead guy ang best friend niya. At hindi ko alam kung paano ko gagawin yun.

Matigas lang talaga ulo mo at nakikinig ka sa puso mo kaya hindi ka makapag-revise ng maayos.

"Huy!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may umupo bigla sa silya na nasa tapat ko.

"Benedict!" inis kong sabi habang nakahawak sa dibdib ko dahil nagulat ako.

"Ano nerbyosa ka na? Baka sumosobra ka na sa kakainom ng kape?"

"Wag kang magulo! Nakakadalawang cup pa lang ako!"

Pinitik niya ako sa noo, "limit your coffee to one cup a day!"

"Writer ako kaya pwede sa akin hanggang tatlo."

"Wow! Ngayon ko lang nalaman yun ah," sabi niya sabay irap pataas. "At bakit ka naman feeling customer dito ngayon sa café ng iniirog mo? Tapos na duty mo?"

Paano nakaupo na kasi ako sa isa sa mga table dito sa café nina Jasper habang nagsusulat.

"Oo tapos na. Ikaw? Nandito ka na naman!"

Napatingin si Benedict sa may counter area ng coffee shop.

"Dinadalaw kita," sabi niya pero nakapako pa rin ang tingin sa counter area.

Tinignan ko kung sino yung barista na nandoon sa counter area.

Si Mike, yung supervisor ko.

Matangkad si Mike na medyo moreno at may dimple sa kaliwang pisngi. Maamo ang mukha, maganda ang tindig, ang higit sa lahat, ang gentleman at mabait.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Benedict.

"Ahhh, dinadalaw mo ako. How sweet," sabi ko na punong puno ng pangaasar.

Napabalik ulit ang tingin ni Benedict sa akin at pulang pula ang mukha niya.

"S-shut up!"

"Type mo 'no? Pakilala kita?"

"H-hindi ah! E-ewan ko sa'yo."

"Nahiya ka pa eh ang lagit ng tingin mo sa kanya."

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon