Chapter Five

287K 9.3K 2.1K
                                    


Chapter Five

NICA.


"We're here!" sabi ni Jasper Yu habang ipinaparada niya ang sasakyan niya sa garahe ng isang one story house sa subdivision na 'di kalayuan sa bar na pinagtatrabahuhan ko.

Napatingin ako sa bintana ng bahay at napansin ko na nakabukas ang ilaw dito. May mga silhouette din ng tao na hula ko eh mga ka-banda ni Jasper.

"Akala ko ba walang tao sa headquarters niyo ngayon?" tanong ko sa kanya.

Napatingin din siya sa bintana.

"Oh shit! May practice nga pala kami ngayon!"

Napatahimik ako. Hindi ko alam kung gusto kong pumasok o magdadahilan na lang ako para makaalis.

Suot ko na kasi ang uniform ko sa bar na pinagtatrabahuhan ko. At oo, aware ako na ang revealing nito. Leche kasi yung may ari ng bar na yun eh. Gusto sexy ang uniform ng mga waitress, gusto makapal ang make-up namin. Gusto niya ang itsura namin yung tipong parang nang-i-invite kami na magpa-rape. Palibhasa mukhang dirty old man yung hayop na yun eh. Kung di nga lang siya malaki magpasweldo at kung di ko lang kailangang-kailangan ang pera matagal na akong nag-resign sa lecheng bar na 'yan.

Buti pa yung uniform sa restaurant ni Chef Timi, kahit papaano eh nag mumukha naman akong may class.

Kahit papaano. Kahit wala naman talaga akong class.

"Nica? Tara na! Papakilala kita sa kanila."

Hindi ako umimik. Nagdadalawang isip talaga ako kung gusto ko bang makita ako ng mga sikat at rich kids na mga lalaking nasa loob ng bahay na yan na ganito ang itsura ko.

Sanay na akong mahusgahan. Sus, almusal ko yan dati. Mura at panghuhusga mula sa leche kong tatay. Minsan may pahabol pa na sapak.

Pero syempre tao lang din ako at tinatamaan pa rin sa mapanghusgang tingin ng mga tao. Walang nasasanay sa ganyan. Sadyang yung iba, magaling lang magtago na tinatablan sila.

"Huy Nica natutulala ka dyan! Ano, gusto mo ba ang libro o ayaw mo?" nakangiting sabi sa akin ni Jasper.

Bumaba ako sa kotse at hinarap ko si Jasper.

"Uhmm, Jasper kasi—"

"Ayan na pala si Jasper eh!"

Pareho kaming napalingon ni Jasper sa nagsalita at nakita ko yung isa niyang ka-banda na kinakawayan siya mula sa bintana.

"Tara ipapakilala kita."

Hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako papasok.

Shit naman. Bahala na nga. Libro rin ang mga yun. Bahala na silang husagahan ako. May bago pa ba doon?

Pumasok kami sa loob at nakita ko ang gulat ng mga ka-banda niya nang makita ako. Agad din naman nilang iniwas ang tingin nila sa akin. Biglang pumasok ang isang linya sa isang nobelang nabasa ko nang iiwas nila ang tingin nila sa isang character doon.

'They look away because she's too painful to look at.'

Napayuko na lang din ako.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon