"Zafrene Vincy Sanchez. Grade 10- Pilot Class." Binasa ko ang pangalan ko sa ID. O, ayan Zaf, panibagong "Embarassing Moment" mo na naman mamaya pag may nakasalubong kang Queen B.
Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Nginitian ko ang sarili kong repleksyon. Tumagos ang sinag ng araw sa bintana, dahilan upang masilaw ako sa braces sa ngipin ko. Inaayos ko ang long sleeve kong uniform at ang red naming skirt. Hindi pa ako suklay or nakakapag-sapatos man lang. Sabagay, maaga pa naman kaya wala akong dapat alalahanin.
Pinasadahan ko ng tingin ang aking kuwarto. Ang maputing dingding na sobrang kinis ay nangingintab. Ang mga muwebles at paintings ay nandoon pa rin naman sa tamang puwesto, kaya sigurado akong walang umakyat na katulong dito kagabi.
Inayos ko ang salamin ko na dumadausdos na sa ilong ko. Kahit gaano pa kahaba ang pilik ko, hindi pa rin iyong makuhang mabigyan ng pansin ng dahil sa laziness ng mga mata ko. Ang matingkad na kulay brown kong mata lang siguro ang nagbibigay buhay sa mga mata ko. Ang kilay ko, feeling ko shaved. But, nah! It's absolutely natural. Mukha lang perfect nang dahil sa tamang kurba at tamang kapal ng mga ito.
Tumindig ako ng tuwid at hinawakan ang suklay. Ang wavy and dark brown kong buhok ay sumayaw sa lambot.
Mamaya pa ay natapos na rin ako sa pag-aayos sa sarili ko. Bumaba na ako sa hagdanan at nadatnan kong nasa hapag na ang mga magulang ko, nag-uusap.
"Good morning, sweetheart!" Bati sakin ni mommy kaya't sinuklian ko na lamang sila ng masilay na ngiti.
"Anak, how was school yesterday?" tanong ni daddy.
"Okay lang." Sabay tawa ko ng marahan.
Sinuklian niya rin ako ng ganoon ngunit mapaklang tawa, "Ikli ng sagot mo. Yeah, I know. You're not a child anymore. Besides, I understand that you have secrets to keep." He says.
"Yeah."
"Come on, you two. Kumain na lang kayo. Napaka-seryoso niyong mag-usap." Sabay tawa ni mommy'ng sabi.
Sinunod namin sa mommy at kumain kami ng masaya sa hapag. Pinag-uusapan namin ang mga dapat pag-usapan kahit si daddy ay masyadong occupied rin sa akin as a Haciendera.
"You really need to check our land. It's big. Naku, alam kong magugustuhan mong sumakay sa kabayo." Sumilay ang mga ngiti sa labi ni daddy habang sinasabi iyon.
"I'll look forward on seeing it, Dad." I said.
"Well, actually, anak. May napagkasunduan kami ng Daddy mo." Sabat ni mommy, habang kinakagat ang pang-ibabang labi na para bang may kating-kati silang sabihin sa akin.
"Ano po iyon?"
"After you graduate, baka mag-aral ka ng college ay sa Mulanay. Hindi namin masyadong mapagtuunan ng pansin ang Lolo mo, and since you haven't met him, you could spend more time with him." Ani mommy.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Really?" Gulat kong sigaw sa tuwa.
At last! New fucking life is ahead for me on Mulanay! Just wait til I meet this place. I just hope that three months is fast.
I wanna make the time fly. Impossible, eh?
And I am wanting for it to happen.
Ang agap ko ngayon sa school. I mean it's actually the usual, but stranger than the usual.
Pagdating ko sa classroom ay wala pa halos katao-tao. Nakita ko na doon ay iilan pa lamang. Dalawang lalake at apat na babae. I'm not really familiar with them because my priorityin this school is to just study, not to make friends. I damn am not good in making any.