Chapter 3

179 7 1
                                    

Ugh! I'm doomed! Kung nasa Unknown na taong iyon ang Zaek Book ko, then embarassment will haunt me. What if she's a girl? Then she might show it to Brenda.

Zaek Book is my book of everything and I mean everything. All my dislikes are there, even Brenda! Ngayon, kung nasa kung kanino man iyon ay patay na ako. Napakahigpit ni Brenda kapag nakakita siyang negative na bagay tungkol sa kanya. And I hate her!

Kinain ko in frustration ang mga marshmallows at lumagok ng juice. Ugh! Kailangan kong maibalik ang Zaek book ko. This is way beyond my circles. Hindi ko inaasahang makakawala ako ng mga gamit ko.

Tiningnan kong mabuti ang number ng sender. Sino ba ito? Bakit kailangan niya pang maging misteryoso sa akin sa ganitong sitwasyon ko. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa kaba. Paano nga kung babae ito? Or maybe one of Brenda's minions? This would really suck. Pero ang sabi ng sender, "Why did you left me?". Pero hindi ko pa naman nakakasama ang kahit sino sa mga minions ni Brenda.

Wala akong ibang nagawa kundi i-text back ang sender.

To: Unknown
Who are you?

Kinuha ko ang Honey Lemon Juice at lumagok ng kahit kaunti. Maya-maya pa'y nagmessage na din ang sender.

From: Unknown
Come on, find out. If this Zaek Book of yours means a lot to you.

I rolled my eyes. I'm done playing games with anyone.

To: Unknown
Just, please give it back to me.

Napakagat ako ng labi ko. This seriously is one of the hardest times I've ever had.

From: Unknown
Kapag nahulaan mo kung sino ako sa pamamagitan ng boses ko, I'll give you your book.

Maya-maya pa'y nagsend siya ng voice message. Then, what? Paano ko naman ito malalaman kung wala naman akong kaklaseng kakilala?

Voice message: Lost stars, Sanchez. Lost.

Nanginig ako. His deep, husky voice was kind of familiar. Narinig ko na ito kung saan. It's just that... I don't know where or who was this guy.

Kinabukasan, maaga ulit akong pumasok sa eskuwelahan. Gusto ko pa sanang magtagal sa shower ngunit naisipan kong hanapin kung sino ang lalaking iyon.

Hinding-hindi ko dapat malimutan ang boses ng taong iyon. Kailangan kong mahanap ang libro ko. Unti-unting dumami ang mga kaklase ko sa silid namin kaya't lalo akong kinakabahan. Ang tanging clue ko ay, kapag may nakipag-eye contact sakin, siguradong siya iyon.

Dumating na rin agad si Sir Alfuerte. Ang first subject namin, Science. Maraming late at kasama doon si Brenda and her three minions.

Lahat ko tinititigan sa mata ang mga kaklase kong late na dumadating at wala man lamang sa kanila ang tumingin pabalik. Well, who am I? Right?

7:36 na at may dalawang kaklase pa akong wala. Ang isa ay iyong lalaking tumawag sa akin ng Sanchez at ang isa ay hindi ko kilala kung sino.

Nagsimula akong maboring sa topic ng teacher namin. Bakit ba childhood niya ang kinukwento niya at hindi ang lesson namin? Aba, nauubos din ang oras namin sa matandang ito.

Pinairal ko ang pagkainis ko sa gurong nasa unahan namin ngayon. Siguro kung walang hiya ako, kanina ko pa nasabihan ito nang, "Hoy, hindi ka pinapasweldo ng gobyerno para ikwento sa amin ang talambuhay mo." Kaso, may respeto pa rin ako sa matandang nakasalamin na ito.

Sabay pumasok ang dalawa kong kaklase, isang lalaki at isang babae.

"Good morning, Sir Alfuerte. Sorry, that I'm late." Aniya babae. Nakatitig ako sa hinhin ng kanyang galaw.

Get EvenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon