"Odeya, ano daw ang theme ng christmas ball ngayon?" tanong ni Ralene sa aking tabi habang naglalakad kami sa may Vienna Building.
Bigla namang pumalakpak si Odeya sa aking tabi at excited na ngumiti sa amin, "Winter Masquerade Ball!" aniyang punong-puno ng kasiyahan.
"Masquerade Ball?!" gulat na gulat na tanong ni Ralene.
"Yep. Excited na nga ako eh! Long gowns daw ang suot." sagot ni Odeya at saka kami nagsiupuan sa bench.
"Okay. Wala nang klase hindi ba?" excited na tanong ni Ralene sa tabi ko.
Tumango kaming dalawa ni Odeya.
"Tara sa mall! Bibiling gown!" pag-aakit ni Ralene.
Tumango ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa nang mag-vibrate ito. Sabay namang lumapit sa akin si Ralene at Odeya para tingnan kung sino ang nag-text sa akin.
From: Caleb
What are your plans today?
"Yieee!" kantyaw ni Odeya sa gilid ko at niyugyog ang aking mga balikat. Napatingin ako sa gawi Ralene at ngumisi lamang siya sa akin ng malapad.
The fuck? Are they on Caleb's side, too?
Inirapan ko sila at nag-type. Ngunit bago ko pa man i-send ang reply ko ay bigla siyang sumulpot sa aming harap, na dahilan pala kung bakit nananahimik si Odeya at Ralene.
Tiningnan ko siya habang siya'y nakapamulsang nakatayo sa aking harapan at nakangisi. Hindi ko alam kung bakit biglang may kung anong tumatalong bagay sa aking sistema kapag ganyan ang composure niya sa harap ko. Damn it, Caleb.
"Have you recieved my text?" tanong niya at nagtaas ng kilay sa akin.
Tumango ako sa kanya at niligpit ang mga gamit ko. It's been a week nang mangyari sa akin ang ma-bully muli at ang mag-break sila ni Lucia, at simula ng araw na iyon ay ang gusto niya'y kasama ako palagi at alam niya ang mga ginagawa ko.
"So, what are you up to?" tanong niya sa akin nang tumayo ako katabi si Ralene.
"Bibili kami ng gown para sa Christmas Masquerade Ball sa isang araw." sagot ko at ibinulsa na ang cellphone.
Sinundot ni Odeya ang aking tagiliran at sinayaw niya ang kanyang mga kilay sa akin. I gave her a questioning look ngunit ngumisi lamang siya ng ngumisi sa akin. What the heck is happening to this girl?
"Isama niyo si Tristan para may kasabay ka pag-uwi." aniya't humalukipkip, "But I'll drive you there." aniya.
"Yes!" sigaw ni Odeyang tuwang-tuwa sa sinabi ni Caleb.
Pinilig ni Caleb ang kanyang ulo at bumaling kay Odeya, "I said, only her. You two take a jeepney or magpahatid ka Ralene sa mga pinsan mong lalaki. We'll be there at four thirty. Sa World of Fun." dire-diretsong utos ni Caleb at hinila na ako palayo sa mga kaibigan ko.
Nang makarating kami sa tapat ng sasakyan niya ay humalukipkip ako sa kanya at tinitigan siya ng masama.
"Bakit mo pa ako hiniwalay sa kanila?" tanong ko.
Kinindatan lamang niya ako at pumasok na sa sasakyan. Ngumuso ako at binuksan ang cellphone ko na puro message ni Andrew.
From: Andrew
Are you available tomorrow?
To: Andrew
Yep. Walang klase eh. Why?
From: Andrew
I need a modeeeeeeel :D Are you fine with that?
To: Andrew