"How's your trip, anak?" salubong na tanong sa akin ni Mommy nang pagbuksan niya ako ng pinto sa mansyon.
"It was good, Mom." ani ko at ngumisi.
I suddenly felt the cold touch of the ring wrapped around my finger. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon.
I'm not married to him yet but I feel extremely happy.
"Yeah, I can see from your smile." aniya at ngumisi rin pabalik.
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. "I have something to tell sa inyong lahat." nakangiti kong sambit.
Pabirong nagtaas ng isang kilay si Mommy habang nakapulupot ang kanyang braso sa akin. "At ano iyon?" tanong niya.
I licked my lips as I shrugged my shoulders, "Well, it can wait til afternoon, right?" mapanuya kong sambit.
"Well, is that a good news?" nasasabik niyang tanong.
"Yeah, you can say that, Mom."
Dumiretso na ako sa kwarto. At hinagilap agad ang cellphone ko sa aking bag upang tawagan si Caleb.
Ngunit napangiti ako nang makita ang kanyang mensahe roon.
From: Caleb
Pupunta ako jan mamaya. Can u come by our house today? Love you.
To: Caleb
Sure. Loveyou too.
I couldn't contain my excitement sa kagustuhan kong malaman na nila Mommy na engaged na kami ni Caleb.
Nagsuot ako ng brown khaki shorts at isang white shirt. Pinaresan ko iyon ng itim na sandalyas at tumulak na paalis ng bahay.
Pakiramdam ko'y wala na akong dapat alalahanin pa. Everything is suddenly running smoothly. I'm building my office here, my family is at peace, and... Caleb and I are getting married.
It still feels like a dream. A good one. The best dream I'm having actually and the happiness I feel is just so overwhelming.
Natagpuan ko si Caleb at si Papa Carlos sa porch ng bahay. They are having merienda together.
"Hi, Pa." bati ko at hinalikan ang kanyang pisngi.
"Hello, Zaf. I didn't you're coming here, you surprised me." ani Papa, malawak ang ngiti sa akin.
"Ah, pinapunta po ako ni Caleb. I don't know why I'm here, actually." ani ko at bahagyang tumawa.
Ngumisi si Caleb sa akin at humalukipkip. "Kumain ka muna rito." anyaya niya at tinapik niya ang upuan sa tabi niya.
Tumango ako, "Sige. Saglit lang, ikukuha ko lang kayo ng juice." sambit ko at dumiretso na sa loob upang kunin ang dalawang magkaibang juice sa refrigerator.
Kinuha ko ang orange juice at pineapple juice at inilagay sa tray kasama ang ilang mga baso. Bahala na kung ano ang gusto nila. Pinagsalin ko sila roon.
"Ang tagal ko nang hindi nakapunta dito." sambit ni Papa, "Salamat, Zaf." aniya para sa juice na aking isinalin.
Tumango si Caleb sa sinabi ni Papa. "Ang sabi mo hindi mo na mapapakinabangan ang lupang ito. I think it's really the best property I have." aniya.
Inabot ko kay Caleb ang baso niya na may lamang juice at ngumiti siya sa akin.
"Marami kaming naiwang alaala dito ni Vanessa. Hindi ko na gustong balikan iyon noon. At saka, I don't regret it. It's just a piece of land." ani Papa at marahang tumawa.
"I decided na pagandahin ito because Zafrene loves it here." seryoso niyang sabi at diretso ang titig kay Papa.
Napahinto ako roon. At tila ba huminto din ang puso ko nang sabihin niya iyon. I heard his reasons why he did all of these ngunit I still feel so special when I hear it.