Chapter 14

104 4 0
                                    

Several weeks have passed simula noong nakilala ako ng halos karamihan sa mga tao sa school. They loved my voice and my brain.

Tiningan ko ang cellphone ko at nag-text si Tristan doon.

From: Tristan

May assignment ka sa Stats? Hoy, pakopya. Agapan mo ngayon.

Umikot ang mga mata ko at tumawa. Nag-scroll down ako para sa ibang messages, nagbabasakaling nag-message doon si Caleb. Hindi ko alam kung may nangyari bang masama o sadyang tinamad lang siyang itext ako, ilang linggo na rin ang nakalipas kaya't pinalipas ko iyon.

Tinahak ko ang daan patungong Science building at nadatnan ko doon ang iba kong mga kaklase na may sari-sarili na namang mga mundo.

Nakita ko si Tristan sa kanyang upuan na natutulog. Hinugot kong kaagad ang notebook ko sa Statistics para turuan siya sa assignment.

Pinitik ko ang tainga niya at nabigla ako nang mabigla rin siya. Napatawa ako nang ngumuso siya at mukhang puyat na puyat.

"You should've asked your Kuya Trevor to teach you this." ani ko at binuksan ang notebook.

"Bobo yun, wala akong matutunan dun." aniya at kumuha ng ballpen sa bag niya.

"Kaya pala ang dami-dami kong natutunan sa kanya before tayo mag-exams." sabi ko at nagtaas ng kilay.

"Oo na, sasabihan mo na naman akong tamad." aniya at hinablot ang notebook mula sa kamay ko.

"Akin na nga yan!"

"Pwede mo naman kasing pakopyahin nalang ako." aniyang nagpapaawa.

Binatukan ko siya, "Pinaghirapan ko itong sagutan. Manigas ka." ani ko.

Tinuruan ko siya kung paano isolve ang mga lahat ng dapat masagutan on time bago dumating ang teacher namin.

Two weeks left ay final examinations na namin. Maraming papers na kailangang asikasuhin at experiments researches na kailangang gawin.

Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw sobrang busy naming lahat sa school. I participated in many contests and quiz bees and I win. Lalo na't supporter ko ang nag-iisa kong kaibigan na si Tristan.

We've became really close friends. Napakasaya rin naman niyang kasama, and he's got a lot of humor. I lazily closed my notebook ng mapagod ako sa pagrereview.

My phone vibrated.

From: Tristan

Punta ako diyan sa inyo. Advanced Algebra is killing me, dude.

Simula yata nang maging kaibigan ko itong si Tristan ay naging instant tutor na niya ako. Besides, ayos lang naman sa akin sapagkat lagi niya akong nililibre bilang bayad niya sa pinapagod niyang utak at pasensya ko.

To: Tristan

Sige lang. Andiyan naman si Mommy sa baba. Stay in the living room, do not disturb me.

Binaba ko ang cellphone ko at naligo. Ang agap agap naman ng pagpunta niya dito.

I removed my clothes, my earings and everything. Except for the pendant.

He told me not to remove it from my body. Kaya iyon ang ginagawa ko. Hinawakan ko iyon habang nasa shower ako.

It's really stupid of me to miss him.

Bumaba na ako ng kwarto nang matapos ako sa pag-aayos ng katawan.

Nadatnan ko si Tristan na tulog sa sofa habang buhay ang TV at pinapalabas ang Pearl Harbor.

Lumapit ako sa sofa at binato siya ng unan, "Gising!" sigaw ko.

Get EvenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon