Marahas kong binuksan ang pinto ng mansyon. Nadatnan ko sila Mommy, Daddy, at Lolo na nasa sofa. Nagsitayuan sila nang makita akong nag-iiyak.
Pinahid ko ang mga luha sa aking mukha at itinabi ang mga buhok na napadpad rito. Para akong hangal. Gusto kong sumigaw ng sumigaw. Gusto kong maintindihan ang lahat.
Agad na naman akong nanghina. They're not my real family. How can they hide this from me? Sa kabila ng galit ko ay pinipilit kong intindihin subalit hindi ko maiintindihan kung hindi ko maririnig ang side nila.
"Why didn't you tell me?" tanong kong pasigaw at agad na nagmartsa tungo sa kanila, kinain ang malaking distansya naming lahat.
"Anak, saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" bungad ni Daddy, hindi pinansin ang aking tanong at humakbang tungo sa akin.
Hindi ko rin pinansin ang kanyang mga tanong. Pinahid kong muli ang mga luha na lumalandas sa aking pisngi at naghanda para sa susunod kong tanong.
"Who is V-Vanessa?" nanginginig kong tanong sa gitna ng pag-iyak.
Natahimik silang lahat. So it's true. Unti-unti na namang lumndas ang mga maiinnit kong luha. Hindi ko na mapigilan ang hikbi na tumatakas sa aking mga labi dahil sa reaksyon nila. They couldn't even utter a word!
"Apo, maupo ka muna." mahinahong sabi ni Lolo at lumapit sa akin. Inabot niya ang aking braso at inanyayahan sa sala.
Ngunit umiling ako. I can't even think of moving an inch dahil sa kanila. Noon akala ko maiintindihan ko kung sakaling hindi nila ako tunay na anak, subalit hindi, I look like my mother. I look like my mother a lot. Paanong hindi nila ako magiging anak?
"Tell me na nagsisinungaling ang mama ni Caleb, Mommy. Please!" pagmamakaawa kahit hindi gumagalaw sa aking pwesto.
Nakita ko ang pagluha ni Mommy sa kanyang kinatatayuan. Akmang lalapit sa akin ngunit agad akong humakbang palayo.
Tiningnan ko si Daddy na nabigla sa aking sinabi. He might've not plannd to tell me at all na hindi niya ako tunay na anak. Hinding-hindi ko maipinta ang pagkagulat sa mukha niya.
"I'm your mother, Zafrene Vincy." humihikbing sambit ni Mommy, unti-unting humahakbang patungo sa akin ngunit patuloy rin akong lumalayo.
"Then is it true na si Tito Carlos ang tunay kong ama?" matapang kong tanong muli, nais malinawan.
Maging ako ay hindi makapaniwala sa mga tinatanong ko. Sa sobrang lakas ng hikbi ko ay pakiramdam ko'y gusto ko na lamang silang iyakan.
"Zaf-"
"Dad, please. Sabihin niyo sa akin ang totoo!" sigaw ko, nagmamakaawa dahil sobrang bigat na ng dibdib ko.
"Anak, pagod ka na-"
"Shut up, Daddy!" baling ko kay Daddy na napaatras doon. "Who is Vanessa? Do I really belong in this family?"
Biglang sumigaw si Mommy, hinablot ang aking kamay at pilit akong pinaniwala sa kanyang sinasabing, "She is no one! She doesn't-"
"Tumigil ka Victoria!" saway ni Lolo kay Mommy at lumapit sa akin. "It's time to tell her the truth." mahinahon ang kanyang pagkakasabi kaya't napatigil rin ako.
Bumaling si Mommy kay Lolo at mas lalong humikbi. "Pa..." iyon lamang ang tangi niyang nasambit.
Hindi iyon pinansin ni Lolo at siya'y nagsimulang maglakad paakyat ng hagdan, "Sumunod ka sa akin, Vincy." aniya at sinunod ko iyon.
We are at the veranda. He was looking at me with so much pain in his eyes. Ramdam ko ajg pagod s knyang mga mata subalit maging ako ay pagod. Pagod na pagod ako sa mga nalaman ko.