Bumaba kami ng building at tinawagan ni Caleb ang isang driver yata namin bago ito tumambad sa harap namin. Bitbit ni Caleb ang lahat ng pinamili ko, samantalang iyong kay Catleya at siya mismo ang may bitibit. Pero ako na rin ang naghawak ng sapatos niya para may bitbit rin ako.
Sumakay kami sa van at medyo nagpahinga. Mga thirty minutes pa ang byahe pabalik sa mansyon kaya tinusok ko na iyong straw dun sa Zagu ko para mainom iyon.
Pumwesto si Catleya sa third row ng van at si Caleb ay sumikbay sa aking tabi sa likod ng driver.
"So, Zafrene? Marunong kang mag-bake? Can we hang out mamaya?" tanong ni Catleya sa akin.
Ngumisi ako at bumaling sa kanya, "Sure." masaya kong sagot.
"She's not going anywhere. Papunta kaming rancho." Ani Caleb kahit na wala naman akong balak pumunta roon.
"Ha? Ayoko!" Angal ko.
"Kuya naman eh! Please?" Pagmamakaawa ni Catleya sa Kuya niya.
"Sorry, Cat. I need to borrow her." Ani Caleb.
"Teka, wala namang sinabi si Daddy na pupunta doon, ah!"
"We'll go there. Huwag ka nang umangal. Case closed." aniya at humalukipkip sa tabi ko.
Ugh! He's annoying me big time!
"This is the worst conversation I witnessed. Oh, geez my kuya's having an asshole conversation with a girl." ani Catleya na humahalkhak ng malakas sa likod.
"Stop it, Cathy. Huwag kang sasama sa amin mamaya. Stay with her mom." ani Caleb kay Catleya.
Walang nagawa si Catleya sa mga gustong gawin ni Caleb. Surely, his voice has the authority.
"Okay, then." sagot ni Catleya at muling tumingin sa labas ng bintana.
Patuloy lamang akong sumipsip sa Zagu ko hanggang sa makarating kami sa bahay. Binaba namin lahat ng paperbags at pumasok na kami sa loob.
Hinanap ko kaagad si Daddy o si Lolo kaso naalala kong may gawa sila ngayon. Kaya si Mommy nalang ang hinanap ko, alam kong hindi iyon sasama sa rancho dahil pagod siya.
Nakita ko siya sa kusina at nilapitan.
"Mom." tawag ko at napalingon siya.
Ngumiti siya sa akin at naghugas muna ng kamay bago lumapit, "Zaf. How was it?" tanong niya at nilagay ang kanyang mga kamay sa aking magkabilang pisnge.
"It was fine. I guess." sagot ko naman.
Marahan siyang tumawa, "Oh, God. I'm not used when you don't have glasses." sabi niya at bumalik sa hinihiwang gulay.
"Don't mind it. Anyway, won't you mind if Caleb and I would go back to the ranch? And. . . Oh, his sister is here." sabi ko at nanlaki ang mga mata ni Mommy.
"Sure. Oh, 5:00 na pala. Sige na, but, huwag kayong magpapalate sa 6:30, ha? Baka hanapin ka ng Lolo mo. But, wait. Catleya is back?" tanong niyang nakangiti.
"Uh, yeah. She's at the living room with Caleb." sagot ko sa kanya.
Iniwan niyang muli ang kanyang hinihiwa at sinamahan ako palabas ng kusina.
"Ninang V!" Catleya exclaims. Tumayo siya para salubungin si Mommy at bigyan ito ng yakap.
"Catleya! My God! You've grown up so fast! When did you came back?" tanong ni Mommy at kumalas ng yakap sa kanya.
Sumabat muna ako sa kanilang usapan at, "My, punta kami ni Caleb sa rancho." paalam ko.
Dumiretso kami ni Caleb palabas ng bahay at nagsimula nang maglakad papunta sa rancho. Medyo tahimik kami sa isa't isa but that silence is comfortable.