Chapter 20

110 4 1
                                    

Maaga kami ni Tristan na nagising para umalis papunta Lopez. Alam kong ngayon pa lamang ay bumabyahe na si Trevor pabalik.

Nagpahatid kami sa driver ni Lolo kahit na ayaw ni Lolo na pumunta ako doon para kay Trevor.

"Zaf, I'm nervous." sabi ni Tristan sa tabi ko.

Napangisi ako. It was as if unang beses ko siyang nadinig na ninenerbyos siya.

"Why?" tanong ko na medyo natatawa.

"Parang may mangyayaring masama." aniya at seryosong tumingin sa labas.

Pinilit kong iharap niya ang mukha niya sa akin at tingnan ako. Nginitian ko siya ng makapagpapagaan.

"Chill, Tristan. It's your brother's graduation day, walang mangyayaring masama, okay?" I assured him.

Tumango siya at muling ibinaling ang paningin sa labas. Natulog ako buong byahe sa balikat ni Tristan. He was sleeping so soundly at hindi na ako mapakali nang biglang nag-ring ang cellphone niya nang bumaba kami sa tapat ng bahay namin.

Sinagot niya ito mula sa mommy niya na parang kaba-kaba siya.

"Ma?"

Ginulo niya ang buhok niya nang maintindihan ang tawag. Bigla rin akong kinabahan sa nangyayari. Is it Trevor? Oh, shit. O baka si Tito Antonio?

Hinila niya ako papasok muli sa sasakyan at doon niya ginulo ng ginulo ang kanyang buhok.

"Fuck. Fuck! Fuck!" patuloy niyang sigaw kaya't hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko sa sobrang kaba sa kung ano ang nangyayari.

"Tristan, ano iyon?" nanginginig ang boses ko nang itanong.

"Bakit? Fuck! Shit! Damn it!" sigaw niyang patuloy at hinila ako para mayakap.

At doon ay lumabas ang kanyang mga luha at hagulhol. Hindi ko na napigilan a g mga luhang nagbabadya sa mga mata ko kaya't nagtulo na rin ito ng kusa.

"Tristan. Anong nangyari?" nanginginig kong tanong sa gitna ng pag-iyak.

"Zaf, si Kuya. Si Kuya. Si Kuya." paulit-ulit niyang sagot.

Napatakip ako ng aking bibig at hindi na napigilan ang paghagulhol kasabay siya. What happened to you, my Trevor? Shit.

"Kuya, pakibilis po sa Rakk Hospital." sabi ko sa driver namin na paputol-putol nang dahil sa hagulhol.

I thought naayos ko na ang lahat. What happened to the person I treasure the most? Sa ganitong pagkakataon, siya ang unang aasahan kong yayakap sa akin but he was the one lying.

Dali-dali akong pumasok sa hospital at tinakbo sa kung saan sinabi ng nurse ang ICU. Hindi halos ako makahinga nang makita ko si Tita Janice na hindi na makahinga sa sobrang pag-iiyak.

Lumapit ako sa kanya para damayan siya, "Tita-" naputol agad ako.

Isang malutong sa sampal mula sa kanya ang natanggap ko. Hindi ako makakibo. Pero pinilit kong humarap sa kanya at ipakitang hindi lang siya ang nasasaktan sa nangyayari. What did I do? What did I do to Trevor?

Dinuro-duro niya ako kahit na inaawat siya ni Tito Antonio, "How dare you, Zafrene! How dare you!" sigaw siya ng sigaw. Umiling-uling ako para iparating na hindi ko alam.

Hindi ko alam! Anong nagawa ko?

"Tita, bakit?" nag-iiyak kong tanong sa kanya at halos tumiklop na ang aking mga tuhod sa sobrang panghihina. I was so lost at hindi ako makahagilap ng hangin para huminga.

Ano bang nangyari kay Trevor? I want to see him! I fucking want to see him saying that crying is not in need right now! That he will smile back at me and hug me with his warm body.

Get EvenWhere stories live. Discover now