Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras kaya't lumulubog na ang araw nang umahon ako mula sa tubig. Nilalamig na ako kaya hindi ako gaanong makagalaw ng mabilis para makauwi kaagad. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang lamig dala pa ng may pagkamalamig na hangin.
Lumabas ako ng kuweba at sinilip si Calvin sa may puno. Nang mapaapak ako sa lupa ay nakatungtong ako sa isang basag na bote ng alak. Aray, shit. Nadoblehan pa yung sugat ko.
Agad na akong sumakay kay Calvin at nanghihina ako nang pinatakbo ko siya ng mabilis. Pakiramdam ko ay babagsak na ang katawan ko sa sobrang pagod at hina. Nang makalabas ako ng gubat ay nakita ko si Kuya Trevor at Caleb na nakasakay kay Leif.
Napahinto ako sa pagpapatakbo at nanghihinang tiningnan silang dalawa. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa paa ko dahilan kung bakit mas lalo lamang akong nanghihina. I don't like it when I feel or see my own blood.
Halos malaglag ako kay Calvin sa sobrang panghihina kaya dali-daling bumaba si Kuya Trevor sa kabayong si Leif habang nakatitig lamang sa paa ko si Caleb.
Nang malipat ako ni Kuya Trev at hinawakan niya ang pisngi ko at bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala, "Are you fine, Zaf?" nag-aaalala niyang tanong.
Halos umikot ang mga mata ko sa pagkahilo at panginginig, "Blood." pabulong kong sabi.
My breathing pattern became vivid dahilan kung bakit mas lalo pa yatang nag-alala si Kuya Trevor, "I know, I know. Hush, don't look at it." aniya at umakyat sa aking kabayo.
Kinuha niya sa aking kamay ang tali ni Calvin at bumaling kay Caleb, "Let's go." aniya.
Ngunit tinitigan siya ni Caleb ng matalim. Saglit na nilapat ni Caleb ang kanyang tingin sa akin at saka hinubad ang kanyang white v-neck shirt. Nagulat ako nang iabot niya ito sa akin.
"Why?" tanong ko bakas sa mukha ang pagkairita.
"Just accept this! Bakat na yang bra mo sa white t-shirt mo, that guy behind you is a maniac. Wear this." naiirita niya sabi kaya tinanggap ko iyon bago niya iliko ang kanyang kabayo.
Tiningnan ko ang aking dibdib at totoo nga ang kanyang sinasabi! Bakat nga iyon! I felt my cheeks burned kaya halos tumiklop ako ngayon lalo na't nasa likod ko lamang si Kuya Trevor.
"You know I'm not a maniac and I respect girls." ani Kuya Trev sa likod ko, "Are you cold?" tanong niya at inunahan ang kanyang mukha kalapit ng akin.
Tiningnan ko siyang saglit at tumingin muli sa unahan kung nasaan si Caleb.
Ang lamig-lamig ng pakikitungo niya sa akin. He's cold. Too cold.
"Yes, I'm cold." ani ko.
Narating namin ang bahay na nagkakagulo ang lahat. Inaalalayan ako ni Kuya Trevor sa pagpasok sapagkat ayaw kong magpabuhat dahil lamang sa paa ko. It's my fault too, though. I'm not being careful.
"Saan ka ba nanggaling, anak? We were worried!" bungad sa akin ni Mommy nang makitang pumapasok pa lamang ako sa pintuan.
"I just explored somewhere." sabi ko at nilingon ulit si Caleb na dumiretso na namang muli patungong counter.
"Yes, pero hindi ka nagpaalam! This is your first time doing this to us!" ani Daddy na biglang lumakad patungo sa akin.
"Sorry po." ani ko at tumungo.
"Buti na lamang at alam ni Caleb kung saan ka maaaring pumunta. Kung hindi, ay di sana'y hindi ka pa namin nakikita hanggang ngayon!" naghihisteryang pangaral sa akin ni Daddy.
"Calm down, Giovanni. Let her be, ayaw kong maramdaman niyang nakakulong siya sa loob ng bahay na ito. Natural sa isang dalagang babae ang tumuklas ng ibang bagay lalo na't hindi pa niya nararanasang lumabas ng malaya." ani Lolo at dahan-dahang tumayo sa sofa.