18. Princess

18.9K 441 24
                                    

Nararamdaman

Few days ago. The same night when Audrey was with Duke in the resort.

I looked at him. Spade Sarmiento.

Kanina pa s'ya paikot-ikot at hindi mapakali. Simula nung tinawagan s'ya ni Audrey na hindi s'ya makakauwi ay ganyan na s'ya.

"Stop it, Spade. Nahihilo na ako sa'yo." inis na sabi ko sa kanya at binato s'ya ng unan na hawak ko.

Huminto s'ya at hinarap ako. "I think I should go to her." desididong sambit n'ya.

Inirapan ko s'ya at binato ulit ng unan.

"Nababaliw ka na ba? Kung sila nga hindi makauwi, paano ka kaya makakapunta?" inis ko pa ding untag sa kanya.

Sinimangutan n'ya ako at umupo sa couch sa harap ko. Nakatulala na s'ya at malalim ang iniisip.

Sa halos ilang taon naming magkakilala at halos lagi din kaming magkasama, hindi naiwasan ng puso ko na mahalin s'ya.

The way he care and worry for Audrey, I wanted him to do that to me too.

"I'm just worried." malungkot na bulong n'ya.

Nasasaktan ako para sa kanya. Mahal na mahal n'ya si Audrey pero mahal lang s'ya ni Audrey dahil iyon ang sinasabi namin sa kanya. Kahit alam naman namin na nabura man ang alaala n'ya, hindi ang nararamdaman n'ya.

"You don't have to worry too much. Nandun naman si Duke at hindi sya nun pababayaan." seryosong wika ko. Dahil doon ay umangat ang tingin n'ya sa akin habang nakakunot ang noo.

He looked like someone betrayed him. I don't care if he's hurt pero kailangan n'yang magising sa katotohanan na hindi habang buhay matatakasan namin ang nakaraan ni Audrey.

"What? Bakit ganyan ka makatingin?" pa-inosenteng sabi ko at tumayo na.

Nagsimula na akong magligpit ng mga kalat namin. Akala kasi namin ay dadating si Audrey.

Nagulat ako ng tumayo din s'ya at magsalita sa mataas na boses. "Why? Bakit okay lang sa'yo na bumalik ang Duke na yun sa buhay n'ya?"

Tiningnan ko s'ya ng masama. "I never said that I wanted him to return to Audrey's life. Alam kong nasaktan n'ya si Audrey ng sobra pero hindi pa din natin mabubura yung katotohanan na malaki ang part ni Duke sa buhay n'ya. I'm tired of lying and acting."

"But-" Tutol n'ya pero agad ko na s'yang pinutol.

"Let's stop this, Spade." I plead and let my tears roll down my face.

Padabog s'yang umupo ulit at marahas na hinilamos ang kamay nya sa mukha nya.

"We're not talking this again, Princess. Audrey's living peacefully now. That guy's role to her life was done since the day he left her. You know how much pain he caused her. So, you're talking bullsht." he said while trying to calm down himself.

Marahas na pinunasan ko ang mga mata ko. "Well, kung okay ka pa. Ako, hindi! Tahimik nga ang buhay n'ya pero alam kong hindi s'ya masaya. I'd rather live with the painful truth than live a happy life but full of lies." mariing wika ko sa kanya at saka s'ya nilapitan.

Huminto ako sa harap n'ya. Nakayuko s'ya at sapo ng kamay n'ya ang mukha n'ya kaya hindi ko makita ang reaksyon n'ya.

Umupo din ako sa harap n'ya para tapatan s'ya. "Tama na, Spade. Tama na. I'm begging you. Hindi lang si Audrey ang nasasaktan. Alam kong pati ikaw. Ayoko ding dumating sa point na makaalala si Audrey at sisihin tayo sa mga kasinungalingan na sinabi natin sa kanya." Tumulo ulit ang luha ko pero hinayaan ko lang 'yon.

Kinuha ko ang kamay n'ya at hinawakan iyon ng mahigpit. "I love her. At ayokong masaktan s'ya ulit pero 'yun yung tama. She's so lucky because you love her. Pero..." Huminto ako at humugot ng malalim na paghinga para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak pa. "... mahal din kita. At katulad mo, gusto ko ding protektahan ang taong mahal ko sa sakit. Kaya please, tama ka na, tama na ang pagprotekta sa kanya. Ako naman. Hayaan mo naman akong protektahan ka."

Wala na. Nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Pumikit ako at hinayaang tumulo ang luha ko. Ayokong makita ang reaksyon s'ya pero hindi pa din s'ya bumibitaw sa paghawak ko sa kanya.

I opened my eyes and let go of his hands. Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Okay lang na hindi ka magdesisyon ngayon. Di ba may one week na business trip ka? Doon ka magdecide. Please, sana pag-isipan mo ng mabuti. Hindi lang para kay Audrey pero para dib sayo at para sa lahat." seryosong sambit ko at hindi na tumitingin sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naisingit sa usapan namin yung nararamdaman ko. Napapikit ako ng mariin at gusto ko nalang sapukin ang sarili ko.

Natatakot ako. Takot ako sa magiging reaksyon n'ya. Pilit kong hinihiling na sana hindi nalang n'ya pansinin yung sinabi ko. Pero alam kong imposible yun.

"Princess..." he called me. His voice is soft and pleading.

I didn't look. I didn't do anything. Hinintay ko lang kung ano ang sasabihin n'ya.

Narinig ko ang pagsinghap n'ya bago magsalita.

"I love you but..." Nag-aalangan na sabi n'ya at huminto. Hinihintay n'ya siguro ang magiging reaksyon ko.

I stay still. Hinayaan kong tumulo lang ang luha ko habang nakatalikod sa kanya. Pinigilan ko ang paghagulhol. He loves me but. Ang sakit.

"Sorry... I love Audrey more than anything else. Naiintindihan mo naman siguro ang nararamdaman ko di ba? I love her and I can't afford to stop."

Narinig ko ang pagtayo n'ya pero bago s'ya umalis ay nagsalita s'ya ulit.

"I wouldn't stop unless she gave me a reason to. Until she said to my face that I need to give up."

*

Few days passed. Nag-leave ako sa trabaho ko. Masama ang panahon, perfect time para magdrama mag-isa.

Bumangon ako sa kama. Hapon na at mataas na ang sikat ng araw. Wala na ang ulan.

Ang sakit ng ulo ko sa sobrang pagtulog.

Lumabas ako ng kwarto ko para magsimulang maglinis pero biglang may pumasok sa condo ko.

Dalawa lang naman ang may spare key nito: si Kuya Clark and si Audrey.

"Audrey?" gulat na sabi ko ng makita ko si Audrey. Punong-puno ng luha ang mga mata n'ya.

"Princess... I'm sorry. Sorry."

Pero mas nagulat ako sa asal n'ya. Lumapit ako at niyakap s'ya.

"I need to tell you something." seryosong sambit nya at lumayo sa akin.

Natatakot ako dahil sa tingin n'ya sa akin. Alam ko ang sasabihin n'ya ay malaki ang mababago sa buhay namin.

*

Happy New Year! Love you everyone

TCAY2: Remembering The ChaseWhere stories live. Discover now