1. Duke

68.3K 1.5K 222
                                    

Flashbacked

"Duke! Can you help me here? Ang bigat kaya!"

Napatingin ako kay Aleyna at nakaturo sya sa dalawa nyang maleta. Ilang linggo lang kami dito sa Pilipinas pero parang dala na nya ang buong bahay nya sa Canada.

Hindi ako nagsalita at kinuha nalang ang isa sa mga maleta nya at saka hinila ito palabas ng airport. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa paligid. This same place, it brings back a lot of memories.

"'Yan! 'Yang mga tingin na ganyan. You missed them, Duke?" nang-aasar na saad ni Aleyna at tiningnan ko nalang sya ng masama.

Nauna ako sa paglalakad pero agad nya akong nahabol. "Bakit? Mali ba ko? Kung ayaw mo talagang bumalik dito sa Pilipinas, pwede naman na tanggihan mo si Elena."

Marahas na huminga ako ng malalim dahil sa mga sinasabi nya. "Just shut up, Aleyna."

"Okay." kibit-balikat nito. "Alam ko naman na gusto mo muna na mag-reminisce ng memories mo dito sa Cebu." sabi nito at tiningnan ko sya ng masama. Buti nalang talaga tinigilan na nya ko.

Napasandal nalang ako sa upuan ko ng tuluyan kaming makasakay sa sasakyan. Pumikit ako. Lahat-lahat, they all flashbacked on my mind. Lahat ng katangahan at kagaguhan ko noon.

"Duke, kilala mo ako, hindi ko magagawa 'yun." bakas sa mata nya ang sakit at sa nakikita ko palang ay gusto ko ng huminto at yakapin sya. Audrey...

Lumunok ako at huminga ng malalim. "Akala ko din kilala na talaga kita."

Kitang-kita ko kung paano sya nasaktan. Gusto kong bawiin ang lahat. Sht, I hope that I wouldn't regret this. Para sa kanya naman 'to.

Kinilabutan ako ng tumawa sya. Napahigpit ang pagkakahawak ko kay Aleyna. "Sht ka Duke. Wag mo kong durugin." bulong nya sa akin. Kaya binitawan ko sya.

Hindi pa din naaalis ang tingin ko kay Audrey at sa bawat minuto na lumilipas, parang pinagsisisihan ko na ang lahat. Those tears and pain, ako ang dahilan ng lahat ng yun.

"Oo nga pala, si Audrey lang ako at sya si Aleyna. Sige, bahala ka na sa gusto mong paniwalaan. Ngayon, wala na akong pakialam." malamig na sabi nya.

Hindi na ako nakapagsalita at sunod ko nalang naramdaman ay ang sampal nya. "Para sa lahat ng sakit at katangahan na dinanas ko sayo." And another one. "Yan naman ay dahil sa pagpili mo sa babaeng yan kesa sakin."

Hindi ko pinansin ang sakit ng sampal nya at napabuntong-hininga nalang ako ng makitang wala na sya sa paningin ko.

"Let's go." malamig na untag ko kay Aleyna at naglakad papalayo pero napahinto ako ng pigilan nya ako.

"Duke! Ganyan ka ba katanga ha? Hindi 'yan ang Duke na kilala ko. Hindi 'sya duwag at handa nyang ipaglaban ang taong mahal nya. Ano na? Nasaktan mo na sya? Tapos ano? Hindi ko alam kung bakit ako nakikisakay dito sa pagpapanggap mo, babae ako at hindi ko kaya na makita na ganun si Audrey, mabait sya at mahal ka nya. Pero dahil naniniwala ako sayo, pinipilit kitang intindihin pero wala, wala akong maintindihan. Kung mahal mo si Audrey, dapat kaya mo syang ipaglaban kahit na kanino pa yan. Habulin mo sya habang may oras pa, Duke." patuloy pa din sya sa pagsasalita pero hindi ko na inintindi.

Naglakad ako pero agad na nya akong hinarangan. "Ano ba Duke? Makinig ka pwede ba?" sigaw nya sa harap ko.

"Tapos ka na ba? Gusto ko nang umalis." malamig na sambit ko at umalis na sa harap nya. Buti at hindi na nya ko ginulo pa.

Malaki ang utang ko sa kanya pero hindi ito ang tamang pagkakataon na mag-usap kami.

"Duke! Tawag ng tawag si Elena. Ano kayang problema nito? Saka halos 2am na sa Canada, bakit buhay na buhay pa 'to?"

Napadilat ako dahil sa biglang pagsigaw ni Aleyna sa harap ko. "Tss, let her." tanging nasabi ko at tumingin nalang sa labas ng bintana ng sasakyan.

Five years. Ano nga bang nangyari?

"OMG! That guy is familiar!" sigaw ulit ni Aleyna sa tabi ko at napatingin naman ang sa tinuro nyang billboard. Nakahinto kami dahil traffic at nagulat ako ng makita kung sino ang nandoon.

"Ahh Ma'am, si Aeron Valiente ho yan. Isa sa mga sikat na artista ngayon." sabi nung driver namin at napakunot-noo nalang ako. Marami nga ang nagbago sa loob ng limang taon.

"Valiente! As in parang Audrey-- oops!" untag ni Aleyna at biglang napahinto ng dahil sa sinabi nya.Napatingin ako sa kanya at matamis na ngumiti lang sya sa akin.

Napailing nalang ako at napatingin sa labas kung saan nandun ang billboard ni Aeron. Simula noon wala na akong balita dito sa Pilipinas at wala na din naman akong pakialam.

"Ang ampalaya naman nito." narinig kong bulong ni Aleyna at di ko nalang pinansin. May mga oras talaga na sobrang childish ng babaeng 'to.

"Kuya Driver! So, kwentuhan mo naman ako dun sa Aeron Valiente na yun. Di ba may kapatid sya na babae? Ano na nangyari sa kanila?"

Napalingon ako sa kanya ng marinig 'yun. "Aleyna!" saway ko sa kanya. Tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Manong, pasensya na ho. Hindi nyo naman kailangan na sagutin ang tanong nya." mariing untag ko at tiningnan ng masama si Aleyna. Dapat hindi ko na talaga sya sinama dito.

"Okay lang ho, Sir. Pero wala din akong alam na may kapatid yan si Sir Aeron. Naging driver nya ako noon pero wala akong natatandaan na may kapatid sya." sabi nito at napakunot-noo ako doon.

Napatingin ako kay Aleyna at nakita kong nakataas ang kilay nya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin nalang ulit sa labas.

"Curiosity kills the cat. Meow!" bulong nya at napailing nalang ako.

"I don't care, Aleyna. Nandito ako sa Pilipinas para kay Elena and nothing else." sabi ko at kahit alam kong hindi nya din ako paniniwalaan.

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Hay, I really missed this feeling. The pollution and the traffic feel so good." natatawang sabi nya at pinitik ko sya sa noo nya.

"I know that tone, Aleyna. Don't do anything stupid or else--"

"Or else-- what? C'mon, Duke." putol nya sa sinasabi ko at nang-aasar na tumawa.

Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin. "Stop this nonsense, Aleyna. After this sht, babalik din tayo sa Canada."

*

Comments? ♥ Twitter: #TCAY2 @heyairaaa

P.S: Alam kong bitin. Lol. Flashback muna. Nangyari ito before the epilogue of TCAY. Hahaha.

TCAY2: Remembering The ChaseWhere stories live. Discover now