24. Audrey

18.6K 351 21
                                    

Our Past

Hindi pa din ako makapaniwala. Sa dami nang mga nangyari, sa dami nang mga lumipas na taon, hindi ko alam na babalik pa pala ako sa lugar na ito.

Pagkagaling ko palang sa airport ay dito na agad ako dumiretso kahit past 8 palang ng umaga. Familiar places, familiar corners, lahat ay ganun pa din.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa lumang bahay namin. Ang lugar kung saan ako nagkaisip, kung saan ako lumaki, kung saan ako namulat sa feelings ko sa kanya at kung saan ko nakilala ang lalaking sobrang laki ang naging parte sa buhay ko.

Hinawakan ko ang gate na ganun na ganun pa din kahit sobrang tagal na. Simula nung nangyari ang aksidente ay umalis na kami dito at hindi na bumalik. Pero hindi ito binenta ng parents ko at pinapalinis pa din every month.

Tiningnan ko ang relo ko. 8:43AM palang.

Nagulat ako dahil bigla-bigla nalang pumayag makipag-usap si Duke. Pero ang mas nakapagpagulat sa akin ay kung bakit dito ang pinili n'yang lugar. Kung saan pa marami kaming memories.

Sumilip ako sa loob at ang malawak na harap namin ang bumungad sa akin. Hindi ko napigilan ang pagngiti dahil may bigla akong naalala. Parang kelan lang...

"Let's go, Audrey." sabi nya at bigla akong napanganga. Anong ibig nyang sabihin sa 'let's go' na yun?

"Ha?"

Yun lang ang nasabi ko at bigla nalang syang naglakad pabalik sa akin at hinila ako papunta sa sasakyan nya.

"D-duke! Anong ginagawa mo?" tanong ko ng bigla nya akong sinakay dun. Medyo natulala pa ako dahil sa paghawak nya sa braso ko.

"I'm going with you."

"A-ah ano, I can go by myself." nauutal na sabi ko at akmang lalabas na pero pinaandar na nya yung sasakyan at biglang bumusina kaya nakita kong nagising yung guard at parang nataranta pa na buksan yung gate.

"Duke, okay lang kahit wag mo na kong samahan." sabi ko kahit sa loob-loob ko ay gusto ko syang makasama pero hindi sa oras na to!

Tuluyan na nabukas nung guard yung gate at hindi man lang sya huminto para pababain ako. What are you doing, Duke? Why are you making me fall harder to you?

"I said, I'm going with you. Hindi kita tinatanong kung papayag ka, sasama ako sa ayaw at gusto mo." mariin nyang sabi at bakas ang kadiliman sa mukha nya.

(TCAY Chapter III & IV)

Napailing ako at pilit na pinipigilan ang pag-ngiti. 'Yun 'yung time na aalis ako para ma-meet si Spade in person per nahuli n'ya ako. Hay, I want to go back at that time.

Ang plano ko noon na pagtakas ay napunta sa freedom park sa tapat ng school at nakasama s'ya. Iyon siguro ang isa sa mga gabing hindi ko pagsisisihan na ginawa ko at hindi ko din makakalimutan.

Tandang-tanda ko pa ang mga salita n'ya na nagpagulo sa buong sistema ko.

"Do you believe that when you wish to a falling star it will come true?" kusang lumabas yun sa bibig ko habang nakatingin pa din sa mga stars. Ayokong matapos to, magandang simula siguro ang pagtatanong sa kanya. Baka hindi na din maulit to kaya dapat ko nang sulitin.

"No, stars, fate, those things sucks." simpleng sabi nya kaya agad akong napatingin sa kanya. Seryoso pa din ang mukha nya habang nakatingin lang din sa langit. Parang nangati akong tanungin kung bakit ang bait nya sa akin ngayon pero pinigilan ko nalang kasi baka masira ko ang mood nya.

TCAY2: Remembering The ChaseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt