6. Duke

38.8K 1.2K 124
                                    

Move On

"I want to fcking quit." iritadong untag ko kay Aleyna nung makita ko syang nakaprente na nakaupo sa kama nya.

Tinaasan nya ako ng kilay at parang nagtataka sa inasal ko. "What? Kakarating mo lang tapos 'yan agad ang isasalubong mo sakin? Anong meron at parang mine-menopause ka dyan?"

Marahas na ibinato ko sa kama yung cellphone ko. Nakita ko ang pagkagulat nya sa ginawa ko. "I want to fcking leave this country right now."

"Wait! Kumalma ka nga, wag mo kong sigawan. Bakit ka ba nagkakaganyan?" inis na sigaw nya sa akin at binato sa akin yung unan na hawak nya.

Pinilit kong kumalma at umupo sa kama ko. Napatingin ako sa dumudugo na kamao ko. Sht, what the hell I was doing? Bakit ba sobrang apektado ako sa mga nakita ko kanina?

"OMG! What happened to your hands, Duke? Seriously, naguguluhan na ko. Ano ba talagang nangyari? Pero bago mo sagutin yung mga tanong ko, kukuha muna ko ng first aid kit." natatarantang saad nya at umalis sa harap ko.

Napasapo ako at parang sasabog na ang ulo ko sa dami kong iniisip. This is fcking stupid. I already forgot everything about her. I need to calm myself. I need to do this. I need to get this over. After this, I'll leave this damn country and I will never come back here again.

"Akin na nga 'yang kamay mo!" untag ni Aleyna na hindi ko namalayan na nasa harap ko na.

Hindi ko iyon inabot pero sya na mismo ang kumuha. Kung ako lang ay hahayaan ko na ang sugat na yun pero alam kong magpupumilit siya kaya hindi na ako umangal.

"Pwede ka ng mag-explain. Gusto ko detalyado at ayoko ng less than twenty sentences." sabi nya habang ginagamot ang kamay ko.

"Is this a fcking essay? I don't ne--- aagh sht."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagbuhos nya ng alcohol sa sugat ko. "Stop whining and cursing. Mag-explain ka nalang and before that ano ba 'yung sinuntok mo at bakit pati sa mukha mo may maliit na gasgas e--- wait.. don't tell me..."

"Sht, I didn't mean to break it, Aleyna."

Agad kong binawi ang kamay ko dahil baka may gawin syang masama. Sasakyan nya ang gamit ko kanina at yung bintana nung ang nasuntok ko and that was a bad idea.

"Duke!!" kitang-kita ko ang galit sa mukha nya.

Punong-puno na ako ng problema ngayong araw at ayokong dagdagan iyon ng galit na Aleyna.

Huminga ako ng malalim. Nakita nya ang pagtahimik ko at mukhang nagtaka sya dahil doon.

"Si Audrey.." mahinang untag ko pero sa reaksyon ng mukha nya, alam kong narinig nya ako.

"What? What about Audrey?"sigaw nito. Napakunot-noo ako ng makita ko ang excitement sa mukha nya.

I shrug it off and explained to her what happened. "She is the secretary of the organizer. She didn't remember me. I don't know what to do... just.. I don't know." I'm lost of words. I don't know how to say this. This is fcking crazy.

Ilang minuto lang nya akong tinitigan bago sya nagsalita. "That's it?" parang walang buhay na tanong nya.

Tumingin ako sa kanya. "Anong 'that's it'? She's here in Cebu, Aleyna, and I'm here. I want to leave. I don't want her near me. It's killing me." madiin na sabi ko sa kanya.

Ilang saglit sya natahimik na parang pinoproseso ang sinabi ko.

"Sinasabi mo ba sa akin na hindi ka pa din naka-move on kay Audrey?" tanong nya habang nanliliit ang mga mata.

Napatayo ako sa sinabi nya. "That's bullsht, Aleyna."

Tumayo din sya at hinarap ako. "Kung hindi, bakit sobrang apektako ka dyan? Halos hindi ka mapakalit at binasag mo pa yung bintana ng sasakyan ko!"

Umalis ako sa harap nya at dinampot ang cellphone ko at ang susi ng sasakyan.

"We better stop this, Aleyna. This is nonsense."

Dumiretso ako papalabas. "I'll be back."

"San ka pupunta?" sigaw nya ng makarating ako sa pinto.

Hindi na ako sumagot at lumabas na. Bumalik ulit ako sa sasakyan at padabog na pumasok doon. Ini-start ko iyon at hindi ko na pinansin ang basag na salamin doon.

Kailangan kong mapag-isa. Kailangan kong pag-isipan ang lahat. I think this is Elena's plan. I want to end this game but I know I can't. Kilala ko si Elena, she will do anything to get what she wants.

Nakatulala lang ako sa daan habang nagda-drive. I don't know where to go. Hanggang sa nagising ang buong diwa ko ng may babaeng parang nasa buwan kung maglakad na tumawid.

Halos mapigil ko ang paghinga ko dahil sa nangyari. Mabilis kong pinahinto ang sasakyan at nagulat ako ng makitang napaupo yung babae.

Sht, nasagasaan ko ba sya? Kinakabahan at may halong inis na bumaba ako sa sasakyan ko. Gaano ba katanga ang taong to at tumatawid nalang bigla?

Napakunot ang noo ko ng makitang wala syang galos at unti-unting tumatayo. Napaupo lang sya siguro sa gulat.

I'm ready to shout on her nang bigla kong makita kung sino sya.

Namumutlang tiningnan nya ako. "Oh gosh! Mr. dela Vega! I'm so sorry. Hindi ko namalayan na may sasakyan pala. Sorry po."

Audrey...

I want to leave here but something is urging me to talk to her. "Are you that stupid? Hindi mo ba nakita na naka-green yung traffic light? Sht!" iritadong untag ko.

Yumuko sya. "Sorry po ulit." mahinang sabi nya.

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang sya. I want to shout on her. Gusto kong tanungin kung bakit sya nawala. Gusto kong magalit sa kanya at gusto kong magalit din sya sa akin. Gusto kong sumbatan din nya ako pero fck, bakit hindi man lang nya ako naaalala?

"Where's your boyfriend? Why are you alone?" tanong ko at mas kalmado na.

Biglang nagliwanag ang mukha nya ng marinig ang sinabi ko. "Oh! Mr. dela Vega, sorry po ulit. Kailangan ko ng umalis at hinihintay pa nya ako." nagmamadaling saad nya at bago pa ako makapagsalita ulit ay umalis na sya sa harap ko.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa mawala sa sa paningin ko.

I need to talk to Elena. I really need to end this. I'm happy without her. At ngayong nakita ko ulit sya, I don't want to ruin my plan to live a life without her and I don't want to prove that Aleyna is right. I'm done.

*

Sorry kung super late na ang update. Busy lang talaga pero babawi ako simula ngayon dahil one month ang sembreak!

Sana may nagbabasa pa nito. Lol. Comments?

#TCAY2 @heyairaaa Tweet meee!

TCAY2: Remembering The ChaseWhere stories live. Discover now