11. Aleyna

32.3K 865 50
                                    

Best

Pagkatapos akong sawayin ni Duke ay malamig na hangin nalang ang bumalot sa amin at tanging ang matinis na tunong ng kutsara at tinidor ang ingay sa table naming tatlo. Napatingin ako kay Duke at nakita kong tulala sya sa pagkain nya. Nag-iwas ako ng tingin at dumako ito kay Audrey na mukhang may malalim din na iniisip.

Napabuntong-hininga ako. Alam kong wala dapat ako sa gitna nila. Alam kong dapat hindi ako nakikisawsaw dito sa magulo at kumplikado nilang buhay. Alam kong may parte sa akin na gustong angkinin at ilayo si Duke sa lugar na ito pero mas nangingibabaw pa din ang paniniwala ko sa tunay na kahulugan ng pagmamahal. Selfless.

Once na akong naging selfish sa pagmamahal. Mas pinili ko ang pangarap ko kaysa sa taong mahal ko. Mas pinili kong saktan at iwan si Duke at ngayon gusto ko syang maging masaya sa taong mahal nya at alam kong hindi ako 'yun.

I know parang ang martyr din ng dating ko pero nope. I love Duke pero not to the point na kaya kong pantayan ang pagmamahal ni Audrey sa kanya dati. I'm doing this because I think I just need to do this. I'm in love with fairy tales. I love happy endings. At gusto kong makita iyon sa dalawang kasama ko. Maybe I love playing cupid too.

Napatingin ako ulit kay Duke. He looks so strong and cold. Kung titingnan ay parang walang makakatinag sa kanya but who could have thought na isang plain na babae pa sya babaluktot. Na sa isang babae na 'yun binitawan nya ang lahat at sinira nya ang buhay nya.

I will not forget that day kung saan nakita ko ang isang side ni Duke, ang vulnerable na Duke.

5 years ago...

Almost six months na kami dito sa Canada. Galing ako sa isang party ng friend ko ng maisipan kong dumaan sa bahay nila Duke nung pauwi na ako dahil wala syang kasama dun ngayon.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Duke na nakasalampak sa sahig hawak ang isang bote ng alak na halos paubos na. Sa tabi nya ay may basag din na bote.

Agad ko syang nilapitan at halos hindi ko alam ang gagawin ko ng makita ko na pulang-pula ang mukha nya at medyo basa ang pisngi nya sa luha nya.

"Duke! Magkapatid talaga kayo ni Elena! Sht, anong gagawin ko sayo?" hindi mapakaling sermon ko sa kanya kahit hindi ko alam kung naiintindihan ba nya ako.

"Aleyna, si Audrey..." malumanay at humihikbi pang sabi nya.

Napahinto ako sa pag-alalay sa kanya at parang gusto ko syang sampalin.

"Ano--"

"I want Audrey. My Audrey. I want to see her."

Umupo ako sa harap nya at tiningnan syang mabuti. May tumutulo na luha sa mga mata nya. Napailing ako. 'Yung iba wala nang iniinom na tubig, samantalang sya sinasayang lang ang mga luha nya sa mga walang kwentang bagay. Kahit anong iyak nya dito, hindi maiibabalik nun si Audrey.

"Hindi mo sya pinaglaban, Duke. If you really love someone, you will never care to all those damn rules." mahinahon na untag ko sa kanya at pinunasan ang basa nyang pisngi gamit ang panyo ko.

"Yeah, those fcking rules." mapait na sabi nya. Lasing na talaga sya. He's crying his heart out. The sane Duke will not do this.

"Bakit ako naniwala don?" tumawa sya ng mapait at uminom sa bote na hawak nya. Napangiwi ako ng makitang naubos nya agad iyon sa ilang lagok.

Tumingin sya sa akin pero hindi ako sigurado kung sa akin nga ba dahil ang likot ng mga mata nya.

"Bakit ba ako naniwala? Tell me, Aleyna. Ganoon ba ako katanga para maniwala sa kanila? Time and space daw ang kailangan kong ibigay sa anak nila. I gave her more than that pero wala. In the end, I fkcing lose her. They want more than time and space, they want me to stay away from their princess pero hindi nila 'yun nagawa dahil kay Aeron." he gritted his teeth.

Hinawakan ko ang kamay nya. I want him to know na kahit iwan sya ng mundo, may kaibigan syang matatakbuhan.

Hindi ako nagsalita. I let him talk. Maybe in that way, mabawasan ang pain na nararamdaman nya.

"Bakit ba hindi ko inintindi ang mga tingin nila sa akin? Bakit hindi ako nakinig kay Mom and Dad? She didn't deserve me. She deserve better. Yes, I'm from a rich family pero isa akong ampon, hindi dugo ng isang dela Vega ang nananalaytay sa akin. Hindi isang vocalist LANG ang magiging boyfriend ng anak ng isang Valiente. Hindi sa isang tao na sa musika lang umiikot ang mundo, hindi sa isang taong walang ibang pangarap kundi ang tumugtog at lalong hindi isang Duke dela Vega." dire-diretsong sambit nya na parang ang bawat salita ay bumubuhay sa katawang lupa nya.

"Bakit hindi ako naniwala kay Spade? He's rich and famous. Ang layo na ng narating nya. He's all I'm not. Ito ba ang 'insecurities' na sinasabi nila? Fck, ang sakit pala. Sya talaga ang para kay Audrey. Sya ang sinasabi ng magulang nya na papakasalan nya kung hindi ko mapatunayan ang sarili ko sa kanila. Oo, fck, akala ko sa chinese lang may ganun pero tangna lang. Sht lang, hindi man lang nila ako binigyan ng chance para patunayan ko ang sarili ko. Gusto nilang bitawan ko si Audrey o sisirain nila ang pagka-car racing nya. She loves it so much. Lagi kong nakikita 'yun tuwing sinusundan ko sya. Ayokong maging dahilan para masira 'yun. Alam ko din na ginagawa lang nila 'yun para protektahan din sa Audrey kay Elena na hindi ako tinitigilan."

Tumawa ulit sya ng mapait at hindi na nagsalita. Siguro narealize nya na na ang dami-dami na nyang nasasabi.

"You're crazy. Hindi ka dapat magbago dahil lang sa taong mahal mo. That's too..." napahinto ako at nag-isip ng tamang salita. "...crazy." pero yun lang ang nasabi ko.

Seryoso nya akong tiningnan bago pumikit. "Sometimes you do crazy things for love."

Napailing ako at tumayo para kumuha ng panlinis pero napahinto ako ng makita ko ang warak nyang tatlong gitara, bali-baling cds at may crack din yung piano na nandoon.

"What happened?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Napatingin ako kay Duke at parang nahimasmasan na sya ngayon. Nakatingin sya sa mga winasak nya.

"I want to change, not for love, but for myself."

Natapos ang dinner at walang magandang nangyari. Hindi umubra ang hindi ko pagsama kay Duke pero sana umubra na ang pagpapanggap ko bilang girlfriend nya. I will do everything para sa kasiyahan nilang dalawa na ipinagdamot sa kanila ng tadhana. Duke deserves best.

*

Belated Merry Christmas & Advance Happy New Year

TCAY2: Remembering The ChaseМесто, где живут истории. Откройте их для себя