3. Duke

49.8K 1.3K 161
                                    

Wrong Time

"I want to visit the orphanage later. Sama ka? Mamayang gabi, dun na tayo mag-dinner?" tanong ni Aleyna sa akin habang papasakay ng sasakyan.

"I'm tired, Aleyna. Next time nalang." pagod na sagot ko.

Wala pa akong maayos na tulog. Ang pagbalik dito sa Pilipinas ay hindi talaga magandang ideya. This is so frustrating pero wala akong magagawa.

"Of all places, bakit dito pa kasi naisipan ni Elena na mag-celebrate? Pwede naman na sa Canada na. Hassle pa tuloy, ang tagal pa ng biyahe mula dun papunta dito sa Pilipinas."

Napa-iling nalang ako sa mga sinasabi ni Aleyna. Kararating lang namin kahapon dito sa Cebu galing Canada tapos aalis na naman kami to meet the event organizer.

"By the way, hindi muna ko sasama sayo ngayon. Ihatid mo nalang ako sa mall." untag nito sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya.

"What?" iritadong utas ko.

Napilitan lang ako sa pag-uwi dito sa Pilipinas dahil iyon ang gusto ni Elena. Kung ako ang papipiliin ay ayako muna na bumalik dito.

"Bakit may angal ka?" nakataas ang kilay na sabi nito at wala na akong nagawa kundi pumayag.

Masyadong marami ang utang ko sa kanya kaya hindi ko sya lagi matanggihan. Napailing nalang ako at sinimulan na ang mag-drive.

"Ang init talaga dito sa Pilipinas. Dinaig ang hotness ko." angal nito at natawa nalang ako.

Tumingin sya sa akin at nakisabay sa pagtawa. "Kelan pala pupunta dito si Harley? I really miss her." tanong nya.

"Next week." tipid na sagot ko. Every year pumunta sa Canada si Harley at yung huli lang nyang pagpunta ay two months ago.

"Ano bang gagawin mo sa mall? 'Di ba pwedeng sumama ka muna sakin?" tanong ko sa kanya.

She gave me a knowing smile at pakiramdam ko ay may hindi sya magandang gagawin. Simula nung dumating kami dito sa Pilipinas ay ang dami na nyang ginagawa na hindi ko nagugustuhan.

Mataman ko syang tiningnan ng huminto kami sa tapat ng mall. Nagkibit-balikat lang sya at binuksan ang pinto. "Hahanap lang ako ng mga gwapo dito sa mall. Sawa na ko sa mukha mo at sa mga mukhang hilaw." tatawa-tawang sagot nya at lumabas ng sasakyan.

"Text me." sabi ko bago sya makaalis.

Tumango-tango sya at kumaway na. Napailing nalang ulit ako at nag-drive na paalis.

Napatingin ako sa paligid. Halos limang taon na mula nung huli akong makapunta dito at marami na din ang nagbago. Ako nalang yata ang hindi.

Maya-maya ay nag-ring ang phone ko kaya nawala na ulit ang mga iniisip ko. Agad ko itong sinagot at sinalubong ako ng malakas na ingay.

"Hey, baby brother!" sigaw nung sa kabilang linya at buti ay humina ang ingay.

"Stop calling me baby, Elena. What do you need?" iritadong sabi ko pero parang wala lang sa kanya yun at tumawa pa.

"Nothing, baby bro. So, na-meet mo na ba ang organizer? I'm excited!! Mom's gonna love this!" tili nya at hinayaan ko nalang sya. Masaya talaga sya kapag may nahihirapan na tao. At ako na naman ang napagtripan nya.

"Yeah." tanging sagot ko.

"You're so grumpy, Emman. Hindi mo ba ako namiss?" malambing na sabi nya at napabuntong-hininga na naman ako. Naririnig ko ang sigawan at malakas na music sa lugar nya.

"Go home, Elena. Bukas na ang flight mo." sabi ko sa kanya at tinapos na ang tawag.

Nakarating na ako sa lugar na naka-address. Isang four-story building iyon at medyo may kalakihan kumpara sa ibang shops na naroon. Ngayon ko lang ito nakita.

"Sorry po, Mr. dela Vega, wala po ngayon si Ms. Buenavista pero yung apprentice nya po ang haharap sa inyo." magalang na sabi nung receptionist nang dumating ako.

Tumango ako at dinala nya ako sa opisina ni Ms. Buenavista kung saan ako maghihintay. "Tatawagin ko lang po yung apprentice nya, Sir." pagpapaalam nito.

Umupo muna ako sa isa sa mga upuan sa harap ng lamesa habang naghihintay. Maya-maya ay may kumatok at pumasok kaya tumayo na ako.

"Good morning, Sir." bati ng isang boses at parang may kung anong bombang sumabog sa akin nang marinig iyon.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko at sumalubong sa akin ang isang babae na may maliwanag na ngiti sa akin. "So, kayo po ba si Mr. dela Vega? Kapatid ni Ms. Elena Montenegro?" magalang na tanong nya sa akin.

Napakunot ang noo ko sa inasta nya. Parang hindi nya ako kilala at parang walang nangyari noon. Anong nangyayari sa kanya?

Nagpapanggap lang ba sya na hindi nya ako kilala? Or... oh no, imposible.

Bumalik sa akin lahat. Kung kailan huli kong narinig ang boses nya, kung kailan nawala na lang sya ng parang bula.

5 years ago...

Nasa loob kami ng airport at halos kalahating oras nalang ay aalis na ako. Ang daming tumatakbo sa isip ko kasabay ng dire-diretsong pagsasalita ni Aleyna sa harap ko.

"Aalis ka talaga, Duke? Ganun lang yun? Oo, ngayong alam ko na ang dahilan kung bakit mo sya iiwan ay naiintindihan ko na pero ganun nalang ba yun? Aalis ka ng walang laban? Pati sila Tita Elle at Tito King, nasaktan mo."

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Ang daming nagtatalo sa utak ko pero tanging mukha lang ni Audrey ang nangingibabaw dun. Ano bang meron sa babae na yun at binaliw nya ko ng ganito? She's too loud and crazy to be my type pero wala, I'm madly smitten and in love with her.

Pero dadating din pala sa punto na walang kwenta ang pagmamahal. Maybe I my right love at the wrong time. Wrong timing, maling-mali.

"Duke! May oras ka pa, tingnan mo 'tong phone mo, ang dami ng tawag ng tawag sayo." sabi nya at nilahad ang phone ko pero hindi ko iyon tinanggap.

Hinila nya ang kamay ko at inabot yun. "Duke, mahirap mabuhay ng puro 'what ifs'. Si Audrey, pinaglaban ka nya kahit ang daming humahadlang pero bakit ikaw hindi mo kaya? Yung pamilya mo, mahal ka lang din nila kaya pinaglaban ka din nila. May mali din ba dun? Wala. Fight for what you love para wala kang pagsisihan sa huli."

Ilang minuto akong natahimik. Nakatitig sa phone ko nang biglang lumabas ang pangalan nya na doon.

AD. calling

Tumayo ako at agad na tumakbo papunta sa sasakyan ko. Buti nalang nasa labas pa yun at hindi pa nakukuha. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Aleyna. I'll face all this sht.

Binilisan ko ang pagda-drive. Bigla kong naalala na hindi ko pala nasagot ang tawag ni Audrey kaya agad ko syang tinawagan.

Ilang ring ang lumipas bago nya ito masagot. "Audrey..." bulong ko at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Fck this feeling, it feels so good.

Nagulat ako at nabitawan ang phone ko ng may nakitang sasakyan na tumatakbo ng mabilis patungo sa akin kahit nakahinto ang mga sasakyan sa side nila.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na namalayan ang lahat.

Nagising nalang ako noon na masakit ang katawan at may ilang galos. At nalaman ko na nawala na sya. Hindi man lang ako dinalaw at pinuntahan. Sht, matapos nya akong iwan ay magkikita pa pala kami.

Nagulat ako ng bigla syang natawa. "Oh! Sorry! Silly me!" she chuckled. "By the way, I'm Audrey Valiente. Nice to meet you, Mr. dela Vega."

*

Comments? #TCAY2 Read between the lines.

P.S: Sali kayo sa group sa fb, search nyo lang "Heyairaaa Stories" and tweet nyo na din ako @heyairaaa lol.

P.S ulit: Gusto ko sanang magpost ng FACTS sa TCAY. Magsasagot na din ako ng mga tanong kaya magtanong na kayo, sasagutin ko kung kakayanin.

xoxo

TCAY2: Remembering The ChaseWhere stories live. Discover now