9. Princess

35.4K 997 148
                                    

Too Much

“Sis, ano bang magandang movie na panoorin ngayon?” tanong sa akin ni Audrey.

Huminga ako ng malalim at napaisip. Bakit ba nandito ako ngayon sa tabi nya? Bakit ba ako dumating sa punto na ‘to? Bakit ba ako pumayag na magpanggap para sa ikabubuti nya?

“Hmm, I don’t know. Halos lahat ng magandang movie na alam ko, napanood na natin.” kibit balikat na sagot ko.

“Try Insidious, babe.” malambing na sabi ni Spade.

Nag-iwas ako ng tingin, sumandal sa sofa at pumikit.

Okay naman sa akin dati. Naaawa ako kay Audrey. Napaka-g*go ni Duke para pakawalan nalang sya. Kahit gusto ko si Duke dati ay sobrang nagalit ako sa kanya sa ginawa nya kay Audrey. Babae ako at alam ko ang nararamdaman ni Audrey.

Pumayag ako na magpanggap na best friend nya. Pumayag ako na tulungan syang bumuo ulit ng bagong alaala kasama kami. Okay naman talaga sa akin dati. Pero bakit dumating pa sa punto na--

“Hey, sis! Tulog ka na? Akala ko ba magmo-movie marathon pa tayo?” tawag nya akin kaya napadilat ako.

“Yeah, pumikit lang ako saglit. Nag-overtime kasi ako kagabi.” pagdadahilan ko.

“Oh, pwedeng magpahinga ka muna. Next time nalang tayo manood.” nakangiting sabi nya.

Sht, bakit ba kailangan nyang maging sobrang bait? Kaya hindi ko sya maiwanan. Gusto kong matapos na ang pagpapanggap na ‘to pero ayaw ko syang iwan na naniniwala pa din na totoo ang lahat ng ito.

“Nah, ang tagal na nating balak ‘to. May nahanap ka na bang magandang movie?” tanong ko at saka tumayo para tulungan syang maghanap.

“Wala pa. Umalis si Spade para kunin yung mga dvds nya sa condo nya.”

Napahinto ako. Noon ko lang napansin na wala na si Spade.

Hindi na ako nagsalita at hinalungat nalang yung mga dvd na meron dito.

“Sis..” mahinang tawag nya. Alam ko yung tono na ‘to. Ibig sabihin may gusto syang malaman na hindi dapat.

“Hmm?"

“‘Di ba best friend na kita noon pa man?” tanong nya.

Napatingin ako sa kanya. Kung about na naman sa past na nakalimutan nya ang itatanong nya ay mahihirapan na naman ako sa paggagawa ng kwento.

“Spill it, Audz.”

Nag-aalangan na tiningnan nya ako. “Hmm, nakilala ko na ba dati si Duke dela Vega?”

Gulat na tiningnan ko sya. May naaalala na ba sya? Hindi ko alam ang sasabihin ko at nanatili lang akong nakatanga sa kanya.

“Uh, never mind nalang, sis. Napakawalang-kwenta naman nung tanong na yun.” natatawang sabi nya at binalik na ang tingin sa mga dvd.

Lumunok ako at pinilit na nagsalita. “B-bakit mo naman natanong yun?” pinilit kong maging kalmado kahit natataranta na ako.

May sinasabi kaya ang Duke na yun dito kay Audrey? Bigla kong naalala yung pag-uusap namin kanina ni Duke. Napailing nalang ako.

Tumingin sya sa akin at nakakunot ang noo nya na parang nagtataka.

“Kasi sis nag-usap kami kanina tapos tinanong nya ako kung hindi ko ba sya naaalala. Nagulat ako nun pero ang sabi nya biro lang naman daw yun. Naniwala ako kasi hindi naman nya alam na nawalan ako ng memory. Pero naisip ko, baka magkakilala sila ni Spade kasi hindi naman nang-aaway si Spade ng basta-basta. Hay, ewan ko ba. Masyado lang siguro akong paranoid at excited na makakilala ng mga tao na naging part ng past ko.” paliwanag nya.

TCAY2: Remembering The ChaseWhere stories live. Discover now