13. Duke

33.7K 918 56
                                    

Hinahalikan

Nang makarating kami doon sa isang beach resort para tingnan ang unang venue, hindi pa din kami nag-iimikan. Tahimik kaming naglalakad hanggang sa mairita na ako sa sobrang katahimikan nya kaya naisipan ko ng magsalita.

“Duke..” tawag nya sa akin kaya umatras ang dila ko at hindi na naka-imik.

Halos mapasinghap at mapamura ako sa pagtawag nya sa akin. Iba ang dating ng pangalan ko kapag sya ang tumatawag. Sht, ibang-iba. Kahit ilang beses kong itanggi, kahit ilang beses kong tabunan ng galit ko. Sht, sht lang talaga.

Tiningnan ko sya. Nakaharap sya sa akin pero tumitingin lang sya sa paligid maliban sa akin. Hindi sya nagsalita at mas lalo lang akong nairita.

“What?” inis na sambit ko.

Huminga sya ng malalim at tiningnan ako. “Sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin lahat sayo ‘yun kanina. Uhm, well, sinasadya ko pala pero alam kong hindi ako nag-iisip kaya sorry.” mahinahon nya sabi at bahagyang ngumiti. “Hindi natin matatapos ‘to kung hindi tayo mag-iimikan. Sorry ulit sa kabaliwan ko.” she added at natatawang naglakad ulit.

Binigyan ko lang sya ng tipid na ngiti. “Yeah, I’m sorry too. I didn’t mean to shout at you.”

Tumango-tango sya at nagsimula na din kaming maglakad. Natatanaw ko na ang lugar na pupuntahan namin pero malayo-layo pa ‘yun. Hindi ko alam kung bakit hindi pinapasok ang sasakyan namin.

Napatingin ako kay Audrey na tahimik na naglalakad at nakatingin sa dagat. Hinihipan ng hangin ang buhok nya at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Sht.

“Audrey..” tawag ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. I just feel like saying her name.

Bumagal ang paglakad ko at huminto naman sya para tingnan ako. “Hmm?” takang tanong nya.

“Audrey..” tawag ko ulit. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Tumawa sya at takang-taka na tiningnan ako. “Mr. dela Vega, may balak ka bang ubusin ang pangalan ko sa pagtawag mo sa akin?”

Napangiti ako ng bahagya. Lumapit ako sa kanya at sabay kaming nalakad ng marahan. “Nothing, I just want to ask if..” napahinto ako at inisip kung itatanong ko pa.

“If ano, Mr. dela Vega?”

“No, wag na. I think my question is too personal.” tanggi ko dahil naisip ko na hindi na sya ang dating Audrey na pwede kong panghimasukan ang buhay.

Ngumiti sya at bigla nyang tinuro ang lugar kung saan kami pupunta. “Nakikita mo ba yun?” tanong nya at bahagya pang natapilok dahil sa mga bato sa buhangin. Natawa kami.

Yes, she lost her memory pero the usual hyper Audrey is still there.

“Oo at medyo malayo pa yung lalakarin natin.” sagot ko sa tanong nya.

“Exactly! Malayo pa yung pupuntahan natin at may time pa akong sumagot ng mga tanong mo. Wag mo sanang masamain pero walang bayad ang pagngiti at pagsasalita, Sir.”

Napakunot-noo ako pero may ngiti pa din sa labi ko. “Call me Duke, Ms. Valiente.”

“Nope, Mr. dela Vega. So, what’s your question?” tanong nya at bahagyang nauna sa paglalakad.

“Hmm, anong gagawin mo kapag bumalik na ang alaala mo? Tapos malalaman mo na may malaki pala silang tinago sa nakaraan mo?” seryosong tanong ko sa kanya.

Natawa sya ng bahagya. “Mahilig ka din bang manood ng drama sa tv kaya nagagaya ka na kay Aleyna?”

Humarap sya sa akin at patalikod na syang naglalakad ngayon. Nakataas ang kilay nya sa akin. Akala ko hindi nya sasagutin ang tanong ko nang magsalita sya. “Ewan. Di ko alam. Ganun naman lagi, sa kanila lang ako kumakapit kapag tungkol sa nakaraan ko ang usapan. May tiwala ako sa kanila at kung meron man silang hindi sinabi, gaya ng sinabi sakin kanina, ‘maybe they did it for my own good.’” sabi nya at humarap ulit sa daan. Nauuna pa din syang maglakad.

Hindi ako nagsalita. May isa pang tanong na tumatakbo sa utak ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong ‘to pero sa huli tinanong ko na din sya. This will end anyway kaya wala na din sa akin kung ano pa man ang magiging sagot nya.

“Bakit mo nasabi yung mga sinabi mo kanina? May nagawa ba ako na--uhm, na naging dahilan para sabihin mo ‘yun?” marahan na tanong ko. Ayokong may masabi ako na magpapahalata sa kanya na hindi ako nagsasabi ng totoo.

Hindi ko nakita kung ano ang naging reaksyon nya sa tinanong ko dahil nauuna sya sa akin pero medyo bumagal pa ang paglalakad nya hanggang sa maabutan ko sya. Nakita kong malalim ang iniisip nya at nag-aalangan sya kung sasagutin ba nya ang tanong ko.

Tumingin ako sa daan. Malapit-lapit na din. “It’s okay kung hindi mo sasagutin.”

Tumingin sya sa akin at bahagyang ngumiti. “Hindi ko alam kung sasagutin ko ba talaga pero sige na basta wag ka lang masyadong maweirduhan sakin.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya at bago pa ako makapagsagot sa kanya ay nagsalita na agad sya.

“Uhm, ano kasi, wait, basta wag mo ‘tong samahan ng kahit anong malisya o ano. Basta.” bahagya syang natatawa habang sinasabi nya yun at hindi ko mapigilang mahawa sa mga ngiti nya.

“So, ito na nga, minsan may mga naaalala ako pero madalas naaalala ko yun kapag nananaginip ako. Alam mo yun, minsan hindi ko alam kung isang memory kung ba yun o sadyang simpleng panaginip kaya medyo nahihirapan ako. Oh well, nandyan naman yung familu ko para tulungan ako. Pero nung tinanong mo sakin kung naaalala ba kita bigla kitang napanaginipan. Syempre, weird. Pero nung tinanong kita kay Princess sabi nya hindi naman daw kita kilala dati. Titigil na sana ko pero ilang beses pa yun naulit. Maski ako nawi-weirduhan na sa sarili ko at medyo naiinis din dahil may boyfriend ako tapos sa panaginip ko may--”

Nakita kong napahinto sya at parang namutla sya. Parang may hindi sya dapat sabihin sa akin na muntik na nyang masabi.

“So, what?” amuse na tanong ko sa kanya.

Sumagot sya pero halos bulong lang iyon kaya hindi ko narinig.

“Ha?” pilit ko sa kanya.

Nakita ko ang pamumula ng mukha nya kahit nakayuko sya sa akin. “Sa bawat panaginip ko na nandun ka, lagi nalang ang scene ay hinahalikan kita.” bulong nya ulit pero narinig ko na iyon.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at wala na akong maramdaman o masabi hanggang sa iangat nya ang tingin nya sa akin.

“Audrey! Mr. dela Vega! Nandito na pala kayo.” napatingin kami sa lalaking dumating.

I don’t know if I’ll thank him or not for coming just in time.

*

Advance Happy New Year! Next year na ang sunod na update. ♥

TCAY2: Remembering The ChaseWhere stories live. Discover now