14. Duke

38.8K 985 113
                                    

 Tenerife Sea

"I'm okay, Spade. Nasa ligtas naman kaming lugar. Stop freaking out." iritadong sabi ni Audrey habang kausap ang lalaking 'yun sa phone nya.

Pagkatapos naming ikutan ang unang venue ay bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Makakaalis pa sana kami kung hindi lang may naaksidente na truck sa dadaanan namin.

I already texted Aleyna. I told her na dito muna kami mags-stay for tonight.

I looked at her reply at hindi ko napigilan mapangiti ng mabasa iyon.

From: Aleyna
Oh gosh! Extended ang time ng make out session nyo. Lol. Kidding! Keep safe, loveyou!

"Girlfriend?" tanong ni Sebastian Buenavista. Kaibigan ni Audrey na sumalubong sa amin kanina. Anak dib daw iyon ng may-ari ng pinagtatrabahuhan nya. At sya din ang may-ari ng resort na ito.

Naiinis ako dahil dati ay kami lang, ang banda, ang kaibigan ng kuya nya, ang lalaking nagiging malapit sa kanya. Ngayon, she's making her own guy friends and I hate that.

"What?" iritado kong tanong sa kanya.

Napailing ito at tumawa ng mahina. Kanina nangangati ang kamao ko na tamaan ang mukha nya.

"You're smiling like crazy. I bet your girlfriend texted you."

Mumurahin ko na sana ang g*go kung hindi lang nagsalita si Audrey.

"Stop being so nosy, Seb." pagsuway nya rito at binaling ang tingin nya sa akin.

"Okay! Iwan ko na kayo dyan, lovers." natatawang sambit nito bago umalis.

"Tss, gay." inis na utas ko habang sinusundan ng tingin ang lalaking lumabas ng lobby.

"He's not gay." sabi ni Audrey na parang sya ang na-offend sa sinabi ko dun sa kaibigan nya.

"Oh yeah." walang pakialam na sagot ko at tumingin sa labas ng bintana.

Hindi man lang humihina ang ulan.

"Wala tayong choice kundi kunin ang nag-iisang kwarto na offer nila. Puno lahat ng rooms dahil sa dami ng tao sa resort na nastranded sa lakas ng ulan." dagdag nya at tumingin din sa labas.

Nakita ko ang pagngiwi nya dahil talagang mahihirapan kami sa pag-uwi bukas kung magpapatuloy ang malakas na pag-ulan.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin bago ko naisipang magsalita.

"Buti hindi mo tinanggap ang offer ni Sebastian na matulog sa kwarto nya." kalmadong sabi ko sa kanya. Kahit bigla na naman kumulo ang dugo ko dahil sa pagkaalala nun. That guy needs to get his shits together.

Napairap sya at tumawa ng malakas. "I rather stay with you than stay with that perv. He knew nothing but s*x. He's my friend but that is another story."

Napailing ako at naisip ko na kailangan pala talagang matikman ng lalaking yun ang kamao ko bago ako makaalis dito.

"Let's eat?" tanong nya sabay turo sa restaurant na nasa loob ng hotel.

Tumango ako at sumunod sa kanya. Medyo nahirapan kami sa paghahanap ng mauupuan dahil sa dami ng kumakain.

"My treat. Dahil sa pag-aayos mo ng event na 'to, na-stranded ka tuloy kasama ko dito." agad na sabi ko ng makaupo kami.

Ngumiti sya. I almost held my breath because of that smile. "Well, it's okay pero hindi na din ako tatanggi sa grasya." biro nito at kinuha ang menu.

TCAY2: Remembering The ChaseWhere stories live. Discover now