TSIB AH #3: you call the shots (babe)

106K 1.1K 378
                                    


Title: you call the shots (babe)
Pairing: Andreau x Zade (TSIB)

Rating: Mature
Note: Title from aka the song na naiisip ko pag napapangiti si Paulo Avelino (aka aka the hymn of sex). Kasalanan 'to ng santa hat ni Simon Evangelista sa OTWOL. Dapat matagal pa 'tong ficlet na 'to eh, pang-2nd birthday ng TSIB kaso... punyeta ka Paulo Avelino. The things you do to me ugh.

All mistakes are mine. Sana masabi ko rin na akin si Paulo charot.

PLEASE LISTEN TO THE SONG. IT ADDS TO THE... EXPERIENCE. CHAROT

Merry Christmas ya filthy animals!

**

"Why in the world are you wearing that?"

Andreau only smirked in reply as he held the door of his condo for Zade to enter. Takang-taka si Zade sa porma ni Andreau ngayon. Buong araw lang naman siyang nasa condo niya pero nakasuot pa ito white long sleeves (at bukas pa ang first two buttons, not that she focused on that), black coat, at ang nakakawindang na santa hat. He hated that hat so much. Ilang beses na nilang pinilit ni Mars na magsuot siya no'n sa Christmas parties nila pero todo tanggi siya.

I don't wanna wear that stupid hat, Zades. Nagmumukha akong tanga. Iba na lang pagsuotin niyo, wag ako.

Tapos ngayon...

Hindi na lang pinansin ni Zade ang trip ng fiance niya at tumuloy agad ito sa kitchen para uminom ng tubig. She just came from her third Christmas party of the day, at handang-handa na siyang bumagsak sa kama anytime soon. Sa totoo nga, hindi na dapat siya pupunta sa condo ni Andreau, pero nagdrama pa sa kanya ang fiance ng Two days before Christmas, Zades. I barely saw you this week. Pwede bang dito ka na lang dumiretso sa Skyline? Nangonsensya pa ito na matraffic pauwi sa apartment nila ni Kesh blahblah.

(Of course, she couldn't say no to him. Namiss din naman niya ang fiance niya na busy sa editing ng first full length film niya. Excuse na rin 'yon kaya hindi siya nasusundo nito lately.)

Holding a glass of water, she went back to the living room, only to find Andreau drinking his favorite bourbon (Jim Beam Small Barrel). He extended the glass of bourbon to her, which she declined since halos buong linggo na rin siyang umiinom sa parties na pinuntahan niya. Zade settled on the sofa, stretching her tired legs. Iniisip pa niya kung anong klaseng bribe ang gagawin niya para i-massage siya ni Andreau bago matulog.

(Massage lang, nothing more. Wala na talaga siyang lakas para gumawa pa ng iba pang bagay. Kailangan na talaga niyang magpahinga.)

"Rough day?" tanong sa kanya ni Andreau, na umupo sa armrest ng sofa. "Tutumba ka na ata dyan anytime eh."

"Kung alam mo lang ang pagod ko today, babe. I hate Christmas parties! Kung hindi lang ako nakakatanggap ng magagandang regalo talagang no show na ako!"

He snorted a laugh. "Mukha ka talagang regalo, ano? Years ago tinawag mo akong Grinch.. and look at you now, Zades. Nagbackfire lahat ng pang-aasar mo sa 'kin."

Pasimple niyang sinipa ang braso ni Andreau. "Excuse me ha, mas Grinch ka pa rin sa 'kin. Wait a minute, what's with the attire? Lumabas ka ba for a part or something?"

"This ugly thing?" he ran down his hand over the coat. "Nothing. Gusto ko lang magbihis nang maayos for tonight."

"And the Santa hat? Care to explain that?"

"It's Christmas, Zades. Bawal na bang magsuot nito?"

She rolled her eyes. "It's just.. weird. You hate that thing. Ano bang nakain mo at nagsusuot ka na niyan ngayon? Can I take a photo of you, though? Ise-send ko lang kay Mars for proof."

After HoursWhere stories live. Discover now