[TSIB AH Week Day 2] Tent Shenanigans

91.4K 868 67
                                    


Yay! Second day of the TSIB AH Week! Sabi ko sa inyo, seryoso ako na gagawin ko 'to hahaha

Now.. matagal ko nang naisulat ang second half ng kwentong 'to. I only tweaked this a bit dahil nainspire ako sa suggestion ng friend kong si Leslie over Twitter na gumawa ako ng AZ AH na nasa loob sila ng tent. So... ito na 'yon.

Fubu!AZ will always be my favorite AZ alternate universe ever. This AH ficlet is just a glimpse of a larger and more complicated fic I'm slowly writing (as in sobrang bagal) and.. basta. Fubu!AZ. In a tent. Smut ensues.

Take note na iba ang characterization nina Andreau and Zade sa fubu!verse na ito. Medyo malayo sa TSIB characterization nila (sana maestablish ko nang maayos since glimpse lang 'to nung mahabang.. short story lol) and.. basta. I'm babbling already.

All mistakes are mine. Sinulat ko 'to habang nasa impluwensya ng nakakaantok na gamot so.. pasensya na kung bangag. If you have AH suggestions, comment below! Thank you and much love!

***

"Stop fucking squirming!" Zade mumbled as she nudged his shoulder.

"I am not squirming, Pascual. You move over."

"I'm already right up against the tent!" Zade grumbled and snuggled deeper into her sleeping bag. "Manahimik ka na lang dyan, okay? I'm trying to sleep here!"

Andreau shot her a death glare even though she couldn't see it. "Kapag ako namatay nang dahil sa hypothermia kasalanan mo."

"Kapag hindi kayo mananahimik diyan uunahan ko pa ang hypothermia na patayin kayo!" Mars shouted angrily from the other tent. "Gigisingin niyo ata ang buong camp sa ingay niyo! Wag niyo na akong bwisitin kanina pa kayo ah!"

Natameme na lang ang dalawa sa loob ng maliit na tent. Pasalamat si Mars na badtrip siya ngayon, kung hindi isisisi nina Andreau at Zade ang lahat ng kamalasang pinagdaanan nila buong araw. Na totoo naman kasi si Mars ang may pakana na akyatin nila ang Mt. Pulag para kahit paano mawala ang stress nila sa med school.

It seemed to be a great idea at first. May two weeks break sila from everything med related (not almost everything since may Pedia remedials pa si Kesh next week, pero YOLO nga raw muna sabi ni Mars) at ano pa bang magandang gawin kung hindi akyatin ang highest peak sa Luzon? Efficient planner si Mars; siya na ang nag-asikaso ng lahat para sa trip na 'to. Hindi na nag-alala ang grupo dahil sa tagal na nilang magkakaklase, tried and tested na ang lahat ng plano ni Mars. Ayaw kasi nito ng palpak pagdating sa bakasyon.

Everything went fine until they reached the campgrounds. It was a disaster. Mars had asked for two plots, one for their humongous sleeping quarters tent and another for their things, and there was some mixup so they only got one. Hindi naman naging problema 'yon since sakto lang ang dalawang tent sa isang plot, na may three meters na space sa pagitan. Kasyang-kasya silang lima doon sa malaking tent; may division pa nga 'yon para magkahiwalay ang girls at boys.

Akala nila okay na ang lahat sa kanila at finally, makukuha na nila ang rest and relaxation na kailangan nila. But they were wrong. Bukod sa may ilang bagay silang nakalimutang dalhin (like extra extra jackets dahil sobrang lamig sa campgrounds), walang tigil sa pag-aaway sina Andreau at Zade habang inaakyat nila ang Mt. Pulag. Kagaya ng ilang away nila, hindi nila alam kung sino ang nagsimula sa kanilang dalawa. Puro singhalan, hiritan at insulto ang narinig nina Mars at ng iba pang kasama nila habang paakyat sila sa bundok. Walang tigil. Hindi na nahiya ang dalawa sa pinakita nila. Sure, they hate each other's guts since their first year in med school, pero walang nakakaalam kung bakit. Ilang beses na ring sinubukan nina Mars at Dan na tanungin ang dalawa kaso ang laging sagot nila? I just hate his/her fucking guts. Kawawa ang magiging pasyente niya in the future.

After HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon