CHAPTER 6

7.7K 217 10
                                    

TRINITY'S POV

" Coooool " manghang sabi ko pagkadating sa loob ng cruise ship, Di ko kayang madescribe ang kabubuan nito dahil sa ganda at astig ng cruise ship.

" Close your mouth trinity baka pasukan yan ng langaw. " natatawang sabi saakin ni kris. Sinamaan ko lang siya ng tingin kahit di naman niya nakikita dahil natatakpan ito ng maskara. Yeah kasama ko ngayon si kris, naka mascara kami dahil yun ang tema ng party. Naka red maskara ako with glitters while black maskara naman kay kris. Medyo marami ng tao dito, pero di siya siksikan dahil sa lawak at laki ng cruise ship.

Umupo muna kami sa isa sa mga bar tools para kumuha ng drinks. May suot din kami na black small earpiece para kung sakaling magkahiwalay kami ni kris ay may communication parin kami sa isa't isa. Habang hinihintay ko na dumating si Mr Hotschylus ay busy muna ako sa pagtingin tingin ng mga taong pumapasok sa entrance ng cruise ship, lahat ng mga guests dito ay halatang mayayaman dahil sa mga suot nilang mga kumikinang na alahas. Maya maya ay may nahagip akong isang familiar na babae na naka violet maskara at black-violet gown. May kasama siyang 2 body guards at dumiretso sila sa elevator at sumakay, tumingin siya sa gawi ko kaya agad naman akong yumuko at tumalikod sakanya.

" Good evening ladies and gentlemen, thank you for coming in the dinner party, please enjoy the foods and drinks. The party starts for the next 10 minutes. " sabi ng emcee na bakla, then bumaba na siya ulit sa stage.

" Wait lang kris, mag c-cr muna ako huh? " paalam ko kay kris na hanggang ngayon ay tahimik parin na nag mamasid habang nakaupo sa bar tools, nginitan niya naman ako.

" Okay, bumalik ka agad huh? " sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Umalis na ako at naghanap na ng comfort room, kanina pa kasi ako naiihi eh.

Nandito na ako sa loob ng cubicle nang biglang may boses ng mga babae ang pumasok sa cr.

" Arrgh! Until now di ko parin nakikita si Grey myloves ko! Kaya nga ako pumunta here para makita siya eh! " pagmamaktol ng isang babae, sinilip ko naman sila sa maliit na butas ng pinto, may dalawang babaeng mukhang clown ang nag uusap.

" Yeah asa ka pa na makikita natin siya, like duh? mailap kaya siyang tao. Kaya do you think pupunta siya? " tanong naman ng kasama niyang isa pang clown na babae. Wait sino si grey? Si Mr Schylus ba yun? Diba Damon Grey din ang name niya?

" I think yes, siya kaya ang may ari nito kaya 100.1 % na pupunta ang bebeloves ko. " kinikilig kilig pa niyang sabi, di ko na natiis na magtanong sakanila kaya lumabas na ako sa cubicle at hinarap sila.

" Uhm excuse? Pwedeng magtanong? " singit ko sa usapan nila, tinignan naman nila ako ng masama at nagsalita.

" Nagtatanong kana nga eh. " maarte nilang sabi, tss ang sungit sampalin ko to eh!

" Sino si Grey? Sorry sa pakikinig sa usapan niyo huh ang lakas kasi ng boses niyo eh, he he he" mabait kong sabi sakanila, ayokong makipag away muna ngayon. Mahirap pa naman makipag away sa rich kid, mayaman sila, maganda lang ako kaya wala parin akong laban.

" What?! Di mo kilala si Grey? Srsly may tv ba sainyo? Or taga bundok ka? " oa na sabi ng kasama niyang clown na blue ang gown. Napangiti na lang ako ng pilit sakanila, eh malay ko ba kung sino yun.

" Si Grey my bae lang naman ang nag iisang may ari ng DGS Cruise ship na'to. " sabi ng naka blue gown na mukhang clown.

" And siya rin ang kinilala bilang The Younger Mega Billionaire all over the world. " dugtong naman ng naka brown gown niyang kasama na mukha ding clown. Ow....kay? So si Mr. Schylus pala ang may ari nito? Diba siya lang naman ang tinagurian bilang younger mega billionaire? Grabe siya na talaga rich kid!

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon