CHAPTER 23

7.6K 213 11
                                    

TRINITY'S POV

Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas nang pumunta kami sa main hq ni grey. At isang araw nalang bago ang 1st monthsary namin ni grey as husband and wife. Kaya nagtipon tipon kami nila russy at chricia dito sa kwarto ko para tulungan ako at pagplanuhan ang first monthsary namin ni grey bukas.

Buti nalang at wala dito si grey sa mansion dahil nasa office siya ngayon at mamayang 5 pm pa ang uwi nun. Kaya malaya kaming makapag plano.

" So what's the plan ba? " naiinip na tanong ni conyo sabay kagat ng pizza

" Ahmm di ko nga alam eh, kaya nga kayo nandito para tulungan ako diba? " sagot ko sabay kagat naman ng hotdog.

" Can you two please stop talking? nag iisip pa ako eh. Mag isip din kayo ng suggestion niyo " naiiritang sabi naman ni bakla saamin

" Tsk. What if mag bake nalang ako ng cake or cookies or anything deserts for him? " di ko napigilang i suggestion, tinignan naman nila ako ng ' seryoso - ka - look ' kaya napairap nalang ako sakanilang dalawa.

Anong tingin nila saakin di marunong mag bake? aba! pumasok na kaya ako dati as chef assistant kaya alam na alam ko kung paano gumawa ng cake or anything deserts.

" Srsly gurl ipag b-bake mo siya? Are you kidding? di mo ba alam na super hate niya ang matatamis? " di makapaniwalang tanong saakin ni bakla

Really? Hate niya ang matatamis? mygosh! bat di ko alam to?! kaya pala kapag binibigyan ko siya minsan ng marshmallow di niya tinatanggap?

" Err- fine ano ba dapat? eh yun lang ang naiisip kong suggestion eh. " sabi ko habang napapakamot nalang sa batok ko

" What if you give him a letter? or something touchy things that make him cry? " pag sa-suggest naman ni conyo kaya agad naman siya binatukan ni bakla.

What the heck? seryoso siya? masyado namang makaluma yun saka dapat lalaki ang magbibigay ng letter hindi babae. Saka si grey maiiyak sa letter ko? nako napaka labong mangyari yun.

" Really yun talaga ang naisip mo? haler nasa makabagong mundo na tayo noh! kaya di na uso yang mga ganyan. Baka imbes na matuwa si fafa grey niyan baka ma badtrip lang yun " sabi ni bakla, kaya napasimangot lang si conyo

" Tama siya. Saka di ako magaling sa pag design noh, di kami friend ni arts. " pag sang ayon ko, eh totoo naman eh. Paano ako gagawa ng letter kung sa design pa lang pambasura na? baka nga mas maganda pa mag design saakin si grey eh.

" Fine. I don't care tss. " tangi nalang niya nasabi

" Gotcha! Alam ko na! " biglang sabi ni bakla kaya agad kaming napatingin ni conyo sakanya

" At ano naman yun? " sabi ko habang naghihintay ng sasabihin niya

" Wag ka nalang mag plano gurl, ang hirap kasi mag isip eh. Hayaan mo ng si fafa grey na lang ang mag suprise at mag effort sayo. Masyadong rush na para magplano dahil bukas na yun. Pinapahirapan lang natin ang mga sarili natin niyan eh " agad ko naman siya binatukan dahil don.

Lokang bakla na to! akala ko pa naman na may maganda na siyang suggestion. Siya tong nagsabi na magplano kami para i-suprise si grey then siya rin naman ang unang aayaw?

" Yeah. It's so hard talaga mag isip eh. Di naman pwedeng material things ang ibigay mo sakanya because lahat niyan ay meron siya. Transportations? house, condo, gagdets, accesories or anything ay meron siya. " napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi ni conyo.

She's right. Di ako pwede magregalo sakanya ng mga materyal na bagay dahil I'm sure na lahat yan ay meron siya or nabili na niya or kaya niyang bilhin. Saka wala akong pera na pambili ng transportation like chopper. Bike nga di ako makabili eh, chopper pa kaya? Kung condo naman or house ay di ko rin kaya at di afford ng budget ko.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now