CHAPTER 29

6.4K 166 8
                                    

TRINITY'S POV

Mabilis lumipas ang mga araw at sabado na nga. It means, mag t-training na ulit ako. Nakasuot na ako ng pang ninja suit at nag simula na akong mag warm up ng tatlumpong minuto bago simulan ang pagsasanay.

" Good morning master! " magiliw kong bati pero inisnob niya lang ako.

Tsk! ang sungit niya talaga kapag nasa field area kami! Masyado niyang pinangangatawan ang pagiging master niya eh.

" Let's start " sabi niya sabay walang atubiling hinagis saakin ang sword, buti nalang at mabilis akong kumilos kaya nasalo ko agad ito kundi baka masugatan ako or ang worst is masaksak pa ako ng sword na ito.

" A-anong gagawin ko dito? " takhang kong tanong habang tinitignan ang kumikinang kinang pa na sword na halatang sobrang talas.

Syet! muntik na talaga ako kanina! Walangya! balak yata ako saksakin ni master eh! Buti nalang talaga at mabilis kahit papano ang reflection ko.

" I will teach you how to use that sword and this kunai " sabi niya sabay inilabas sa bulsa niya ang limang kunai.

Napalunok naman ako ng mariin dahil once na maling galaw ko lang ay maaaring matamaan ako ng sword or kunai na yan.

" Ready? " seryoso niyang sabi kaya tumango ako

" Yes master " sabi ko sabay yuko bago umayos ng tayo.

Tinuruan niya ako ng iba't ibang technique sa pag gamit ng sword at sa pagbato ng kunai. Tinuruan niya rin ako kung paano pagsabayin na gamitin ang sword at kunai habang nakikipaglaban.

Habang iniilagan ko ang mga kunai na ibinabato niya saakin ay ginagantihan ko din siya pero masyadong mabilis ang galaw niya kaya nahihirapan akong patamaan siya.

Good thing dahil di lang basta basta pang ninja suit ang suot namin dahil proteksyon din ito laban sa matutulis at matatalim na bagay at sa bala ng baril. Kaya di ka agad basta basta masasaktan kung suot mo ito.

" Come on baby, hit me " pang hahamon niya na may halong pang aasar.

Pagod na pagod na ako dahil kanina pang alas sais kami nagsimula hanggang ngayong alas dyes. Mahigit tatlong na oras na kaming naghahabulan ng kunai at sword pero itong master ko ay wala paring kapaguran sa katawan at nagagawa pa akong asarin.

Pumikit ako ng mariin bago huminga ng malalim at inisip ko lahat ng mga technique na tinuro niya saakin simula sa martial arts, taekwando at kung paano gamitin ng mabilis ang kunai at sword ng hindi napapansin ng kalaban.

Pagdilat ko ay agad akong sumugod sakanya at ginamit ko lahat ang alam kong technique sa pakikipag laban. Habang busy siya sa pag ilag ng mga suntok at sipa ko ay pasimple kong hinawakan ang dalawang kunai sa likuran ko at agad ko itong hinablot ng mabilis at nilagay sa magkabilang leeg niya para wala na siyang kawala.

" You lose, master " sabi ko na may ngiting tagumpay sa labi pero ngumisi lang siya saakin na parang may binabalak na masama.

Akala ko panalo na ako nang bigla niyang pinilipit ang dalawang kamay ko paikot kaya nabitawan ko ang dalawang kunai na hawak ko sa magkabilang kamay ko.

Nakayakap siya mula sa likuran ko habang hawak parin niya ang dalawang kamay ko na pinilipit niya. Nagpupumiglas ako pero mas lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakahawak niya saakin. Ouuch ang sakit! feel ko mababali ang mga buto ko sa higpit ng pagkakahawak niya.

" No one can beat me, baby " bulong niya saakin kaya nakaramdam ako ng kiliti sa leeg ko.

Sisipain ko sana siya sa hinaharap niya nang bigla niyang naagapan agad ito.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now