CHAPTER 15

7.2K 214 4
                                    

TRINITY'S POV

Kasalukuyan kaming nasa roof top ng school, dahil kasama ko ngayon ang mga weirdong kong bestfriends para magpaliwanag sakanila sa mga naganap sa buhay ko these past few weeks.
Kanina pa umalis si grey dahil may emergency meeting daw sila ngayon, balak pa nga niya akong isama at wag munang papasukin dahil sa mga insidenteng naganap kanina. Pero syempre di ako pumayag dahil kailangan ko makausap ang mga kaibigan ko para makapag paliwanag.
Tanging lagaspas lang ng hangin ang maririnig dito, nagpapakiramdaman lang kami kung sino ang unang magsasalita. Napahinga na lang ako ng malalim bago magsalita.

" Uhmm a-ano sorry guys " mahina kong sabi habang nakayuko lang. Para kasing iba sila ngayon eh. Di sila yung mga kalog at maiingay na bestfriend ko na lagi kong kasama. Di parin sila nagsasalita habang hinihintay parin ang sunod kong sasabihin.

" Ang totoo niyan wala naman talaga akong bagong trabaho eh. Sinabi ko lang sainyo yun para di kayo maghinala saakin na kung bakit madalas akong absent or busy. " sabi ko sakanila na tahimik parin na nakikinig.

" Then why? bakit nga ba lagi kang absent? may tinatago kaba saamin trinity? " masungit na tanong saakin ni chans habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko. Napatango lang ako ng mahina at pinagpatuloy na ang pag kwento.

" Naaalala niyo pa ba yung time na pinapunta ako ni ma'am duling sa dean office dahil sa di pagsagot ko ng math problem sa board? " tanong ko, tumango naman sila kaya pinagpatuloy ko na ulit ang sasabihin ko.

" That time, kinausap ako ni mr. danillo na mawawalan na daw ako ng scholarship at papatalsikin dito sa university dahil sa lagi akong mababa sa math at sa gmrc. Nagulat ako nun dahil baka di na ako makakapag aral pa. Pero may inaalok siya saakin na isang kondisyon kung gusto ko raw na wag mawala ng tuluyan ang scholarship ko " nag salubong naman ang mga kilay nila dahil sa sinabi kong yun.

" Then what is the condition? " tanong ni chricia saakin habang seryoso parin ang mukha. Ganun din si russy na tahimik lang na nakikinig.

" Stalk. Kailangan ko daw mag stalk para di ako matanggalan ng scholarship. Pero di basta basta yung taong i-stalkin ko, dahil ang taong yun ay hindi lang isang ordinaryong boss " halata sa mukha nila ang pagtatakha kaya pinagpatuloy ko na ulit ang sasabihin ko.

" Cause I'm Stalking The Mafia Boss " nagulat at nanlaki ang mata nila dahil sa sinabi ko.

" What?! " sabay na tanong nilang tatlo habang di parin makapaniwala.

" Yeah. Sorry kung di ko sinabi sainyo yun, dahil ayaw ko kasi kayong madamay sa gulong pinasok ko eh. Kaya mas pinili ko na lang na wag ng sabihin sainyo ang napag sunduan namin ni mr danillo. Sorry talaga guys. " sabi ko, bigla naman silang tumayo at pumunta sa harapan ko.

" Bakla ka! ano bang pumasok sa utak mo at tinanggap mo ang alok ng panot na dean na yun? sana sinabi mo saamin na bina- black mail ka nun para matulungan ka namin. " tanong saakin ni russy sabay batok saakin.

" Yeaaah. Srsly gurl mag i-stalk ka na nga lang sa isang dangerous person pa! are you out of your mind? you don't know ba kung gaanong ka dangerous ang pinasok mo? " sermon naman saakin ni conyo gurl. Aba bago to ah? first time ko lang siya marinig na mag sermon.

" Medyo matagal ko rin naman yun pinag isipan eh, siguro mga isang araw hehe pero yun lang talaga ang option na ibinigay niya saakin eh. At sabi pa niya na wag ko raw ito sasabihin sa kahit sino, at kahit sa kamag anak or bestfriend ko pa. " mahaba kong paliwanag

" Kahit na! Di mo dapat sinundin ang kondisyon niya! Sana sinabi mo saakin para ako na mismo ang magpapa aral sayo hindi yung itataya mo pa ang kaligtasan mo para lang sa pesteng scholarship na yan. " naiinis na sabi ni chans saakin. Napayuko na lang ulit ako ng ulo dahil doon.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now