CHAPTER 32

7.3K 198 34
                                    

TRINITY'S POV

Tahimik at tanging kuliglig lang ang maririnig sa buong paligid. Nagtatakha ba kayo kung nasaan kami ni grey? Well nandito kami ngayon sa underground ng venue.

Kaloka diba? Di ko akalain na may underground pala dito. Hindi ko nga alam kung bakit kami nandito eh. Dito kasi ako hinila ni grey sa di malamang dahilan.

Pero infairness huh? Hindi siya mukhang underground dahil parang bahay lang siya na may sala, kusina, banyo at kwarto at Take note: may aircon pa. Sosyal diba?

" Uhm grey, sino bang hinihintay natin dito? " di ko napigilang itanong. Eh kasi naman mag iisang oras na kaya kaming naghihintay dito eh.

Mas gugustuhin ko pang kumain ng chocolate fountain kesa naman tumambay lang dito noh.

Akmang magsasalita sana siya nang biglang may nagsalita sa likuran namin.

" Yow bossing! " bungad ni kevin sabay tingin at kindat saakin. Napairap nalang ako sa kapilyuhan niya.

" Good evening lord G, I'm sorry we're late " paghihingi ng paumanhin ni butler jin kay grey habang nakayuko

Grabe! Ang gwapo niya talaga! Oo inaamin kong may crush ako kay butler jin nung una ko siyang makita sa office ni grey.

Kaso may mahal na ako at si grey yun. Saka crush lang naman eh, in short paghanga. Hanga ako sa angking katapangan niya dahil natatagalan niyang pakisamahan si grey. Saka siya kasi ang ideal crush ko eh. Pero si grey naman ang ideal husband ko. Kaya mas pipiliin ko parin ang honey ko kahit na may pagka masungit siya.

Kaya Sssh lang kayo ah? Wag kayong maingay. Baka kasi malaman yun ni grey eh lagot ako dun.

" Wait me here " sabi ni grey sabay pumasok siya sa kabilang kwarto kasama si butler jin at kevin.

After so many years natapos narin sila. Agad namang umalis sila butler jin at kevin kaya naiwan nalang ulit kaming dalawa dito. Ano kaya ang pinag usapan nilang tatlo sa loob? Halos tatlong minuto kasi sila doon eh.

" Are you hungry? " biglang tanong ni grey kaya tumango tango agad ako. Yipeee! Excited na ulit akong kumain ng chocolate fountain!

Buong akala ko ay aalis na kami dito sa underground na ito pero isang malaking AKALA lang pala iyon dahil....

" Anong ginagawa natin dito? " tanong ko habang pinapalibot ng tingin ang buong paligid.

Sa halip na sagutin niya ako ay naglakad siya sa left side kung saan naka display ang matutulis at matatalim na mga kunai. Kumuha siya ng dalawa at walang atubili na hinagis ito saakin. Mabuti nalang at tinuruan niya ako kung paano kumilos ng mabilis kaya agad kong nasalo ang mga kunai na ibinato niya saakin.

" Ano ba grey! Muntik mo ng matamaan ang maganda kong mukha eh! " inis kong sabi pero tinignan niya lang ako ng bored -look at pinagpatuloy ang paglilibot.

" Improving huh? Aren't you? " nakangisi niyang sabi saakin habang abala parin sa pagtingin tingin, di ko alam kung maiinis ba ako sa sinabi niya or hindi.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now