CHAPTER 22

6.5K 229 6
                                    

TRINITY'S POV

Kasalukuyan kaming bumabyahe habang sinusundan ang black porche na sasakyan ni grey na nasa unahan lang namin. Magkahiwalay kami ng sasakyan ni grey dahil galit parin siya saakin kaya no choice ako kundi sumakay nalang sa montero ni bakla na minamaneho ni chans. Alangan namang maki joy ride pa ako sakanya edi nasapak ako nun ng wala sa oras.

Pumasok kami sa isang masukal at magubat na daan at puro matataas na damo lang ang makikita.

May makikita ka ring malaking bakal sa taas na may nakapaskil na WELCOME TO THE HELL VILLAGE. Kaya agad akong kinalabutan at napasiksik ako kay chricia na katabi ko lang.
Di ko alam kung saan kami pupunta, pero kung titignan mo ang kapaligiran, puro puno at matataas na damo ang tanging makikita mo sa paligid.  Di ko alam pero parang familiar ang daanan na to saakin eh.

Maya maya lang ay natatanaw na namin ang isang napakalaking gate na gawa sa bakal at semento. Wait? natatandaan ko tong lugar na to! eto yung time na sinundan ko si grey para mag stalk noon.

Pagkahinto ng sasakyan namin sa tapat ng napakalaking gate ay kusang bumukas ito na walang nag ooperate na mga guards. Malamang hi-tech din itong gate na to.

" DGS main head quarters " biglang sabi ni bakla na nasa tabi ko kaya agad akong napatingin sakanya

" Huh? " takhang tanong ko dahil di ko alam ang pinagsasabi niya

" Nagtatakha ka kung nasaan tayo diba? Nandito tayo sa main hq ng DGS Mafia, simula sa may nakapaskil na Village hell na nadaanan natin kanina ay pagmamay ari na ni fafa grey yun. Once na nakalagpas ka don, nasa teritoryo kana niya." agad naman akong napatango tango sa sinabi niya.

" Yeaaah he so rich talaga and handsome pa. Kaya your so swerte talaga gurl dahil naging husband mo siya. Kaya wag na wag mo na siyang pakakawalan huh?  " sabi ni conyo, napangiti nalang ako bago tumango.

Naman! sino bang matino ang may pag iisip na lokohin at iwan ang tulad ni grey? Isa ka ng malaking tanga kapag ginawa mo yun. Parang nanalo kana sa lotto ng sampung beses kapag naging asawa mo si grey.

Pero srsly pagmamay ari lahat to ni grey simula sa magubat na daan? So eto na yung hq ni grey? eto na talaga yun? really? Mygosh! ang lawak naman ng hq niya! parang limang village ang lawak ng kabubuan ng hq niya eh kung pagsasamahin pa ang mga dinaanan naming mga kagubatan kanina.

Di man lang niya ako ininform na may gantong kalawak na lupain siya. Pwede na siyang mag patayo ng mga subdivision para sa mahihirap, pero kung gusto niyang magpaka bayani, maaari din siyang mag patayo ng schools, hospitals, public markets at kung ano ano pa para sa mahihirap nating mga kababayan na walang pang tustos sa mga pangangailangan nila.

" Let's go gurl, nag hihintay na si Lord G sa loob at baka lalong magalit satin yun" napatigil ako sa pag iisip ng magsalita si conyo, lahat sila ay nasa labas na ng sasakyan at nakatingin lang saakin habang hinihintay akong lumabas.

" Ay sorry malalim lang ang iniisip ko. He he he tara? " pilit kong tawa sabay aya na sakanila

Pagkalabas namin sa sasakyan ay may nadaanan kaming malawak na field kung saan may mga grupo ng mga kalalakihan ang nag eensayo gamit ang kunai at sword, para silang mga ninja dahil sa nakaitim silang lahat at may mask sa mukha nila. Sa kabilang field naman ay may mga kababaihan na nagsasanay sa pag aarchery.

Ang astig! ang gagaling naman nila, laging bull's eye at walang pumapalya.

" Wow.... " tangi ko lang nasasabi kapag may nakikita akong mga nag t-training ng kung ano anong technique sa pakikipag laban.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon