CHAPTER 16

7.2K 254 24
                                    

TRINITY'S POV

Isang linggo na ang nakakalipas ng may barilan na naganap sa university. At isang linggo na rin akong di nakakapasok kasi may pilay ako sa paa. Nagmamadali kasi akong bumaba dahil mali-late na ako sa school. Di ko na naisip na may elevator pa pala kaya nag hagdan ako. At dahil ang tanga ko nadulas ako kaya nahulog ako mula sa 30 steps ng hagdan, unang natamaan ay yung legs ko. Kaya walang humpay ang pagsesermon saakin ni grey nung time na yun kaya nag iwan siya ng isang private nurse na mag babantay at mag aalaga saakin habang nasa office siya.

* TOK TOK TOK

Napahinto ako sa pagmumuni muni ng may kumatok sa pinto. I'm sure si Nurse Heira yan, dahil kaming dalawa lang naman ang naiwan dito dahil kanina pa umalis si grey.

" Come in " masungit kong sabi sa nurse ko. Di ko kasi feel yung presence niya eh. Binuksan naman niya ito at yumuko muna bago lumapit saakin at ngumiti. Tss ang plastik.

" Ma'am Schylus, you need to take a bath first before we apply the ointments for your scars " tss. Dami pa niyang pinagsasabi, di na lang sabihin na maligo nalang ako. Tumango nalang ako bago pumasok sa bathroom.

Pagtapos kong maligo ay nadatnan kong wala na sa kwarto ko si nurse heira. Saan kaya nagsusuot ang nurse na yun? Bumaba na lang ako sala para manuod sana ng tv nang may narinig akong boses ng babae sa kitchen na sa tingin ko ay kay nurse heira yun kaya dahan dahan akong lumapit sa kusina para di niya ako mapansin.

" Yes sir. I will surely kill his wife. " rinig kong sabi ni nurse heira sa kausap niya sa phone. Bigla naman nanginig ang tuhod ko dahil sa narinig kong yun. Ako kaya ang tinutukoy niya na papatayin? omygosh! kailangan kong makaalis dito at puntahan si grey.

Dahan dahan akong humakbang palayo sa kusina at lumabas para di niya mapansin na may nakikinig sa usapan nila. Pagkalabas ko ay nakita kong naka locked ang gate kaya napahinto ako. Dafuq! anong gagawin ko?! anytime hahanapin na ako ng nurse kong traydor. Luminga linga ako sa paligid at nakita ko ang mini forest sa left side kaya doon ako pumunta.

Simula ng tumira ako dito ay never pa akong nakapunta sa mini forest na ito. Parang ang creepy kasi ng forest na ito eh, feel ko may something na nakatago or nakatira dito.

Habang naglalakad ako dito sa loob ng mini forest ay di ko mapagilang di mamangha. Ang dami kasing nakatanim na mga makukulay na bulaklak at mga puno na maraming bunga. Para ka talagang nasa kagubatan. Maya maya lang ay may narinig akong lagaspas sa may bandang damuhan sa likuran ko. Kay mas binilisan ko pa ang paglalakad.

* GRRR!

Omygosh! a-ano yun? dahan dahan naman akong pumihit paharap at nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Color yellow and black ang katawan niya at green naman ang mata niya. Mahahaba at makapal ang balahibo niya at matutulis ang dalawang pangil niya at mas malaki pa siya sa isang ordinaryong aso.

What the?! L-lion?! Bakit may lion dito?! Don't tell me ito yung sinasabi saakin ni grey na si Lionel, ang favorite pet niya?

Dahan dahan siyang lumalapit saakin, para naman akong naestatwa at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. No way! katapusan ko na ba? mas gugustuhin ko na lang na mamatay sa putok ng baril kaysa gawing pananghalian ng lion na ito.

" N-no please? stop! wag kang lalapit! " nangangatog kong sabi sa lion na palapit ng palapit saakin.

* RAWR! RAWR!

" Waaaah! greeeeeey help! huhuhuhu nasaan kana ba?! " sigaw ko habang umiiyak. Nakapikit lang ako ng mariin habang yung mga luha ko ay tuloy parin sa pagpatak.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now