CHAPTER 8

7.6K 212 6
                                    

TRINITY'S POV

" Trinity gurl! I mish you neh! " salubong saakin ni chricia sabay hug. Monday na kasi kaya pumasok na ako ngayon sa university dahil sabi ni mr panot time out daw muna ako sa pag stalk. Mabuti naman dahil di parin ako makapag move on sa kissing ehem scene namin ni grey. Maisip ko palang yun, parang gusto ko ng tumili tili at pagsasampalin tong dalawang bestfriend ko sa kilig.

" Ako naman ang hu-hug kay trinity gurl, kaya layas! " sulpot ni russy sabay tulak kay chricia para siya naman ang yumakap saakin, napailing na lang ako sa mga inaasta nila.

" Bakla ka! bat ngayon ka lang pumasok? " nakapamewang na sermon saakin ni russy, nginitian ko lang siya ng pilit dahil di ko alam ang sasabihing magandang palusot sakanya. Siya pa naman yung tipong malakas ang pakiramdam kung nagsisinungaling ba ang isang tao o hindi, kaya kailangan eksperto ka sa pagsisinungaling kung ayaw mong mabuko.

" May bagong work na kasi ako eh kaya ganun, saka naging busy ako this week dahil kailangan kong mag overtime para di agad ako matanggal, mahirap pa naman maghanap ng trabaho sa panahon ngayon" " sabi ko sabay hila sakanila sa classroom namin.

" Tara na guys pasok na tayo, namiss ko na rin ang mga hinayupak na classmates natin eh lalo na si Ma'am Duling. hehehe! " pag iiba ko ng usapan, mahirap na at baka kilatisin pa ako ng baklang to.

Lunch break na kaya nandito kaming tatlong magkakaibigan sa cafeteria, kanina ko pa di nakikita si chans, pumasok kaya yung weirdong yun?
" Ahm guys, hindi ba pumasok si chans? Kanina ko pa siya di nakikita eh " tanong ko sa dalawa habang nag aaway dahil lang sa pizza, mga isip bata.

" Yieeeeeh! Miss mo na noh? " kinikilig na sabi ni russy habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko kaya hinampas ko ang kamay niya.

" Di ah? bat ko naman mami-miss yung weirdong yun? " tanong ko, nakakapag taka lang kasi never pa siyang umabsent eh.

" Aww it's hurt, di mo ba ako namiss trinity babe? ako kasi namiss kita eh " biglang sulpot ni chans sa kung saan, sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa pinagsasabi niyang mga kadramahan. Okay lang naman saakin na tinatawag niya akong babe dahil wala namang malisya yun eh, dati pa niya kasing pinagpipilitan na babe ang gusto niyang itawag saakin kaya pumayag na lang ako,masyado siyang mapilit kaya no choice naman ako kundi pumayag na lang.

" Haaaay ewan ko sayo, by the way musta naman ang weekend niyo? " pasimple kong tanong, sabay kagat ng jumbo hotdog. Gusto ko kasing malaman kung nasaan sila ng saturday and sunday. Saturday kasi ginanap ang dinner party sa cruise ship kung saan nakita ko doon si chricia at russy. Gusto kong malaman kung magsasabi ba sila ng totoo or hindi.

" How's my weekend? oh its kinda boring, nagmovie marathon lang kasi ako all time eh " sabi ni conyo girl sabay kagat ng pizza. Oh I see.
Nginitian ko na lang siya sabay baling kay russy.

" Like normal weekend nasa bar lang ako habang kasama ang mga hottie guys " sabi naman ni russy habang ngiting ngiti. Bar? okay. Tumango na lang ako sa sinabi niya sabay baling naman kay chans na hanggang ngayon titig na titig parin saakin, problema ba nito? may time talaga na napapansin kong lagi nakatitig saakin si chans, ang weirdo niya talaga.

" Nothing, it's just a business matter " sabi niya ng seryoso habang nakatitig parin saakin, okay di ko masasabi kung nagsisinungaling ba siya or what, di ko naman siya kasi nakita sa cruise ship eh sabi ko sa utak ko. Ang pinagtataka ko lang kung bakit kailangan magsinungaling ng dalawa kong bestfriend saakin, may tinatago ba sila saakin? Gusto ko silang tanungin about dun pero baka magtaka din sila kung bakit din ako nandoon sa cruise ship at baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Di ko naman sila pwedeng husgahan agad dahil di ko pa nalalaman ang mga dahilan at opinyon nila kaya sa ngayon ay mananahimik at magmamasid muna ako.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now