CHAPTER 34

8K 224 141
                                    

Finally after few months ay nakapag ud na ulit akes. Sorry mga bes kung ngayon nalang ulit ako nakapag update. Naging busy kasi ako this past few months.

So yun I hope magustuhan niyo tong chapter na ito. Enjoy!

---------------

TRINITY'S POV

Palabas na sana kami sa hospital nang makasalubong namin ni grey si Tito Kennedy.

" Glad to see you here trinity. " masayang sabi niya tumango nalang ako bilang tugon sakanya

" So pwede ko ba munang mahiram saglit ang asawa mo? " tango nalang ulit ang sinagot ko bago humarap kay grey.

" Sige gora lang, hihintayin nalang kita sa may loob ng sasakyan " sabi ko sabay bitiw sa kamay niya.

Nadisappoint ako dahil akala ko yayakapin or iki-kiss niya muna ako bago umalis. Kahit kelan talaga walang kasweetan sa katawan yung damuhong yun. Nakasimangot tuloy ako habang papunta sa sasakyan.

Pero agad din nawala ang pagsimangot ko ng makita ko ang isang babae na nakasandal sa tapat ng sasakyan namin na tila'y may hinihintay. Nang makita niya ako ay bigla siyang tumuwid ng tayo. Walang mababakas na kahit anong emosyon sakanyang makinis at magandang mukha.

Anong ginagawa niya dito? Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad patungo sa kinaroroonan niya.

" Can we talk? " malamig niyang sabi saakin, akmang sasagot na sana ako ng bigla niya akong hinatak sa may kotse niya na katabi lang sa nakapark naming sasakyan.

KENNEDY'S POV

Kaming dalawa lang ni grey dito sa loob ng sasakyan ko. Dito ko kasi siya dinala para sabihin sakanya ang mga nalaman ko about sa asawa niya.

" Trinity is my daughter. " wala ng paligoy ligoy pa at dineretso ko na ang nais kong sabihin.

As usual wala paring reaksyon o emosyon ang mukha niya. Parang expected na niyang ibabalita ko yun sakanya.

" Yeah I know. " walang emosyon niyang sagot.

" How? When? Where? " sunod sunod kong tanong dahil buong akala ko di pa niya ito alam.

" Since we get married of ashwell. " parang balewala niyang sabi.

Ano?! Ibig sabihin matagal na niyang alam? Bat hindi man lang niya ito sinabi saakin? Kaya niya ba pinakasalan si trinity dahil alam niyang iyon ang nawawala kong anak?

" Why you didn't tell this to me? " naguguluhan kong tanong habang nag aantay ng sagot niya.

" Because I want you to discover it by yourself " napabuga nalang ako sa kawalan.

He's definitely same attitude like his father. Ganun din ang ugali ng ama niya ng ito'y nabubuhay pa. Pareho silang di mahilig mangielam sa ibang problema kahit alam nila ang kasagutan.

Naiinis ako sa sarili dahil mas nauna pa itong malaman ni grey kesa saakin na tunay na ama ni trinity. Bilib na talaga ako angking katalinuhan ng aking inaanak. I think mas higit pa siya sa kanyang ama. Kaya walang problema sakin na siya ang naging asawa ni trinity kahit na by contract marriage lang iyon.

" So what's your plan? Are you ready to tell her the truth? " tanong niya kaya agad akong tumango tango.

Oo naman! Ngayon din ay sasabihin ko na sakanya ang totoo. Na ako ang totoong ama niya. Wala na akong oras na sasayangin, sabik na akong mayakap ang aking nag iisang anak.

" So what are you waiting for? Let's go " sabi niya kaya agad kaming nagtungo sa sasakyan nila trinity.

Pagdating namin sa parking lot kung saan nandoon nakapark ang kotse nila trinity nang madatnan naming walang katao tao sa loob or labas nito.

" Where's trinity? Where's my daughter? " tanong ko habang palinga-linga sa kapaligiran.

Habang ako ay di mapakali kakahanap sa anak ko, samantalang si grey ay busy sakanyang cellphone.

" Grey what the fvck are you doing? Nawawala na nga ang anak ko pero pachill-chill kalang diyan " panenermon ko sakanya pero ngumisi lang siya sakin.

" Chill dad, don't worry I already know where is she " nagulat ako hindi dahil alam na niya kung nasaan ang anak ko, bagkus nagulat ako sa pagtawag niya saakin ng 'dad ' first time lang kasi niya akong tawaging ganon.

" That's good puntahan na natin siya " sabi ko sabay pasok sa sasakyan niya. Sumunod narin siya at umupo na sa driver's seat.

TRINITY'S POV

Tahimik lang siya na nakatanaw sa mga tanawin sa ibaba. Di ko alam kung nasaan kami. Dito nalang niya ako basta dinala.

" A-ano po ba ang dapat nating pag usapan? " nauutal kong tanong sakanya, di ko alam kung bakit pero natatakot ako kapag tumititig siya sakin ng malamig.

" Come with me baby gurl. " walang emosyon niyang sabi kaya agad akong lumapit sakanya.

Paglapit ko sakanya ay nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako ng napakahigpit. Sandali akong naestatwa sa kinatatayuan ko pero di naglaon ay ginantihan ko rin siya ng yakap.

Di ko maintindihan ang sarili ko pero nakaramdam ako ng kakaiba sa yakap niya. Parang ang gaan gaan sa pakiramdam nung yakap niya. Na tila hinahaplos nito ang puso ko.

" I miss you baby gurl. " naluluha niyang sabi, kahit naguguluhan ako sa sinabi niya ay mas pinili ko nalang na manahimik.

" Miss kana ni mommy, baby gurl " at tuluyan na ngang tumulo ang luha niya sa balikat ko.

Anong ibig niyang sabihin? Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari.

" T-teka ano ba yung pingsasabi mo? Di kita maintindihan " sabi ko sabay kalas sa pagkakayakap niya saakin.

Hinawakan niya ako sa dalawa kong kamay ng napakahigpit at tinignan niya ako sa mga mata ko ng malumanay. Parang nawala na ang malamig na titig niya sakin at nagkaroon narin ng emosyon ang kanyang mukha.

" Listen to me carefully. I'm your............... mother " parang biglang huminto ang ikot ng mundo ko dahil sa sinabi niya.

W-what? Siya ang aking ina? Di ko alam pero nung sinabi niya yun ay nagdiwang ang kaloob-looban ko.

" M-mom? Ikaw ba talaga ang nanay ko? " paninigurado ko dahil mahirap umasa sa walang kasiguraduhang bagay.

" Yes baby gurl. I'm your biological mother " pagcoconfirm niya kaya dun na ako naiyak ng bongga.

Sa wakas nakilala ko narin ang totoo kong ina. Sa tagal kong pangungulila sakanya ay di ko aakalain na ang babaeng naka black outfit na nagligtas sakin noon sa isang building at nagligtas rin sakin sa party na dinaluhan ko ay ang aking ina na si Ms. Eliziadricah Evans.

Ngayong nakilala ko na ang aking ina, nais ko namang malaman kung sino ang aking ama. I'm sure naman na kilala niya kung sino ang totoo kong ama diba? Di naman pwedeng wala akong ama dahil di nila ako mabubuo kapag walang sperm ng lalaki.

" If you are my mom, where's my dad? He's alive? Do you know where is he? " bahagya siyang napatigil sa mga tanong ko.

" Yes. He's alive until now, but I don't know where is he. I'm sorry baby gurl pero matagal na akong walang communication sakanya. And about the name of your father, his name is -.. " di na niya napagpatuloy pa ang kanyang sasabihin ng may biglang dumating sa likuran namin.

" Wife! " grey

" Trinity baby! " tito kennedy

Teka pano naman nila nalaman kung nasaan kami? Akmang lalapit sana sila saamin ng biglang napahinto sa paglalakad si tito kennedy at bakas din sa mukha niya ang pagkagulat ng humarap saamin si tita eliziadricah- I mean si mommy.

" E-eliz? " di niya makapaniwalang tanong.

Pero wait? Magkilala si tito kennedy at ang mom ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon