CHAPTER 11

9K 267 18
                                    

TRINITY'S POV

Tanging mga ingay lang ng mga kubyertos ang maririnig sa buong dining room. Mag mula ng umalis si raze at iniwan akong kasama si grey ay wala ng nagsasalita saamin. AWKWARD yan ang nararamdaman ko ngayon, kaya napag pasyahan kong tumayo na lang at iwan si grey.

" Where are you going? " walang emosyon na tanong ni grey habang nakatingin sa pagkain niya. Ako ba kausap niya? takhang tanong ko sa sarili. Ay hindi, yung plato ang kausap niya! pambara naman na sabi ng kabilang utak ko.

" Ah diyan lang sa tabi tabi, pake mo? " bigla kong nasabi kaya agad akong napatakip sa bibig ko ng wala sa oras. Napakunot naman ang noo niya at tinignan ako ng masama.

" What did you fvcking say? " seryosong sabi niya, napalunok naman ako ng mariin dahil sa sama ng tingin niya saakin.

" A-ng sabi ko po t-tapos na po akong k-kumain sir, he he he " nauutal kong sabi sabay kamot sa batok.

" Sit and finish your food " sabi niya kaya wala pang 0.5 secs ng umupo ako sa pwesto ko kanina.

" Staring is rude. " bigla niyang sabi kaya napaiwas ako ang tingin sakanya at sabay kain. Argh! nakakahiya nakatulala pala ako sakanya baka isipin niya pinag papantasyahan ko siya! sabi ko sa utak. Bakit hindi nga ba? kontra naman ng kabilang utak ko sabay iling.

Malapit ko ng maubos ang kinakain ko ng bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng dinning room.

" Follow me in my office when you're done. " walang lingon niyang sabi sabay tuluyan ng lumabas sa dinning room.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng tuluyan na siyang umalis, kaya di ko na pinalagpas ang pagkakataon at agad ko ng nilamutak ang gusto kong mga pagkain na dessert na nakahain sa lamesa nagkanda ubo ubo pa ako sa pagsubo ng my favorite jumbo hotdog with cheese. Kanina kasi di ko magawa na kumain ng marami dahil nasa harap ko lang si grey at baka kung ano pa ang isipin niya saakin. Pagkatapos kong kumain ay agad ko namang niligpit at hinugasan ang pinag kainan ko, syempre may hiya pa naman ako kahit papaano.

" Ay jusmiyo ka neng! ako na diyan at baka magalit si grey sa akin kapag makita ka riyan " muntik ko ng mabitawan ang platong sinasabon ko ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

" Ay nako po nay rosa, ayos lang po saakin, nakakahiya naman po sainyo kayo na nga po nagluto eh " magalang kong bati sakanya.

" Hindi na, ako na diyan at pumunta ka na sa office room ni grey, malamang kanina ka pa nun hinihintay, mainipin pa naman ang batang yun. " bigla ko namang naalala na pinapapunta pala ako ni grey sa office room niya, nakaramdam naman ako ng kaba sa sinabi ni nay rosa, malamang kanina pa yun naiinip kakahintay saakin.

" Ah sige po mauuna na po ako nay rosa " sabi ko sabay hakbang palabas sa dining room.

" Alam mo ba kung saan ang office niya? " bigla naman akong napahinto sa sinabi niyang yun at agad umiling. Di ko pa pala alam.

" Ay nako ikaw talagang bata ka, nasa 4th floor ang office niya, left side sa pinakadulong room. " sabi niya habang abala sa paghuhugas ng pinggan.
Agad naman akong pumunta sa elevator at pinindot ang 4th floor kung saan nandoon ang office ni Mr. Grey HOTSchylus.

* Ting!

Bumukas na ang elevator kaya pumunta na ako sa office ni grey. Kakatok palang sana ako ng may nagsalita sa parang mini speaker sa gilid ng pinto ng office ni grey.

" Come in " rinig ko mula doon sa mini speaker na kaharap ko. Kaya di na ako nag atubili na kumatok pa at pumasok na agad sa office room niya.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now