CHAPTER 26

7.3K 190 1
                                    

A/N: Hi guys! Sorry if ngayon lang ulit ako naka ud. Promise babawi nalang ako ;)

I hope mag enjoy kayo, labyuuu!

---------------

2 days after..

RUSTY'S POV

After namin isugod si trinity gurl sa hospital dahil sa mga sugat na natamo niya ay hanggang ngayon ay di parin siya nagigising. Nandito kami sa university ngayon ni conyo at naghihintay ng update kung gising na ba si trinity.

Di nakapunta si chans dahil nasa isang mission siya sa britain at next week pa ang uwi niya. Batid narin niya ang nagyari kay trinity at gustong gusto na daw niyang dalawin si trinity pero wala siyang magawa kundi ang tapusin nalang ang mission niya doon para makauwi na agad.

" Haaaay! I really miss trinity gurl na. " nakahalumbaba na sabi ni conyo habang kumakain ng pizza, andito kasi kami ngayon sa cafeteria.

" Same us. Kailan kaya siya magigising? " sabi ko naman sabay higop ng starbucks mocca cafe ko.

Nag aalala rin ako kay fafa grey dahil dalawang araw na siyang walang tulog kakabantay sa asawa niya kung kailan ito gigising.

Nagtrending naman sa social media ang nangyari sa building ng black demonish mafia. Naaalala ko nanaman yung eksena ng gabing iyon bago namin pinasabugan ang building ng BDM.

* START OF FLASHBACK

After sabihin at ipaliwanag saamin ni fafa grey ang plano niya kung paano maililigtas si trinity ay agad na kaming kumilos. Lahat kami ay nagbihis ng kanya kanyang attire para makapasok sa building ng Back Demonish Mafia.

Ang building na ito ay pinaka malaking pagawaan ng drugs sa buong asia. Kaya kailangan talaga namin mag ingat dahil kampo ng kalaban ang susugurin namin.

Nakabihis ako ng pang laboratory attire at wig then malaking eye glass na pang nerd na kunwari ay kasama ako sa mga gumagawa ng mga illegal drugs.

Naka janitress attire naman si conyo at naka suot din ng wig habang may hawak ng mop, gusto ko sanang matawa sa nakabusangot niyang mukha dahil ayaw niyang suotin ang attire niya na pang cheap daw.

" Ewww! never in my whole life na makakasuot ako ng gantong ka cheap na damit at makahawak ng nakakadiring mop na ito. " pagrereklamo niya habang nakabusangot ang mukha.

" Arte ah? cheap din naman yang mukha mo eh kaya masanay kana " pang aasar ko kaya mas lalo siyang sumimangot.

Mabuti nalang at di kami naririnig ni fafa grey dahil busy siya sa pagsuot ng pang office attire at wig saka nagsuot din siya ng shades kaya di siya masyadong mamumukhaan, depende nalang kung tititigan mo ito ng maigi. May hawak din siya ng black attache case na may lamang iba't ibang klase ng matataas na uri ng baril at ibang bomba.

Si drake at butler jin naman ay naka guard attire pati na rin ang ibang MIB's. Pinatulog na nila ang mga naka assigned dapat na guard ngayon at sila ang papalit. Si kevin naman ay nasa cctv's room kasama ang ibang secret agent. Sila ang mamamahala at mag cocontrol ng buong cctv para di kami mahuli sa paglalagay ng mga bomba sa buong building.

Nagkalat ang lahat ng mga MIB's upang maglagay ng mga bomba sa kabubuan ng building na ito. At lahat din sila ay naka disguise for their safety. 100 bomba ang dala namin, ito yung natirang bomba na ginawa ni drake nung time na pumunta kami sa DGS Cruise ship nung nakaraang buwan pa.

Pagpasok namin ay nagkanya kanya na kami ng destinayon. Di kami nagpapahalata at kalmadong lang kami kung kumilos para walang makahalata. Magkasama kami ni conyo papunta sa 4th floor para doon mag tanim ng bomba. Si fafa grey naman ay mag isang dumiretso sa rooftop para iligtas si pinakamamahal niyang si trinity gurl.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt