[4]

3K 102 3
                                    

Dedicated to bhaby_niknacks

***

Chapter four: Unusual feeling
"Somehow we feel something different. Something confusing, yet addictive."

***

        I stopped from running, panting and fighting for air. Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno habang hawak hawak ang aking dibdib, medyo madilim na rin kaya sigurado akong mahihirapan na silang hanapin ako.

My only hope for now is Rin, sana lang ay nakarating na siya sa kanilang bahay upang humingi ng tulong. Mas napatigil ako ng makarinig ng ilang kaluskos malapit sa kinatatayuan ko.

"akala mo ba matataguan mo ako, magandang binibini?"

Pigil hininga akong nakahawak sa aking bestida ng madako ang aking tingin sa mahaba kong buhok. Nakalabas ito at alam kong kitang kita ito ng lalaki kaya niya nalaman kung nasaan ako. Sumilip ako sa puno at nakita siyang nakatayo di kalayuan sa akin.

"sabi ko na sayo di ka makakatakas" dahan dahan siyang naglakad at napaatras naman ako dahilan para matapakan ko ang isang malaking sanga at matumba.

"aaahh!" i shouted ng tapakan niya ang aking paa. Malakas niyang tawa ang dumagundong naman sa tahimik na gubat. Sinubukan ko namang agawin ang aking paa ngunit mas diniinan niy ang pagtapak dito.

"aaah! S-stop" pagmamakaawa ko, dahan dahan namang tumulo ang aking luha ng hawakan niya ang aking pisngi.

Shin...

Sinubukan kong magpumiglas ng bumaba ang kaniyang kamay, nanginginig na ang aking kalamnan pero buong lakas ko siyang tinuhod at sinubukang tumayo. Akmang tatakbo, nahawakan niya agad ang aking paa dahilan para madapa ako.

Shin...

I stiffened ng humugot siya ng kutsilyo mula sa kaniyang likod. Kitang kita ang tulis nito dahil sa liwanag ng buwan.

Shin... H-help...

"mas maganda siguro to para di ka makapalag" itinaas niya ang kutsilyo at akmang isaksak ito sa aking tagiliran.

"SHINNNNNN!/BANG!" nanlaki ang aking mata habang nakatingin sa katawang nakahandusay sa aking tabi.

"s-sora!" sinubukan ko namang tumayo ng makita ang bulto ni Shin. I cried harder when he pulled me into a hug. I was so afraid... So afraid i thought i'm gonna die. Umiyak ako sa kaniyang dibdib habang yakap yakap niya ako.

Ilang minuto ng lumipas, binuhat niya ako at hindi na nagsalita pa, sinakay niya ako sa kaniyang sasakyan at tahimik na nagmaneho. The atmosphere is killing me. He seems colder than before.

Pagkarating sa kanila ay walang salitang umakyat siya habang buhat buhat ako, idinala niya ako sa aking kwarto at sinuri ang aking namamagang paa.

"d~amn!" he cursed before he stormed out of the room leaving me alone. Humiga na lang muna ako nang hindi na siya bumalik pa, bahagya namang bumukas ang pinto at sumilip ang maliit na mukha ni Rin.

"ate..." mahina nitong tawag bago pumasok ng aking kwarto "sorry... Kung di dahil sa akin di ka magkakaganyan" malungkot nitong sabi

"don't be... I was happy... I am happy i experienced being a real child" i smiled at her

Gumanti naman siya ng ngiti kaya medyo gumaan ang loob ko, maya maya rin ay may dumating namang babae at ginamot ang aking paa. Nilagyan niya ito ng benda at may pinainom na gamot sa akin.

"Good night ate sora!" masigla niyang paalam at lumabas na ng kwarto kasabay nung nurse.

Alone again...

Ilang oras pa akong nanatili sa aking kwarto at nung hindi na talaga ako makatulog ay naisip ko munang lumabas. Dineretso ko hanggang dulo ng hallway kung saan makikita ang isang malaking veranda, only dim lights guided my way. Humawak ako sa railings upang ilagay dito ang pressure at mabawasan ang sakit sa aking paa.

In the woods... It was the first time that i cried in my entire life. I was happy at first and i'd never thought that something like that could happen next.

Tumigil ako sa pagtingin sa mga bituin ng may mga brasong pumulupot sa aking bewang. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat dahilan para ako'y kabahan. My heart is beating so fast and i wonder why i have this unusual feeling.

"S-shin..." tawag ko sa kaniya ngunit hindi na siya sumagot pa at nanatili lang nakayakap sa aking likod.

"i was so afraid" basag niya sa namamayaning katahimikan "i was so afraid i thought i am too late. I can't lose you sora... I can't"

Natulala lang ako sa mga sinabi niya, mabuti na lang at hindi maliwanag dito dahil ramdam ko ang pag init ng aking pisngi. Sinubukan kong lumingon ngunit mas hinigpitan niya ang hawak sa akin.

We stayed in that position for too long hanggang sa bitawan niya na ako at umalis na lang bigla. Minsan talaga hindi ko rin siya maintindihan. Pagkatapos niyang sabihin ang mga yun ay bigla na lang siyang aalis.

Woldart pov

Nakadungaw lang ako sa aking malaking glass window ng aking opisina ng biglang pumasok si Hanz.

"kamusta ang aking principessa?" seryoso kong tanong nang hindi siya nililingon

" Nakatakas siya. Patay rin si Tyler" sagot naman nito sa akin dahilan para mapangisi ako. Someone is keeping my daughter safe...

"let's just let her play my game first." nilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking likod at hinarap si Hanz.

"Just stick with the plan, Redfield"

Someone Pov

I need her... She's mine... The Golden fairy is only mine.

Tumayo ako mula sa aking kama at kinuha ang wine glass sa bedside table. I sipped a small amount of sherry when my phone rang.

"yeah?" sagot ko sa kabilang tawag

"Gagawin ko pa ba?" sabi niya sa kabilang linya.

"yes jack... Let's start the mind game for my little bride" I smirked. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya kaya lihim naman akong napangisi.

Nagpunta ako sa veranda ng aking kwarto at dumungaw rito para makita ang malawak na dagat at ang malaking yate rito. The GReat Queen... Sayo magtatapos ang lahat, konting panahon na lang sa akin rin ang bagsak mo.

******

The Mafia And The Golden Fairy IWhere stories live. Discover now