[5.1]

3K 84 2
                                    


Dedicated to CAthieKiddo. Since siya ang dahilan kung bakit ako nag update ngayon. It was actually a deal



Mag uupdate ako then maguupdate din siya.


So readers... paumanhin sa matagal na update!

*********

Basil pov

"nakatingin ka na naman sa gwapo kong mukha" ngiti ko kay thyme na nakasabungot ang mukha


"self conceited much?! Mahiya ka nga! Katakawan mo!" singhal niya sabay hagis sa akin nung flower vase sa mesa



"oops! Muntikan na ako dun ah!" binato ko siya ng chips na kinakain ko na mas lalo namang nagpalukot sa nakasimangot niyang mukha. Hahaha wala talagang tatalo sa menopause na babaeng to.



"basil! Penge naman! Nagsolo ka na naman ng chips tapos di mo ko binibigyan!" agaw niya nung tsitsirya sa akin pero agad ko itong tinago sa aking likuran.


"bumili ka! Bente sais lang sa shopwise hahaha"



"kaya maraming namamatay dahil sa kadamutan mo Bas!"


"Pogi kasi ako Fritz!"



"manahimik nga kayo! Ang iingay niyo nakakarindi!" singit naman nung masungit na babae




i'm bulletproof, nothing to lose far away far away (Boss calling)



Mabilis kong sinagot ang tawag ng makita kung sino ang caller..

"track us. We need back up" matigas na sabi ni boss bago putulin ang linya

"thyme! Track Boss! Fritz call hiro! They need back up" mabilis kong utos sa kanila bago ko kunin ang aking sniper sa cabinet.

"Glaydore Road... 60 kilometers!" sigaw ni thyme at kinuha ang kaniyang kambal katana na nakasabit lang sa aming private room.

Mabilis akong sumakay sa aking Ferarri car. Si thyme naman ay sa kaniyang big bike samantalang si Fritz naman na dala dala ang kaniyang mga explosive ammunition ay sumakay rin ng motorbike. Siguradong susunod naang si Hiro dun.

"bluetooth on" sabay sabay naming sabi bago simulang ipaharurot ang kaniya kaniyang kotse.

"back up on the road boss!" ngisi ni Fritz


Sora pov



I already calculated everything. Our distance, time and even our chance of surviving. Tumawag ako kay chief pagkababa pa lang ni Shin ng kotse. Alam kong hindi siya sasaktan ng mga kalaban hanggat wala siyang ginagawang masama, at isa pa alam kong ako lang naman talaga ang pakay nila. Muli akong sumilip sa side mirror upang tignan sila mula sa kinauupuan ko, isa isa ng bumaba ang mga tauhan nito sa kotse dala dala ang iba't ibang klase ng baril at armas. No doubt this is from the Royal mafia, lagi silang handa sa ano mang laban.

The Mafia And The Golden Fairy IWhere stories live. Discover now