The tragedy of losing love

3.8K 84 5
                                    

Last chapter na po ito...
Nakakasad naman...

Chapter 16: The tragedy of losing love

***

Hindi ako kumibo. Hinayaan kong lamunin ako ng katahimikang namamayani sa maliit na kwarto, pero hindi... Nilalamon ako ng dilim, ng galit na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ako handa sa bagay na ito dahil hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Naging bulag ako sa posibilidad.




Idinilat ko ang aking mga mata at naaninag ang malabong pigura ng lalaki na nakaluhod sa aking ulunan. Ipinikit ko muli ang aking mga mata at idinilat iyon. Nanghihina akong umupo at tinitigan siya.




"We need to leave. They're coming for you." mahina niyang sabi. Tumango ako at tumayo si Stanley para pumunta sa bedside table, nagtataka ko siyang tinignan habang hinahalungkat niya ang cabinet.




Ibinuka ko ang aking bibig para sana tanungin siya ngunit hindi ko mahanap ang aking boses para magsalita. Bumuka sara ang aking bibig na parang isda, but the attempt always fail.




Mula roon ay naglabas siya ng mahabang kulay silver na gunting. Kitang kita ang talim nito mula sa liwanag sa bintana kaya kusa akong napalunok. Mula naman sa matalim na bagay na iyon ay nabaling sa akin ang tingin ni Stanley, di ako makagalaw. Nanghihina ako sa posible niyang gawin.


"a-anong gagawin... mo?" mahina at nanginginig kong tanong. Bahagya siyang lumapit at lumebel sa akin bago ngumiti ng tipod.





"I'm here to help, Solemn."

***

Basil pov

Matapos marinig ang pagsabog ay mabilis na tumayo si boss at si Mr. Woldart, pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglaang paglabas ng baril ng dalawa niyang tauhan at itinutok ito sa kaniya. Kahit nasa bingit ng kamatayan ay hindi nagbago ang hitsura ni Mr. Woldart,nanatili itong neutral... Ngayon alam ko na kung bakit siya kinakatakutan, dahil hindi siya takot mamatay. Hindi niya pinapakita ang kaniyang emosyon.




Nanatili kami sa ganoong sitwasyon, nakatutok sa kaniya ang baril na dalawa, nakatutok sa isa ang baril ni boss at sa isa naman ay ang baril ko ang nakatutok. We are even... At hindi ko akalaing ipagtatanggol ni boss ang leader ng royal mafia.



"Traitors..." ngisi ni Mr. Woldart. "you know what happens to traitors. You know what I am capable of."



"orders." matigas na sabi nung isa.



"ah of course! You wouldn't do this without orders, you wouldn't act on your own since your souls are sold." kita ko ang pagkuyom ng kamao ng isa, masama ito kapag nagpatuloy siya sa pagsasalita maaaring bumaril ang dalawa. "my!my! You are a puppet... Being controlled and moved by a string. But who's pulling the strings? May I ask whom are you taking orders from?"



Naguguluhan ako... Sino ba talaga ang kalaban?



"you don't need to answer. It's the SMO, of course." ngisi ni Mr. Woldart at bago pa man ako makagalaw ay nakita ko na lang ang mabilis niyang paghugot ng dagger. Ang pagbaril ni boss, ang pagsalampak ng dalawang tauhan at bago iyon ay ang pagtama ng isang pang bala mula sa bintana sa tagiliran ni Mr. Woldart.



Mabilis akong lumingon sa bintana at binaril ang papalayong lalaki, bumagsak ito sa damuhan ngunit binaril ko ulit siya para lang makasiguro.



"save my daughter, sumiyoshi. Save her." giit ni Mr. Woldart at mariing tumango naman si boss.



"I will... Sir." tumakbo ako at binuksan ang pintuan ngunit bago pa man makalabas ay hinawakan ako ni boss sa balikat upang pigilin.



The Mafia And The Golden Fairy IWhere stories live. Discover now