[5]

3.2K 99 2
                                    

Dedicated to chamaecapanang :)

Chapter 5: Mind game

I am too shocked to realize that i am back in this small room. In this small prisoner that is full of books. Nilibot ko ito ng tingin. Nagbalik na naman ako sa aking mataas na tore. Tumakbo ako sa pintuan ng nakita itong nakabukas, ngunit bago pa ako makaabot ay malakas itong sumara.

Sumigaw ako para humingi ng tulong pero tila ba walang tao at nakakarinig sa akin. Tired and breathless. Wala akong nagawa kundi mapaupo sa sahig nang may lumusot na gunting mula sa ilalim ng pinto. Kulay silver ito at malayang kumikinang sa liwanag ng buwan. Maingat ko itong sinuri at nabasa ang mga katagang ngayon ko lang ata nakita.

Sanc... GQ

*tok tok

Napabalikwas ako ng bangon ng malakas na kumalabog ang aking pinto. Lalamya lamya kong binuksan ito at sumilip para makita ang nakapamulsang si Shin na nakasuot na black pants at black tshirt. Tumaas ang isa nitong kilay ng makita ang itsura kong gulo gulo pa ang buhok.

"what?" i retorted

"i thought we're going somewhere?" seryoso niyang tanong at agad naman nag flashback sa akin nung nangyari nung isang araw.

"i really wanted to go to a mall" parinig ko kay shin na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimot sa nangyari nung tumakas kami ni Rin.

"Shin!" tawag ko sa pangalan niya ng hindi niya man lang ako pinansin.

Nakaupo lang ako sa sahig sa labas ng kaniyang kwarto. I was dying of boredom and i can't take it anymore. Gusto ko ng bago. I am curious!

"no." matigas niyang sabi habang nakatayo sa tapat ng kaniyang pintuan.

Humiga ako sa sahig. Nagpagulong gulong ng sabihin niyang 'no' sa ika dalawampung pagkakataon.

"hey! What are you doin?!" inis niyang singhal kaya napatigil ako at walang emosyon siyang tinignan

"i wanna go out!"

"tch. Fine"

"yes! Haha" napatigil ako sa pagtatalon ng bigla uli siyang humarap sa akin

"you're not going anywhere-"

"huh?! Kala-"

"without me"

"wait!" mabilis kong sinara ang pinto at tumakbo papunta sa cr. Binilisan ko lang ang aking pagligo dahil baka mainip si Shin at magbago pa ang isip.

Masyado kasi akong naexcite kahapon at hindi agad nakatulog kagabi kakaisip kung ano ang itsura ng isang mall. Sabi nila marami raw ditong tinda ang bilihan ng mga gamit. Naturally, i have my sponsor on everything especially on my victorian dresses.

The Mafia And The Golden Fairy IWhere stories live. Discover now