[10]

2.4K 62 1
                                    

Chapter 10: the day before doom

***

29 missed calls.
76 texts.




Pagkasakay pa lang ng kotse ni Shin ay ang cellphone ko agad ang una kong tinignan. Hindi ko alam na sinubukan pala akong kontakin ni Hiro at base sa dami nun ay sigurado ako... Hindi maganda ang ibig sabihin nito.


Sinubukan kong tawagan ang aking kambal habang inaayos ni Shin mga dala naming bag sa likod. Ngayon ay suot ko na ulit ay violet victorian dress kaya natakpan na ulit ang suot kong kwintas. Wala pang tatlong ring ay sinagot naman agad ni Hiro ang tawag.


"sora! Thank God nakausap rin kita!" bigla akong kinabahan. Hindi nga maganda ng ibig sabihin nito...  "pauwi ka na ba? Ayos ka lang ba? Solemn Raina sumagot ka naman!"


I rolled my eyes in annoyance. Sinandal ko muna ang aking ulo at pasimpleng sinulyapan si Shin sa rearview mirror na mukhang hinihintay rin ang pagsasalita ko. He is listening...

"paano ako magsasalita kung di ka pa tapos? Don't worry. I'm fine..." mahina kong sabi at rinig ko ang buntong hininga niya mula sa kabilang linya. "i will be..." bulong ko sa sarili.

"what?"

"nothing. Ibababa ko na... See you." paalam ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya.

Bukas na ang kaarawan namin at hindi ko alam kung handa na nga rin ba ako bukas... Kung kaya ko ng harapin ang lahat... Kung kaya ko ng tanggapin ang katotohanan.


"what's wrong?" sulpot ni Shin sa gilid ko.


"wala..bakit?"


"you're frowning." kunot noong tanong niya na ikinatawa ko naman.


"no. You're frowning." turo ko sa noo niya at ngumiti naman siya pabalik.


"boss! Sibat na kami!" singit naman ni Basil na pasakay pa lang ng kotse nila, tumango naman si Shin sa kanila. "bye!"


Napatingin naman ako kay Thyme na mukhang kanina pa rin nakatingin sa akin. Nagtataka ko siyang tinitigan at agad iyon napalitan ng blankong ekspresyon. Alam kaya niya? Is she being suspicious or something?

Dapat sabihin ko na ang lahat kay Shin ngayon. He would understand... He will.

"shin." tawag ko sa kaniya na kakaupo lang sa driver's seat. Lumingon naman siya sa akin ng nakangiti. Binuksan ko naman ang aking bibig para magsalita ng biglang may itim ng kotse ang huminto sa harap namin.


Mabilis na bumaba si Fritz sa kotse at tinutukan ng baril ang bagong dating, kahit si Shin ay pasimpleng kinasa ang kaniyang baril. Pero hindi ako gumalawa. Nanlamig ako sa aking kinauupuan habang nakatingin sa bagong dating.


That black and red ferarri car. It belonged to the loyal butler of the family. Bumukas ang driver's seat nito at agad na umalarma ang aking mga kasama, ngunit nanatili lang akong nakaupo habang hinihintay ang pagbaba niya.


"ah. What a warm welcome you have for me." ngiti niya habang nakaspread ang dalawang kamay.

"chief..."

"chief! What are you doing here!?" gulat na tanong ni Shin na nagbaba na rin ng baril. Lumipat sa direksyon ko ang mata ni chief bago siya ngumiti at nagsalita.

"susunduin ko lang si Sora. Her family needs her" makahulugang sabi ni Chief.

"i thought she's alone?" takang tanong naman ng aking katabi.


The Mafia And The Golden Fairy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon