[14]

2.5K 68 3
                                    

Ano pong masasabi niyo sa mga nangyayari? Maganda ba? Nakakaexcite? Achuchu...

Tulungan niyo sana akong ishare ang story na ito :)))

Chapter 14: a gun for a life

Spoiler alert!!!

Walang poreber kaya babarilin ni sora si shin! Hahaha

***

Hiro pov

"Happy birthday, young woldart." bati sa akin ni chief, ngumiti naman ako at tinapik lang siya sa balikat.

I wanna stay focused and alert lalo na't nandito ang mga phantom. Pilit ko namang iniiwasan ang mga bisita sa tuwing lalapit sila sa akin. Tss. Mga peke. Plastik lang ang mga iyan. Sarap barilin!

Naupo ako sa may bandang gilid kung saan hindi ako kapansin pansin, pero mula rito ay tanaw na tanaw ko pa rin ang aking kambal, at sila mom and dad na may kausap na mga bisita. Alam kong handa si dad sa maaaring mangyari ngayon gabi, at hindi ako papakampante dahil lang sa may plano na siya.

"bakit nakaupo ang celebrant? Diba dapat nasa gitna ka nila. Nakikipagkamayan at nakangiti" rinig kong sambit ng isang babae sa aking gilid. Ang mataray niya palang boses, kilala ko na kung sino iyon. Si thyme.

"hindi ko kailangan ng atensyon nila." sabi ko habang di pa rin inaalis kay sora ang atensyon ko na ngayon ay kaharap na ni Shin.

"sabagay, ang mga traydor ay nasa isang tabi lang. Di na dapat pinagtutuunan pa ng pansin" halata ang inis sa kaniyang boses ngunit hindi ko iyon pinansin at bagkus ay tumayo ako mula sa aking kinatatayuan.

"ano ang ginawa kong masama para sabihing trinaydor ko kayo? Wala diba, iba ang pagtratraydor sa pagsisinungaling. Tandaan mo yan." malamig kong sabi bago siya iwan roon at lumapit sa kinaroroonan ni Sora ng may iabot sa kaniyang box si Shin.

Masama ang kutob ko sa bagay na iyon.

***

Sora pov

Use it. Ano ang ibig niyang sabihin? Mabuti na lang ay nasa bandang gilid kami ng hagdanan at natatakpan ng malaking vase kaya hindi kapansin pansin, pero ano ang ibig niyang sabihin. Use it? Gusto niya bang barilin ko siya?

Di ako kumibo at nanlalamig na iniangat ang aking tingin upang makita ang mukha ni Shin. Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng aking puso at ang sunod sunod kong paglunok. Galit siya... Kung titigan niya ako ay para akong isang mamatay tao, na para akong isang halimaw na dapat patayin.

"anong ibig mong sabihin?" sa wakas... Kahit mahina ay nagawa kong hanapin ang aking boses para magtanong.

Mas sumama ang kaniyang titig. He clenched and unclenched his teeth. Sa likod niya ay si Basil na patuloy na nanunuod sa aming dalawa, mula naman sa peripheral vision ko ay si Hix na papalapit na sa aming direksyon.

"Either you use it, put it in your head and pull the trigger or I'll use it and shoot you myself since you are weak enough to do that" malamig niyang sabi.

Namamawis ang aking palad. He want me dead. He gave me choice, papatayin ko ang sarili ko o siya ang papatay sa akin. I am weak... Spineless... But that doesn't mean I can never pull a trigger.

"you want me to kill myself?" mahina at obvious kong tanong. Hindi siya sumagot at bagkus ay tinitigan lang ako habang dahan dahan kong itinaas ang baril.

Itinutok ko ang baril sa aking dibdib at kita ko kung paano gumuhit ang gulat sa kaniyang mukha at kung paano ito agad na napalitan ng galit.

"I can pull a trigger, shin. I just don't have the courage to do it. I can kill myself but I don't want to do it. I can take orders but I can defy it. And you know what is worst? " matabang kong sabi.

The Mafia And The Golden Fairy IWhere stories live. Discover now