[10.2]

2.3K 68 1
                                    

Hiro pov

Trust. At least that's what I need. Gusto kong pagkatiwalaan nila ako sa kung ano man ang mangyayari. Hinihiling ko na intindihin muna nila ang lahat bago gumawa ng aksyon, hindi ko alam kung ano ang plano ni Shin. Pero sigurado ako... Hindi mawawala sa plano niya ang patayin ang kambal ko at hinding hindi ko hahayaang mangyari ang bagay na iyon. Haharapin niya muna ako bago niya itutok ang baril kay Sora.


Dumiretso ako sa MainHQ ng Royal mafia at pumunta sa underground basement nito kung saan nandoon si dad. Nakasalubong ko naman ang isa sa mga nagbabantay rito at agaf siyang nagbow sa akin. Tumango lang ako at binuksan ang malaking bakal na pinto. Lumikha ito ng ingay bago nabaling sa akin ang atensyon ni Hanz.

Nakaluhod siya at may sugat na rin sa noo. Hawak hawak niya rin ang tiyan niya habang pinipilit tumayo.


"dad." bati ko sa kaniya at kinuha ang paborito kong dagger sa lamesa.

"finish him, son. Ayoko ng traydor sa mafia." matigas na sabi ni dad bago lumabas ng kwarto ngumisi naman ako at nilingon si Hanz Redfield habang pinapaikot ikot ang dagger sa kanang kamay.


"last chance, redfield. Kanino ka nagtratrabaho?" nakangisi kong tanong dahilan para tumalim ang kaniyang mga mata at samaan ako ng tingin. Tsk.tsk.



"sinayang mo lang ang ibinigay kong chance." iling iling kong sabi.


"magsalita man ako o hindi alam kong mamatay pa rin ako!" bulalas niya naman. Ngumisi muli ako at hindi na nagsalita pa. Gamit ang dagger sa kanang kamay ay iwinasiwas ko iyon sa ere bago ihagis papunta sa direksyon niya.


Hindi ito tumama sa kaniyang dibdib o dumaplis sa kaniyang pisngi. Because I aimed for the head. Kusang bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig at mabilis na kumalat ang dugo sa puting tiles. Lumabas naman ako at inutusan yung bantay na linisin ang kalat sa loob.


Sora pov


Sinukatan ako ng mga designer ng pamilya. Yung iba sa kanila kinuha ang aking measurements at nagsimula namang linisin ng iba ang mga kuko ko at lagyan ito ng kulay beige. Pinapanood ko lang ang ginagawa nila ng biglang may pumasok sa kwarto. Ang kaninang bored kong ekspresyon ay mas lalong naging bored ng mapagtanto kung sino ang bagong dating.


"Hi Solemn! It's good your back! How are you?" nakangiting punta sa akin ni Griselda. Hindi ako nagsalita at bagkus ay pinanood lang ang mga nagkukulay sa aking kuko. Ayoko sa kaniya. Kahit di mo tanungin ay halata ang kaniyang mga pekeng ngiti at pagpapakitang tao.


"gusto mong dalhan kita ng makakain. I'm sure namiss mo ang luto ko!" dagdag niya pa na lalo kong ikinais. Kahit kailan di ko nagustuhan ang luto niya... Dahil bukod sa matabang iyon, hindi pa kaaya aya ang itsura ng pagkain.



Hindi ulit ako nagsalita at pumikit na lang, ignoring her presence.

"sige. Alis na ako ah, good luck sa birthday mo bukas" dumikat ang isa kong mata para tignan ang papalayo niyang pigura. Hindi ko gusto ang huli niyang sinabi... Parang may double meaning iyon.



Pagkatapos ng kalahating oras ay nagsialisan na ang mga designer. Sandali naman akong nagpahinga bago nagpunta sa rooftop ng mansion. Malakas ang simoy ng hangin at mula rito ay tanaw ko ang buong lupain na sakop ng aming mafia.


Kinuha ko naman ang cellphone ka sa aking bulsa ng bigla itong nagring at mabilis na sinagot ang tawag.

"that was fast." sabi ni Shin mul sa kabilang linya. "how are you, babe?"

Kusa namang nagabnormal ang.puso ko sa tinawag niya ulit sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi bago nagsalita.



"okay naman... Medyo pagod lang." nakangiti kong sagot kahit hindi niya nakikita.



"I wanna meet your family" napahigpit ang hawak ko sa phone. What?! No! Hindi ngayon! Hindi pwede! Paano kung... "Sora?"


"y-yeah?"




"akala ko nawala ka na. So?"




"soon, shin." pilit kong sabi. Inamoy ko yung bulaklak sa aking tabi habang nakalagay pa rin ang phone sa tenga. "shin?"




"yeah?"



Siguro dapat ko ng sabihin sa kaniya ang totoo. Kung sino ako at kung bakit ko itinago ang lahat.



"I— "



"boss! Handa na ang lahat para bukas!–damn you basil! Talk to me later!" napatigil ako ng marinig si Basil sa kabilang linya. They already planned everything?





"what was that babe?" napahawak ako sa bulaklak sa aking tabi at pinisil iyon gamit ang buo kong palad. Nawasak ito at kasabay ng malakas na simoy ng hangin ay lumipad paalis ng aking kamay.





"trust me." mahina kong sabi bago ibaba ang tawag.




You are already crushing my heart with your own bare hands, shin. And it is killing me.




***



End of chapter ten.
Next chapter. The grand birthday...




#shinra
#TMATGF


Don't forget to vote and comment :)

Lovelots...
Pinkiepurpy

The Mafia And The Golden Fairy IWhere stories live. Discover now