[11]

2.5K 69 2
                                    

Chapter 11: the grand birthday

Everyone's busy. Ni wala nga akong makausap dahil lahat sila may ginagawa. Sila mommy inaayusan na ng mga make up artist ng mafia, at ganun din ako. Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kwarto sa harap ng aking salamin. Mayroong nag aayos ng napakahaba kong buhok na hindi ko alam kung kailan matatapos at mayroon ring naglalagay ng kung ano ano sa aking mukha.

"grabe! Ang hirap ayusan ng buhok mo masyadong mahaba!" reklamo nung bakla na hindi ko na lang pinansin.

Tok*tok

"ako na ang magbubukas." mabilis na sabi nung babaeng naka assign sa aking mukha. Binuksan naman niya ang pinto at narinig kong may kinausap pa siya bago ulit ito isara. "my gee! Eto na pala ang gown mo! Ang ganda naman... Babagay sa iyo."

"oo nga girl! Bagay sa kulay niya yan!" tili nung bakla at akmang lilingon na sana ako ng hawakan ulit ng bakla ang aking buhok. Haist...

Pagkatapos ng ilang oras na pag aayos ay bumaba muna ako para tignan ang kabuuan ng mansyon. Dito kasi gaganapin ang aming kaarawan, suot suot ang mahabang puting bathrobe ay nilibot ko ang main hall. The walls are decorated with silver and gold. May mga bilog na glass table rin ang mga nasa side at sinadyang hindi lagyan ang pinakagitna na nagkokonekta sa grand staircase. Maraming mga waiters na rin ang naghahanda, naglalagay ng mga bulaklak sa bawat lamesa at mga pinggan.


Ang iba naman ay nagtulong tulong sa pagayos ng red carpet mula sa grand staircase paibaba. A really grand party...



"oh bakit nandito ka? Magsisimula na yung party" nilingon ko yung nagsalita at binigyan lang siya ng walang ganang ekspresyon.



Hix Roberts S. Woldart. Nakasuot siya ng black and gray suit, nakataas ang kaniyang blonde na buhok at mas umangat ang kulay hazel nut niyang mata. Kung meron man kaming pinagkaiba iyon ay ang kulay ng aking mga mata. Brown and blue. Parang ang Earth... Combination of soil and water...



"ano masasabi mo, magandang binibini?" nakangiti niyang tanong habang tinataas baba ang kilay.


"you look... Fine." ngiti ko sa kaniya bago tapikin ang kaniyang balikat at umalis na roon.


"fine? Sabihin mo masyadong umangat ang kagwapuhan ko!" rinig ko pang pahabol niyang sigaw at napailing na lang ako. Mukhang nahawa na ata kila Basil ng kahanginan ang kambal ko.




Pagka akyat sa aking kwarto ay nakaabang na si mommy doon habang tinitignan yung mahabang gown na susuotin ko, pero dumiretso ako sa aking closet at nilabas ang baby pink na gown roon.


"why did you get that?" takang tanong niya sa akin.


"gusto ko munang makihalubilo sa mga bisita ng hindi nila nalalaman kung sino ako. Susuotin ko yang inihanda niyo para sa akin kapag oras na bago ako ipakilala." mahaba kong sabi at tumango naman si mom.



Pag lumabas agad ako suot suot ang mahabang damit na iyon, iba ang magiging approach sa akin ng mga dadalo. Kaya sa unang bahagi pa lang ng party gusto ko munang makihakubilo sa kanila ng hindi nalalaman kung ako ba ang heiress.



"okay, darling. Isang oras na lang magsisimula na ang party. Suotin mo na yan." ngiti ni mom bago lumapit sa akin at halikan ako sa noo. "happy happy birthday, Solemn Raina. Dalagang dalaga ka na..."



"Thanks mom" ngiti ko pabalik bago siya yakapin. "i love you mom..."



"i love you too, darling."


The Mafia And The Golden Fairy IOù les histoires vivent. Découvrez maintenant