Chapter 1.1
Inabutan ni Dale Andrew ang mga magulang na tahimik na nag-aalmusal sa tantiya ay mukhang katatapos lamang magtalo ng mga ito base sa ekspresyong nakikita niya sa mukha ng ina.
Good morning papa, morning ma." Pilit niyang pinasigla ang boses at mabilis na binigyan ng halik sa pisngi ang ina ngunit napakunot ang noo niya ng umiwas ito.
"What's going on here? Are you guys having a lover's quarrel?" Nakangisi niyang tanong sa mga ito. Mula ng magkaisip siya ay alam niya kung gaano kamahal ng mga magulang ang isa't-isa kaya nasisiguro niya na anuman ang hindi pagkakaunawaan ng mga ito ay agad ding lilipas.
"Dale Andrew! Did you read the newspaper?" Sabay hagis ni Gabriel sa anak ang hawak na pahayagan. Kanina pa gustong sumambulat sag alit ni Gabriel mabuti na lamang nandiyan ang kanyang kabiyak na panay ang pagpapaalala sa kanya na huminahon.
Agad na tumambad sa kanya ang mga larawan nila ng isang socialite na naghahalikan na tila walang pakialam sa mga taong nasa paligid nila-- nakilala niya ang babae kagabi sa isang party at hindi niya akalain na madidiyaryo ang simpleng pakikipaghalikan niya rito. "Dad, she's the daughter of senator Ferrer. I'm sure you know her." Marahang tiniklop ni Dale Andrew ang newspaper. Naiinis siya dahil bawat kilos niya ay pinagkakakitaan ng mga tsismosong reporters.
"Anak, kalian ka kaya titino? Look at your kuya Rafael he's happy with his family." Malungkot na turan ni Althea sa anak.
"Mama, sino ba ang nagsabi sa inyo na hindi ako masaya?" Naupo siya sa tapat ng kanyang ina at nagsimula ng kumain.
"Oo, masaya kang magpapalit-palit ng mga babae. Aba! Dale Andrew kung magpalit ka ng girlfriend ay parang nagpapalit ka lang ng damit. Huwag mong sagarin ang pasensiya ko dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta ni Gabriel sa anak.
"Anak, I think this is the right time for you to settle down. Ayusin mo ang buhay mo hijo, hindi kami masaya ng papa mo sa mga pinaggagagawa mo lalo na sa mga nakakarelasyon mo." Payo ni Althea sa anak. Nang makita nila na naging maayos ang buhay ni Dale Rafael sa piling ni Ellie kaya malaki ang pag-asa ni Althea na magbabago din itong si Dale Andrew kapag nahanap ang tamang babae na mamahalin.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na I don't believe in marriage." Matigas na pahayag ni Dale Andrew.
BINABASA MO ANG
You've Changed My Life In A Moment (Completed)
General FictionYou are that little accident that changed my whole life.