Chapter 9.2
Parang sundalong susugod sa giyera si Gabriel ng mga sandaling iyun. Malalaki ang mga hakbang niya patungo sa opisina ng anak. Samantalang si Althea naman ay tahimik lamang na nakasunod sa asawa.
"Papa! Mama!" Gulat na salubong ni Dale Andrew ng walang babalang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa roon ang kanyang mga magulang.
"May dapat kang ipaliwanag sa amin ng mama mo. Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan!" Dumadagundong ang boses ni Gabriel sa loob ng opisina.
"Gab.....please lower your voice. Hindi natin masosolve ang problema kung magsisigawan tayo rito." Pamamagitan ni Althea sa kanyang mag-ama.
Marahas na napabuntong hininga si Gabriel bago umupo sa couch na nakatapat sa kinauupuang mesa ni Dale Andrew.
"Dale Andrew, why did you do that?" Puno ng pagkadismaya ang tinig ni Althea habang nakatayo sa bandang likuran ng asawa.
"What are you talking about? Mama, ano na naman ba ang nagawa ko this time? Sinunod ko naman ang gusto niyo....kaya nga ako ang nandito sa shipping company di ba?.... habang ang magaling kong kapatid ay nagliliwaliw." May halong hinanakit na tugon ni Dale Andrew. Ang pakiramdam niya ay pinagtutulungan siyang gipitin ng mga magulang.
"Ano ang ginawa mo kay Margarette?!!" Pasigaw na tanong ni Gabriel. Pulang pula ang buong mukha nito dahil sa galit na kanina pa kinikimkim.
Biglang namutla si Dale Andrew. "Nagsumbong pala sa inyo ang babaeng iyun, hindi niya ba sinabi sa inyo na maraming kulang ang business proposal niya kaya hindi ko inaprobahan?" Mabilis na pahayag niya ng makabawi. Alam niyang darating ang ganitong pagkakataon ngunit hindi niya inaasahan na agad itong malalaman ng mga magulang.
Napasinghap si Althea sa narinig. Si Gabriel naman ay marahas na napatayo at akmang susugurin si Dale Andrew....mabuti na lamang ay agad na napigilan ito ni Althea.
"Ibig sabihin hindi mo rin sinunod ang utos ko Dale Andrew... ang akala ko..." Napahawak sa batok si Gabriel pakiramdam niya ay magkakasakit siya dahil sa konsomisyon sa anak.
Si Dale Andrew ay napatayo ng mapansing sumama ang pakiramdam ng ama. Nilapitan niya ang ama ngunit tinabig lamang nito ang kanyang kamay.
"Gab...gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Nag-aalala si Althea para sa asawa habang panay ang hagod nya sa likod nito.
"Uuwi na lang muna ako... Ikaw ang kumausap diyan sa magaling na lalaking iyan dahil baka kapag nagtagal pa ako dito ay hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko." Marahang tumayo si Gabriel at dire-diretsong lumabas.
Naiiling na sinundan na lamang ng tingin ni Althea ang asawa hindi niya masisisi ito kung bakit ito galit na galit dahil kahit na siya ay parang saabog ang dibdib sa sama ng loob sa anak. At ng balingan ang anak na nakatayo sa harap niya ay mataman niyang tinitigan ito.
"Dale Andrew, maupo ka. Kailangan mong ipaliwanag ang mga nalaman namin." Kontrolado ang boses ni Althea habang nagsasalita.
Hinila ni Dale Andrew ang isang silya sa harap ng mesa niya at umupo malapit sa ina. "Mama, pinag-aralan ko ang business proposal ni Miss Sarmiento and I found out na maraming loopholes ito and I just told her to revise it." Pagsisinungaling niya sa ina.
"Hindi tungkol diyan ang dapat mong ipaliwanag..." Walang kangiti-ngiting turan ni Althea.
Napakunot ang noo ni Dale Andrew, biglang nakaramdam siya ng kakaibang kaba. "Ano na naman bang kasinungalingan ang sinabi sa inyo ng babaeng iyun? Huwag niyong sabihin na mas pinaniniwalaan ninyo siya kaysa sa akin na anak ninyo?"
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Kitang-kita ni Dale Andrew ang paniningkit ng mata ng ina, ang ibig sabihin nay hindi nito nagustuhan kung anuman ang narinig.
"Walang isinumbong si Margarette dahil hindi pa namin siya nakakausap. Si Dra. Rosbago ang nakausap ng papa mo." Seryosong pahayag ni Althea. Lingid sa kanyang kaalaman ay pinapasubaybayan pala ng asawa ang bawat kilos ng anak dahil alam na nito na maaaring may gawing kalokohan dahil sa panggigipit nila rito. Mula sa inupahang tao ni Gabriel ay nalaman nila ang tungkol sa pagpunta ng anak sa klinika ni Dra. Rosbago. At ng komprontahin at takutin ng asawa ang doktora ay umamin ito tungkol sa ipinagawa rito ni Dale Andrew.
Parang binuhusan ng suka si Dale Andrew ng marinig ang pangalan ng doktor. Napaaga ang pagbubunyag ng kanyang lihim kaya hindi niya napaghandaan ito. "M-Mama, sa t-tingin ko wala namang masama kung si Margarette ang ina ng magiging anak ko." Halos kandautal na paliwanag niya sa ina.
"That's not the point Dale Andrew!" Sabay duro ni Althea sa anak, humulagpos na ang galit na kanina pa niya pinipigilan. "Kung ginawa mo ito sa tamang proseso ay walang problema, but you did it thru artificial insemination....tapos wala pang kaalam-alam si Margarette. My god!.... hindi mo alam ang pinasok mong problema."
"Ito ang gusto ninyo ni papa di ba? Ngayong gumawa ako ng paraan para masunod lang ang gusto ninyo tapos nagagalit naman kayo." Pabalang na tugon ni Dale Andrew.
"Magaling...at kami pa ngayon ng papa mo ang may kasalanan. Pwes, harapin mong mag-isa ang katarantaduhang ginawa mo. Wala kang aasahan na tulong sa amin!" Humihingal sa galit si Althea at bago iniwan ang anak ay tinapunan niya ito ng masamang tingin.
_________________________________
BINABASA MO ANG
You've Changed My Life In A Moment (Completed)
General FictionYou are that little accident that changed my whole life.