Chapter 40.1
Laking pasasalamat ni Dale Andrew ng magvolunteer ang mga magulang ni Margarette na sila na ang maghahatid sa mga magulang niya. Pagkaalis ng mga ito ay agad niyang pinuntahan si Margarette, alam niya kung saan naglalagi ito nitong mga nakaraang araw.
"Hi sweetheart! Mukhang busy ka na naman." Nakangiting puna ni Dale Andrew dito ng abutan niya sa study room na seryosong nakatitig sa monitor ng laptop nito.
Marahang nag-angat ng ulo si Margarette ng marinig ang boses ni Dale Andrew, magmula ng maging maayos ang relasyon nila ay talagang wala siyang masabi sa atensiyin na ibinibigay nito sa kanya. Pati pagkain at pag-inom niya ng mga vitamins ay talagang minomonitor nito.
"Ang bilis mo naman...nahatid mo na sina tito at tita?" Tukoy niya sa mag-asawang Monteverde.
Napabuntong hininga su Dale Andrew bago lumapit sa asawa at ginawaran ito ng banayad na halik sa pisngi. "Sweetheart, kailan mo kaya tatawagin na papa at mama ang mga magulang ko?" Malungkot na turan niya sabay hila sa isang silya at naupo sa tabi nito.
Agad na naramdaman ni Margarette ang pagbabago ng mood ni Dale Andrew. "Siyempre gusto ko munang makausap ang mga magulang mo lalo na ang mama mo para naman personal kong masabi sa kanya na wala akong kinalaman sa mga nangyari. Malay ko ba kung galit pa rin siya sa akin." Pagpapaliwanag niya rito. Ang totoo ay hindi niya lang masabi rito na walang siyang karapatan na tawagin ng ganun ang mga magulang nito dahil hindi naman sila kasal. Ayaw niyang isipin nito na nagdedemand siya ng kasal. Pilit na lamang niyang kinukumbinsi ang sarili na dapat makontento na lang siya sa ipinapakita nitong pagmamahal sa kanya at sa magiging anak nila.
Ginagap ni Dale Andrew ang isang kamay nito at mariing hinalikan. "Sweetheart, kapag tuluyan ng magaling ang mama sigurado akong siya mismo ang magpapatawag sa'yo para makipag-usap. At sinisiguro ko rin na hindi siya galit sa'yo." Malambing na pahayag niya. Kung alam lang nito na ilang araw siyang kinukulit ng mama niya na isama ito sa hospital para makapag-usap daw sila. Ang lagi niyang idinadahilan sa ina na masama ang pakiramdam nito dahil sa pagbubuntis pero ang totoo ay ayaw niya dahil baka sirain nito ang hinahanda niyang sorpresa.
"Muntik ko ng makalimutan, naaresto nap ala si Grace." Pagbabalita niya.
Nanlaki ang mga mata ni Margarette sa narinig. "Really? Siguradong matutuwa si Maureen kapag nalaman niya ito."
"I'm sure, she will." Maikling tugon ni Dale Andrew. Hangga't maaari ay iniiwasan niyang masama sa usapan nila si Maureen dahil hanggang ngayon ay alam niyang hindi pa niya nakukuha ng lubusan ang tiwala nito.
"Dale Andrew, ngayong tapos na ang problema natin kay Grace...siguro naman puwede na akong magbiyahe." Magmula kagabi ay ito ang pinoproblema ni Margarette kung paano magpapaalam. Naisip niya na kapag pinayagan siya ni Dale Andrew ay madali na niyang makukumbinsi ang mga magulang.
"Magbiyahe? Where are you going?" Nakakunot ang noong tanong ni Dale Andrew.
Nakagat ni Margarette ang pang-ibabang labi, umaasa siya na maiintindihan nito ang kanyang dahilan. "May konting problema sa negosyo ko sa America. I need to fix it as soon as possible or else I might lost my company." Pagpapaintindi niya rito.
Napatayo sa kinauupuan si Dale Andrew at nagpalakad-lakad sa gitna ng study room. Iniisip pa lamang niyang malalayo siya kay Margarette ay parang sasabog na ang dibdib niya sa pag-aalala. "Sweetheart, sasamahan kita kung gusto mo talagang umuwi muna sa America."
"Dale Andrew, hindi naman ako magtatagal. Maybe a week is enough to settle the problem. Kung iniisip mo ang tungkol sa anak natin, huwag kang mag-alala dahil hindi ko siya itatago sa'yo. Babalik din ako agad." Pangungumbinsi niya rito. At ng Makita niyang hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ay may naisip siyang paraan para mapapayag niya ito. Nilapitan niya si Dale Andrew at siya na ang kusang yumakap at isinandig pa niya ang ulo sa dibdib nito.
"Sige na... pumayag ka na. Kung hahayaan kong ma-bankrupt ang Blue Harbor, paano naman ang mga empleyadong umaasa rito? Kawawa naman sila. Maraming pamilya ang maaapektuhan." Paglalambing niya kay Dale Andrew.
"Sweethear, pumapayag naman ako but with your health condition I will not allow you to travel alone." Hinawakan ni Dale Andrew an magkabilang pisngi ng asawa para magsalubong ang paningin nila.
"Hmmm...kung maglalambingan kayo please doon kayo sa kuwarto ninyo." Naiiling si Nathan habang nakatingin sa dalawa. Nang makatanggap siya ng report tungkol sa kumpanya ng kapatid ay agad niyang hinanap ito upang sabihin na siya na ang bahalang mag-asikaso sa problema.
Napahalakhak si Dale Andrew. "Dude, wrong timing ka naman." Sakay niya sa biro ni Nathan. Lalo siyang natawa ng makitang namumula ang pisngi ng asawa. Buong pagmamahal na sinakop niya ang mga labi nito. Wala siyang pakialam kahit nasa harapan nila ang kuya nito.
Naiiling na lamang na tumalikod si Nathan. Hahayaan na muna niya ang dalawa na masolo ang isa't-isa.
__________
BINABASA MO ANG
You've Changed My Life In A Moment (Completed)
General FictionYou are that little accident that changed my whole life.