Chapter 21.2
Mabilis na napabangon si Dale Andrew ng makitang wala sa tabi niya si Margarette. At ng masulyapan ang orasan na nasa bedside table ay nagmamadali niyang inayos ang sarili bago lumabas ng kuwarto. Mag-aalas onse na pala ng umaga.
"Margarette!" Tawag niya rito ng hindi makita sa kabuuan ng kanyang unit. Nagsisimula na ring bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Parang gusto niyang sisihin ang sarili dahil hindi man lang niya itong naramdamang bumangon. Naisipan niyang tawagan ang kanyang mga biyenan upang alamin kung umuwi ito sa mansion nila. Ngunit ilang ulit niyang tinawagan ang numero sa mansion ng mga ito ay tanging busy tone ang sumasagot sa kanya.
"Damn! Saan kaya siya nagpunta?" Problemado niyang bulong sa sarili. Biglang may takot siyang naramdaman ng maisip na posibleng iniwan na siya nito. Pabagsak na naupo siya sa sofa at napasabunot sa kanyang ulo. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, hindi na rin niya alam kung ano ang nararamdaman niya para kay Margarette. Kahit anong pilit niyang magalit dito ay hindi niya magawa. Muntik na siyang mapalundag sa kinauupuan ng biglang nag ring ang kanyang telepono. Agad niyang nilapitan ito upang sagutin, umaasa siya na si Margarette ang nasa kabilang linya.
"H-Hello..." Kinakabahan niyang bungad.
"Dale Andrew?" Paniniguro ng nasa kabilang linya.
Agad namang nabosesan ni Dale Andrew ang ginang. "Yes, mommy." Alanganin niyang tugon.
Napaawang ang bibig ni Marian sa paraan ng pagtawag sa kanya nito. "I was on the phone when you were calling kaya nagreturn call ako." Pahayag niya ng makabawi sa pagkabigla.
"Nandiyan po ba si Margarette?" Nahihiya niyang tanong sa biyenan.
"Huh? Wala siya rito." Biglang kinabahan si Marian. "What do you mean? Wala ba siya diyan?" Sunud-sunod niyang tanong dito.
"Paggising ko po wala na siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta." Pagpapaliwanag ni Dale Andrew.
Nabigla si Marian sa narinig, hindi niya inaasahan na magtatabing matulog ang mga ito lalo na alam niyang paghihiganti lamang ang pakay nito sa pagpapakasal sa kanyang anak.
"Nag-away ba kayo?"
"Hindi po." Mabilis na tugon ni Dale Andrew.
"Baka may binili lang iyun, ganyan ang batang iyan nasanay kasi sa buhay sa America kaya minsan nakakalimutan niyang may kasama siya sa bahay." Medyo napanatag na ang kalooban ni Marian. May katuwaan din siyang nadarama dahil nahihimigan niya sa boses ni Dale Andrew ang pag-aalala para sa anak.
BINABASA MO ANG
You've Changed My Life In A Moment (Completed)
General FictionYou are that little accident that changed my whole life.